23 - Real Identity

20 2 0
                                    

23 – Real Identity

Hindi pa rin nila sinasabi kung sino talaga ang bagong hari.

Hanggang hindi natatapos ang pagpili.

Siguro nga ay mas gusto nilang ang prinsesa ang mamili.

Nasa lamesa nakaupo si Alessia.

Lumapit naman si Kyro sa tabi ni Alessia kahit puro babae ang nasa lamesa.

"Bakit ka nandito?"

Bulong ni Alessia kasi masyadong malakas ang tugtog.

"Gusto kong makasama ka."

Nakangiting sabi ni Kyro sa kanya.

Si Zeno ay gumaya din kay Kyro.

Binulungan niya si Deon para lumipat pero ayaw nito.

"Umalis na tayo dito."

Bulong ni Kyro kay Alessia.

"Ako lang, maiwan ka na."

Natatawa na sabi ni Alessia.

Tumayo na si Alessia sa upuan at tuluyan ng dumiretso sa labas ng dalawang pinto ng party hall.

Pumasok si Alessia sa kanyang kwarto.

Hindi niya namalayan na sumunod pala talaga si Kyro.

Nagulat si Kyro sa laman ng dingding ng kwarto ni Alessia.

Sobrang daming iba't ibang makukulat na pinta at likha.

"Ikaw gumawa lahat ng mga yan?"

Tinuro niya ang nasa dingding.

"Oo, kapag kasi wala akong magawa. Yan ang libangan ko. Nakakapag-alis ng lungkot ko kapag masyado akong nag-iisip. Nauubos yung oras kapag gumuguhit ako. Gumaan ang loob ko. Nawawala lahat ng iniisip ko."

Paliwanag ni Alessia habang nakaupo sa kama.

"Nakakabawas nga ng angas kapag hindi trip yung kinalabasan."

Dagdag niya habang inaayos ang mga kwaderno na may laman na mga pinta niya.

"Hindi ka ba kinakabahan."

Bulong ni Alessia na medyo nahihiya kay Kyro.

"Ikaw? Sakin? Tama naman, ikaw talaga kakabahan."

Ngumisi si Kyro sa kanya.

"Kung hanggang ngayon ay ako pa rin o ako ang susunod na hari, baka may nangyari na sa'tin."

Nagseryoso ng mukha si Kyro at lumapit kay Alessia.

Pero tumawa habang inaabot ang mga kwaderno ni Alessia na balak pa niyang itago.

"Ano 'tong tinatago mo dyan?"

Sabay agaw sa kwaderno.

"Bakit ako nandito sa mga likha mo?"

Pagbuklat niya ay isang lalaking naka tingin sa malayo at nakagarbong suot at nasa hardin nakaupo.

"Hindi ba't ako ito?"

Nagbuklat pa ulit siya ng mga pahina nang mabilis.

"Umalis ka na nga sa kwarto ko. Baka aswangin mo pa ko."

Natatawang sabi ni Alessia habang inaagaw ang mga pahina ng kanyang iginuhit na binata.

"Hindi, ikaw ang magiging hari. Hindi pa sigurado."

Lumingon si Kyro sa gilid at nakita ang maskarang itim at itim na cape ni Alessia.

Napangiti siya dahil alam na niya.

Somewhere Only We Know (Completed, Mar 2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon