ENTRY #3

16 2 0
                                        

Dear diary,


"Tara na magpraktis." Omaygas diary! inaaya ako ng kutong lupa na to na magpraktis. Papayag ba ako o hindi? OMG diary. Bat ganito yung nararamdaman ko. Parang bumibilis yung tibok ng puso ko sa tuwing naririnig ko ang boses nya. Hindi ito maari. WALA NA KAMI!


"Tara." Omaygad! Pumayag ako? Pumayag ako? Haaaay.


Nagpunta kami sa gym. Kami lang ang tao doon diary. AWKWARD na naman. Naupo lang ako sa upuan don. Syempre! Upuan nga e. nang bigla nyang nilahad ang kamay nya sakin na parang nag-aaya ng sayaw. inabot ko naman ang kamay ko. MALANDI ako e. HAHA Chos lang diary!


"Hindi ka parin nagbabago." Kinilabutan ako diary nung ibinulong nya sakin yan. Tumayo lahat ng buhok ko.


Author: OA mo Yayen.

Yayen: heh! Shatap.


nakatulala lang ako habang nagsasayaw. Nang biglang...


"Ehem ehem!" Si Troy yan.


Bigla namang binitawan ni Kenny ang kamay ko.


"Tapos na ba kayo magpraktis? O baka naistorbo ko kayo?"- Troy


Leche to! Nagtanong pa. Alam na ngang naistorbo e. Bigwasan ko to e. Charot!


"Ah... Oo tapos na kami. Sige, Kenny uwi nako." Sabi ko sakanila.


"Hatid na kita."- Kenny


"May paa ako."- Taray ko diary diba?


"Gusto ko lang naman nasiguradong ligtas ka paguwi." -Kenny


Hanuraw diary?


"No thanks." O diba? Ang taray ko talaga. At naglakad na ako pauwi nun. Malapit lang naman ang bahay namin diary.


Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso nako sa kwarto. Pagod ako diary e. Char! Syempre, nag-igib ulit ako. Pagkatapos nun, tinignan ko kung sino nagtext sa cellphone ko.


From: 09274408793 (totoong number yan ni author)


"W4q C4 m4gP4p4qOd. M4tUlOq nq M44q4. Mwamwa tsutsup." Halos mapangiwi ako sa pagbabasa nyan. Putek! jejemon. Di ko na nireplyan. Wala akong load e. Hehe...


Pagkatapos nun, kumain nako. O bukas ulit diary, Goodnight. :)


Dyosa,

Yayen


A/N: Short update again. Busy po talaga ako. Mianhae~ bawi ako pag weekend. Vote and comment :)


Diary Ng Bitter (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon