Chapter 3
Melvin PoV
Muntik na ako don ah, buti nalang talaga at dala ko itong pepper spray ni mama. Pagkapasok ko ng bahay ay agad akong dumiretso ng kuwarto ko at humiga agad.
Kinabukasan ay dali dali akong pumasok ng school at nagkasabayan kami ni Nicolo kaya pinasakay ko na ng bike ko.
"Alam mo bang walang sikretong hindi nabubunyag..."
"Oo pag di mo chinismiss, ikaw lang naman nakakaalam kung sino nagpakalat non. Kaya yari Ka saakin kapag trinaydor mo ako."
"Luh! Ba't ko naman gagawin iyon." Habang naglalakad kami ni Nicolo papuntang classroom ay may humarang saakin dalawang lalaki at hinawakan ako sa magkabilang braso ko.
"Ano ibig sabihin nito ah! Bitwan niyo ako!" Pagpipiglas ko tas bumaling tingin ko kay Nicolo wala na Siya! P*este talagang m*ukong na iyon iniwan ba naman ako.
"Sumama ka saamin kong ayaw mo masaktan."
"GUARD!!!! MAY MGA BULLY DITO!"
"Tumahimik ka!" Pilit nilang akong hinihila nagsisigaw na ako ng malakas.
"Hoy ano iyan!?" Nagtakbuhan naman ang m*kong at iniwan ako. Ang talino ko talaga saad ko sabay tayo.
"Okay ka Lang ba?" Tumango ako at nagpasalamat Kay manong guard kung hindi dahil sakanya baka nakaladkad na ako ng mga k*utongs na iyon.
"Okay Lang po, salamat sa klase mo at late kana."
"Manong guard puwede po makahingi ng favor?"
"Ano iyon?"
"Pahatid naman sa classroom po baka balikan po ako ng mga iyon natatakot po ako."
"Ano Ka bata? May duty pa ako—"
"Ako na po maghahatid sakanya." Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng makita si Augusto na sumulpot sa harap namin.
"Oh sir Augusto ikaw pala!" Sh*t kailangan ko ng umalis.
"Saan ka pupunta? Gusto mo dibang magpahatid halika ihahatid kita—"
"Ah huwag na Baka malate kapa sa klase mo—
"Ihahatid na kita—"
"Hindi kaya ko naman eh. Malapit lang iyong classroom namin eh." Nagulat ako ng kaladkarin ako papuntang hallway at kinakabahan ako ngayon sa nangyayari.
"Saan ba classroom mo?" Nag alinlangan akong ituro sakanya pero no choice dahil late na ako."
"Don pa." Hinatid ako nito at lahat napatigil at nagbulungan ng makita nila si Augusto iyong iba pinipigilang iyong kilig na nararamdaman nila.
"You're late Mr. Masemas!" Galit na saad ng teacher namin sa mathematics.
"Excuse me ma'am but I'm the who should blame for this, I ask him to help me fro something that's why he's late. I'm sorry." Nagulat dahil sa palusot nito ano naman ba pakulo nito.
Nagtilian naman ang mga babae sa classroom tsk! Iba talaga kapag pogi no... Effortless magpakilig samantalang kaming mga average kailangan talagang mag pursigi para masagot ng mga babaeng gusto namin.
"Quiet class! Sit down Mr. Masemas..."
"It's okay Augusto..." Tsk! Pati ba naman teacher namin nahuhumaling din dito... Kainis talaga! Umupo na ako at bigla akong siniko ni Nicolo.
"Hanep ka pre! Hinatid ka lang naman ng isang Augusto."
"Tumahimik ka! May kasalanan kapa saakin mamaya Ka!"
"Ito naman oh."
"MR. MASEMAS AND MR. RODRIGUEZ! go to blackboard and answer this question." Buong oras kaming nakatayo sa klase ni ma'am dahil hindi namin nasagot iyong problem solving sa math. Itong kasing si Nicolo apaka ingay iyan tuloy pinagtatawanan Kami ng mga kaklase namin. Nang matapos ang klase namin ay nasa loob pa ako ng classroom ng may tumawag saakin.
"Hoy Melvin! Tawag ka ni Augusto sa cafeteria. Punta ka daw ngayon don." Masama talaga kutob kaya agad ko hinila si Nicolo paalis ng classroom.
"Saan tayo pupunta!" Hindi ko siya sinagot at pumunta kami don sa may gym dahil don kami magtatago.
Author's note;
Thank you sa mga likes niyo nagulat ako 100 plus na iyon. Thank you guys 😊
BINABASA MO ANG
Stalking the Psycho (BL story)
General FictionMelvin had a crush on Chelsea for a long time. He finally gathered his courage and confessed his feelings to her. But she rejected him, breaking his heart. He blamed Augusto Guillermo, the most popular and notorious guy in school. Augusto had slept...