Chapter 22

974 29 26
                                    

Kyle's POV

Sa buong araw na may klase ng disyembre ay wala akong ginawa kundi iwasan si Brent. 

May mga pagkakataon pa nga na tumatambay siya malapit sa kung saan kami palagi nagpupulong ng mga kaklasi ko. Pinipilit ko na lang hindi dumapo ang mga tingin ko sa kanya at sinisikap hindi mapalapit sa kanya.

Kahit anong iwas ko sa kanya at paglayo, pinipilit niyang lumapit.

May mga pagkakataong sumasabay siya sa amin nina tintin kasama si Blake. Tulad lang ng napagkasunduan kong plano, hindi ko na lang siya binibigyan ng atensiyon. Tinatrato ko talaga siyang isang hangin o anino.

Tuwing kumakain, lagi niya nilalagay ang mga putahe na binili niya sa pinggan ko o hindi kaya ay siya na mismo bumibili ng pagkain namin.

Kahit na nakakabastos ay hindi ako nagpasalamat sa kanya at walang ngiting sinukli sa kanya. Alam kong sa oras na nagbigay ako ng daan para makipagkomunikasyon, masisira na ang plano ko.

Basta kinakain ko na lang mga binibigay niya at hindi na ako umaangal.

Hindi pa roon natatapos ang lahat. May mga araw rin na kinakausap niya rin ako. Nagtatanong siya ng kung ano-ano lalo na kapag kasama sina Blake.

Wala akong magawa kundi magbigay ng responde. Baka mahulata nila na iniiwasan ko siya. Isang tanong, isang sagot treatment ang pinaranas ko sa kanya.

Kung hindi mga iyon, ay hihintayin ako sa labas ng classroom upang yayain kami ni tintin na lumabas.

Umaayaw ako sa kanya at sinasabing maaga ako pinapauwi ni mama kahit hindi naman totoo. Kung hindi iyon ang dahilan ko ay ang pagrereview sa mga examinations o mga activities na tatapusin.

Sa huli, silang dalawa lang ang kakain at maglilibot sa bayan.

Kinukwento naman ni tintin ang lahat ng mga nagyayari at walang sawa siyang tumitili. Hinahayaan ko lang siya magsalita. Hindi ako sumasabay sa kanya at malawak lang na ngiti ang binibigay ko sa kanya.

Damang-dama ko kung gaano siya kasaya at kakilig sa mga ginagawa nilang dalawa. Masaya ako sa kanya dahil magaan na ang loob niya.

Ang saya daw dahil kahit madalang silang nag-uusap tungkol sa isa't-isa. May mga pagkakataon pang nagtatanungan silang dalawa patungkol sa kanilang natitipuhan. Kilig na kilig si tintin matapos niyang sabihin lahat. Idinagdag niya pa na kahit kakaunting kaalaman lang raw ang nakuha niya, masaya siya na nagkaroon sila ng komunikasyon.

Ang nakakapagtaka ay kung bakit ako at si Greg palagi ang topic ng kanilang pag-uusap. Iyon ang saad ni tintin. Na halos naging interview na raw ang pinuntahan niya dahil sa daming tanong ni Brent sa amin dalawa.

"Alam mo pa, medyo kabaligtaran kaunti yung tipo niya sa akin. Gusto niya kasi, tahimik lang tapos maliit. Maputi daw yung kutis at singkit daw. Mas prefer niya rin yung hindi kahabaan ng buhok at masyadong palangiti. Matulungin at matalino daw." Pagpapaliwanag niya dito sa loob ng kanyang kwarto.

Gumulong-gulong pa siya roon habang tumitili. Pinaghahampas niya rin sa kanyang sarili ang unan.

"Hindi mo talaga alam, Kyle. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya." Dagdag niya pa.

Naramdaman kong tumayo siya at niyakap ako sa likod.

"I can work that up, right? Kaya ko naman maging masayahin palagi tapos tatahimik na lang ako. Yung buhok ko naman kaya kong gupitin. Sadyang tangkad na lang niyan yung pinaka problema ko" paliwanag niya.

"Alam mo, huwag mong baguhin sarili mo para lang sa isang lalaki. Huwag mong baguhin sarili mo dahil lang hindi mo na-meet yung preference niya." Panenermon ko sa kanya.

Sex Agreement (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon