19 - Not Her

21 2 0
                                    

19 – Not Her

"Nag-aalala ako sa'yo."

Banggit ni Kyro kay Prinsesa Alessia na balak paalisin si Zeno sa silid.

Tinignan niya ng nakakunot ang noo at nilisik ang mata kay Zeno kaya napansin nito iyon at ngumisi siya.

"Maiwan ko na kayong dalawa. Mag-usap kayo. Madami pa ata kayong dalawang pag-uusapan."

Ngumiti si Zeno kay Kyro.

Tumango si Kyro na medyo hindi makaraos sa ginawang paglagay ng kamay ni Zeno sa gilid ni Alessia sa dingding.

"Payong kaibigan lang, Wag niyo ng pakawalan ang isa't isa!"

Sabi ni Zeno nung nasa pinto na.

Tumawa naman si Alessia.

"Nag-aalala ako satin."

Pag-ulit ni Kyro.

"Hindi naman, ayos lang. Alam ko na nung una pa lang na si Avery ang unang prinsesa. Kaya nga nagtataka ako nung sinabi mong asawa mo ko. Lalo naman, akong naguluhan nung hinalikan mo ko."

Tumawa bahagya si Alessia.

Napatawa na rin si Kyro sa sinabi ni Alessia.

"Nasasaktan ka ba?"

Kinuha ni Kyro ang kapirasong buhok ni Alessia at hinalikan.

Umiling si Alessia at ngumiti.

Lumabas si Axel sa kwarto niya at nakita si Deon.

"Deon, Kapag nakauwi na tayo. Ang gawin mo, magpanggap ulit na Alex sa liham pero magpakita ka bilang Deon."

Bulong ni Axel habang lumilinga-linga kung may nakarinig.

"Yung pangako mo, Axel. Tuparin mo."

Tumango si Axel sa pahayag ni Deon.

"Oo, ikaw ang magiging reyna at ako ang magiging hari. Ganon lang kasimple."

Ngumiti si Axel.

Niyakap niya si Deon.

"Alam ko pero wag mong idamay si Zeno."

Sabi ni Deon kay Axel.

"Gusto ko siya para sa'kin."

Ngumisi si Deon.

Hindi rin nagtagal ay nakaalis na sila sa isla.

Isisiwalat lang pa lang si Avery at Kyro ang ikakasal.

Hindi pala si Alessia.

Alam ni Alessia ito noon pa man, na siya ang nawawalang pangalawang anak.

Itinago para maprotektahan si Avery, ang totoong prinsesa ng mga Marcella.

Nagpadala ng liham para kay Kyro Augustus.

Midnight Alex ang nakalagay sa labas ng sobre.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang napangiti sa nakitang pangalan sa labas ng sobre.

Binuksan niya ang sobre.

"Gusto pala ni Deon na kitain ko siya."

Bulong niya at napalitan ang ngiti ng pagseseryoso habang tinitignan ang mga liham.

Habang sa labas naman ng hardin ay lumabas si Zeno at nakita si Avery na paalis dala ang basket sa kaliwang kamay.

Nakasimpleng gown lamang, upang magpanggap na isa sa mga commoner sa labas.

Somewhere Only We Know (Completed, Mar 2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon