Chapter 11

648 9 0
                                    

Chapter 11

Melvin PoV

Nakatapos na kami ng klase at sabay kaming lumabas ni Nicolo. Pasakay na sana kami ng bike ko ng sumulpot saamin si Augusto.

"Do you mind if I borrow your friend." Saad nito kay Nicolo.

"Oo naman!" Tr*ydor ka talagang kaibigan Nicolo..

"Huwag ka mag alalala iuuwi ko to kay tita iyong bike mo." Saad nito at naiwan ako kaming dalawa ni Augusto.

"May kailangan kaba?" Saad ko

"Niyaya nila ako pumunta sa resto kaya naisip kita yayain."

"Huh? Sorry pero pass ako... Nakakatakot pa naman iyang mga barkada mo—"

"Don't worry! Ako Bahala sayo basta sumama kalang." Sabay akbay nito saakin.

"Bakit ba kasama pa ako? Puwede ka naman sumama sakanila na—"

"Nandon si Chelsea." Napatigil ako at napatingin sakanya.

"Talaga! Tara bakit ngayon mo Lang sinabi!" Saad ko

"Ang bilis mo talaga pag kay Chelsea no? Ang dami namang babae mas sexy pa sakanya gusto mo pakilala kita."

"Ayoko! Sapat na saakin si Chelsea." Sumakay kami sa kotse nito at pinaandar iyon.

"What so great about that girl, I swear she's boring as h*ell."

"Di naman s*x hanap ko sa relationship at isa pa matagal kona mahal si Chelsea kaya di mo na mababago isip ko. Palibahasa kasi sa mga guwapong gaya niyo di niyo na kailangan mag effort."

"Kaya ganyan kayo mag isip paano naman kaming mga average lang..." Saad ko

"Maybe you're right..." Tumigil iyong sasakyan sa harap ng resto at kinakabahan ako dahil nasa loob si Chelsea.

"Don't be nervous..."

"Anong nenerybos ka diyan?" Natawa naman Ito at binuksan nito ang pinto at tumambad agad saakin ang magandang mukha ni Chelsea.

Lumapit na kami sa table nila at nagtatakang tumingin saakin ang mga barkada nito pati mga babae na kasama nila.

"Augusto why did you bring him?"

"So what? I'll invite him because he's my friend if you're not grateful then we don't mind to leave and pay the bill on your own."

"It's not like that Augusto... Hi what's your name again?"

"M-melvin..." Saad ko nahihiyang nauupo at tabi ni Chelsea at ngumiti naman Ito saakin. Parang nawala ang kaba ko sa ngiting iyon.

"Welcome here Melvin." Saad niya saakin sobrang lakas ng puso ko.

"S-salamat..." Nahihiyang saad ko at napatingin sakanya pero hindi na Ito nakatingin saakin at bumaling ang tingin nito kay Augusto na kinakausap din ng isang babae.

"Hey Bella can you back off. Augusto is mine darling." Saad nito sa babaeng kinakausap si Augusto. Pero mas nagulat ako sa sinabi ni Augusto sakanya.

"It's okay... Melvin wants you so I don't have any business with you."

"Are you kidding me Augusto? Nag ayos ako para maging maganda sa harap mo. There's no way na hindi ako magiging Ka date mo."

"Really? But you're not..."

"This is nonsense! I don't want this blind date anymore! I don't like this ugly guy eww..." Saad nito at umalis

Para akong sinasaksak sa mga salitang binitawan nito. Tumayo ako at aalis din Sana pero nahawakan ako ni Augusto sa braso.

"Aalis na ako." Mahinang saad ko.

"Are you mad? Don't go please..." Pagsusumano nito pero tinaggal ko iyong kamay niya sa braso ko.

"Okay lang ako..." Tumakbo na ako palayo at sumakay agad ng taxi pauwi ng bahay. Ang sakit naman ni Chelsea magsalita kung galit siya kay Augusto hwuag naman Sana saakin.

Nakauwi na ako ng bahay at napagalitan pa ako ni mama dahil bakit daw gabi na ako umuwi. Sinabi ko Lang na may group project ako na ginawa buti nalang maniwala si mama.

Masama ang loob ko na pinikit ang mga Mata ko. Kinakabukasan ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa inaalala ko pa din iyong sinabi saakin ni Chelsea.

"Ang laki namang eyebugs iyan! Siguro nag aral ka kagabi no..." Saad ni Nicolo saakin.

"G*go Hindi! May pinagdadaanan huwag mo ako isturbuhin." Tumawa lang ang mokong saakin at pagrecess ay nabigla ako dahil nakita ko si Chelsea na nasa harap ng pinto namin.

Parang balisa Ito at nagtama ang tingin namin sa isa't isa.

"Please go out with me Melvin!" Sambit nito habang hindi mapakali ang boses nito. Magsasalita pa sana ako ng sumulpot si Augusto na may ngiti sa labi at napansin kong mas lalong natakot si Chelsea dito.

"Is that a good news?" Mas lalo ko napansin ang higpit ng hawak ni Chelsea sa kamay ko at naiintindihan kona kung anong ibig niyang sabihin.

Stalking the Psycho (BL story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon