ENTRY #2

17 2 0
                                    

A/N: Nagdededicate po ako. Just PM me lang :) Sorry sa typo, sa cellphone lang kasi ako nag uupdate. Bear with me.

Dear diary,

"YAYEEEEEEEEEN! TIRIK NA ANG ARAW, NAKATIHAYA KA PARIN DYAN. HINAYUPAK KA! MAG-IGIB KA NA NGA!" Sigaw ni nanay. Ayan ang alarm clock ko sa umaga na di nauubusan ng baterya.

"Oo na nay! Teka lang, eksayted?" Sabi ko. Kitang natutulog pa yung tao e. Kaynes!

Nag-igib nako ng tubig. Naligo, gumayak at kumain.

"Nay, eto nanaman yung ulam? Tuyo nanaman?" Takteng buhay to.

"Fish fillet de el nino yan. Bobo ka talaga." Sabi ni nanay.

"Kpayn"

Sa school.

Kanina, habang naglalakad ako sa building namen may nakita akong nagsyota. Naghahalikan sila diary. Like WADAPAK! Ang sarap manapak! Di ba nila nakikita ang kagandahan ko? Gosh!

Pagpasok ko sa room, nakita ko ko nanaman si Kenny. Kinilig yung pimples ko nung nakatingin sya sakin. Emergesh! Ay ano ba tong iniisip ko. Niloko nya ko. Kaya gusto ko sya ipatapon sa Pacific Ocean.

Naupo na ako dun sa dulo. Katabi ni Kenny. Spell AWKWARD diary. Sa dulo kasi yung upuan ko. Ang pangalan ko kasi, "Yayen Zamora". Sya naman, "Kenny Zafra". O diba? Bongga? Eww.

"Ok class. Magkakaroon tayo ng ballroom dancing. Ako ang mamimili ng partner nyo."- Mam Tekla

"Toyang and Troy, kayo ang magkapartner." Buti nga sa Toyang na yun. Di nya kapartner si Kenny. Kung hindi, nako! Baka ilublob ko sya sa kumukulong mantika. Syempre echos lang diary. Hehe. Si Toyang kasi ang girlfriend ni Kenny.


"Yayen and Kenny." OMAYGAD diary! Super nagulat talaga konung nalaman kong si Kenny ang partner ko. Tumingin ako kay Kenny. Tumatawa lang ang unggoy. Nyeta!


"Pwede na kayo magpraktis." Mam.


Tumingin muna ko kay Toyang. At diary, kasarap ihampas sa pader yung pagmumukha nya. Inirapan na naman ako. Pektusan ko eyelid nun e. Siguro nagseselos to sakin dahil partner ko si Kenny. Like duh! Ayoko kaya kapartner yon.

Diary Ng Bitter (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon