ENTRY #4

18 1 0
                                    

Dear diary,


*inat inat*


Haaay, ang sarap ng tulog ko diary. Bumaba na ko para kumain.

Masarap ang ulam namin ngayon diary. Hindi na tuyo. TINAPA naman. Hihi masarap to diary. Gusto mo? Bili ka ah.


Pagkatapos nun, nag-igib nako ng pampaligo ko at gumayak para pumasok. Puro 7am pa naman klase ko. Kajirits diba?


Nag-abang nako ng tricycle.


"Para ho. Sa Eastwood University lang ho." sabi ko sa driver.


Eastwood University ang school namin. Tunog mayaman diba? Scholar ako no! Kaya ako napasok dyan.


"Yayen, bat mukha kang ampalaya? Bukol-bukol na nga mukha mo, mapait ka pa sa pag-ibig." -Driver


Leche to ah!


"Aray ko naman manong! Masyado naman kayong nakakasakit ng damdamin."


Bumaba na ako nung nakarating kami sa school. Limang piso lang binayad ko sa pugitang driver na yon! makapanglait kala mo gwapo. Pisti!


Tuwing mapapadaan ako sa hallway, lagi silang nakatingin sakin. If I know, nagagandahan sila saken. Hihi... wag naman silang masyadong pahalata. Hihi


Pagpasok ko sa room...


"Hoy bes!"-Karen


"Aray ko bes! Yung eardrum ko. Basag na ata. nandito lang kausap mo oh. Wala sa bundok." sabi ko.


"Gagita ka talaga. Nagawa mo assignment? Pakopya nga."


Sabi ko na nga ba e. mangongopya lang to. Syempre maganda ako nkaya pinakopya ko naman sya.


Natapos ang klase namin na puro discussion lang. What a boring life? -_- sabay kaming pumunta ni Karen sa canteen para maglunch. Sa di inaasahan, nakita ko nanaman si Kenny at Toyang. Naglalampungan nanaman ang mga unggoy. Dapat pala nagbaon ako ng saging e at ng ipalamon ko kay Toyang.


A/N: Magsign-off muna ko kasi di ko alam kung kelan ako mag-uupdate. baka matagalan pa. Miahae~ Vote and comment :) DNB is temporarily signing off. Till next time. Ppyong~

Diary Ng Bitter (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon