10 – Crazy Escape
Nakangisi si Kyro sa kanyang trono pero totoong inisip ay kung paano makakaalis.
May plano na silang dalawa pero hindi pa rin nila alam kung magiging maayos.
Ngayon ay gusto na niyang lumisan dahil nabanggit ang kanyang pinsan na si Axel Tresvenor.
Nasa gilid ang tatlong binibini ang kanyang mga asawa, mga pang-gulo sa eksena.
"Bakit ka ba may maskara? Siguro ay hindi kaaya-aya ang iyong itsura?"
Tumawa si Yanes at tumingin kay Leyla.
"Oo nga, siguro ay ikaw ay may balat o kung ano."
Tumawa nang mas malakas si Leyla, nang-aasar.
Pero hindi natinag si Alex.
Si Deres naman ay nakangisi kay Prinsipe Celestino sa di kalayuan.
Napagdesisyonan na lamang ni Alessia na lumapit sa gilid ni Kyro sa trono bago iyon ay may gusto siyang sabihin.
Si Alessia naman ay hindi na pinagtaka ng mga ito dahil sinabi niya bago siya lumapit kay Kyro,
"Ako ay may peklat sa buong mukha kaya hindi kaaya-aya ang aking itsura kaya ako ay may maskara."
Sinabi niya ito sa tatlong asawa ni Prinsipe Celestino ala Kyro nangulit ngayon sa kanya.
Nagulat siya nang bigla siyang pinaupo ni Kyro sa kanyang mga hita.
"Kailangan na nating umalis mamaya."
Sabi nito sa kanyang tenga, malumanay.
Nagulat si Alessia at nag-init ang mukha niya sa hiya.
"Hindi mo naman kailangan akong yakapin. Manyak."
Tumawa si Kyro sa sinabi ni Alex kaya lalo niya itong niyakap.
"Kailangan nating maging kapanipaniwala. Kasi asawa kita dito."
Sagot pa ni Kyro na ikinagulo nang utak ni Alessia.
Hindi mapakali si Alessia kung saan titingin kay Kyro.
Tumunog naman bigla ang napakaromantikong kanta.
"Sasayaw tayo, mahal ko. Lilinlangin pala nila tayo. Tayo ang lilinlang sa kanila."
Bulong niya kay Alex, natutuwa sa kanyang sinabi.
Hinampas siya nang mahina ni Alessia sa balikat at tumawa.
"Ulol ka talaga. Bwisit. Lapastangan. Hindi mo naman ako kailangang ganitohin."
Bulong ni Alessia kay Kyro.
"Mali ka at ako ang tama. Kailangan ito para maging makatotohanan."
Ngumiti ulit si Kyro, medyo kapilyuhan ang naiisip.
Tumayo na si Alessia at sumunod si Kyro sa gitna.
Sumayaw silang dalawa habang naalala ang nakita nila sa kusina.
Sumayaw si Alex at Kyro sa gitna habang nagsimula nang kumain ang iba at iba ay nagsayawan.
"Hindi ka pa rin nagbabago, matalino ka pa din."
Sabi ni Kyro kay Alessia, nakangiti sa kanya.
"Ikaw din, mahal na prinsipe Celestino ala Kyro."
Nag-apir sila noong nakalabas sila.
Nilagyan nila nang pang-papalakas nang kabag ng tyan ang mga pagkain.
Kaya naman nagkagulo-gulo ang mga tao.

BINABASA MO ANG
Somewhere Only We Know (Completed, Mar 2023)
RomanceDate Created: April 22, 2022 Date Finished: March 3, 2023 Theme Song: Everything Has Changed by Taylor Swift ** Kyro Augustus has always been a prince who's obedient to his parents. Destined to marry a princess, Alessia Marcella. But not until a gir...