isa

36 2 0
                                    

Parang baliw ako kaiisip sa'yo
Kahit alam kong 'di mo naman ginagawa ito
Palagi ka na lang nasa utak ko
Saan man magpunta, kahit pa sa loob ng banyo

Wadapak!

Unang titig ko sa'yo agad na kitang napansin
Na kung makatitig ay parang may ipinapahiwatig din
Kung hindi lang ako torpe't matatakutin
Ipinagtapat ko na noon sanang balak kitang mahalin

Tangina!

Kailan ba darating ang araw
Titigil itong pusong tinitibok ay tanging ikaw
Sa Zonrox, bleach o sa muriatic man utak ko'y isawsaw
Hindi ka mawaglit-waglit sa'king balintataw

Kahit sandali sana'y lumayas ka sa'king isipan
Simple lang hinahanap ko't 'yon ay katahimikan
Ayaw na sanang pairalin pa ang nararamdaman
Ng puso, utak, pati kaluluwa't sexy kong katawan

Putcha!

Baka ako'y gutom lang din minsan
Sa pagkain ba? O sa'yo? Iyon ang walang kasagutan
At kahit anong lamon 'di ka talaga makalimutan
Nanghihina sa isiping puso mo'y baka meron nang ibang laman

Maderpaker!

Magandang nilalang na minamahal ko
Sa gabi sana'y patulugin mo agad ako
Pinagpupuyatan ko kakaplano pa'no maging tayo
Tuloy kulang sa tulog, nagmukha akong multo

🕐🕒.🕐.🕐🕗.🕘.🕔.🕐🕑.🕐🕑

A.N.
–minsan nabaliw si author–

tula-la para kay 'crush(ed)'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon