Chapter 27

842 31 33
                                    

Kyle's POV

Nang umaga ring iyon ay hinatid ako ni Brent sa bahay. Naabutan pa namin si mama na nagwawalis sa labas ng bahay.

Kahit nakangiti siya ay mababakas ang pagkalito dahil na rin siguro si Blake ang kasama kong umalis rito.

Nagmano kami noon ni Brent sa kaniya at inalalayan akong pumasok sa loob. Buong pag-aalala naman si mama nang makita ang kalagayan ko.

Kinuwento ko naman ang gawa-gawa kong kwento kung paano ako nakakuha ng sprain sa paa. Naniwala naman si mama sa kapini-paniwala kong kwento.

Si Brent na rin noon ang naglagay ng paunang lunas dahil marunong naman daw siya. Hindi na ako umayaw dahil wala sa aking pamilya ang may kakayahan na gumawa ng first aid sa sprain. 

Tanda ko kung paano niya hawakan ng napakamarahan ang aking paa na para bang isa iyong mamahaling bagay.

Todo tingin rin siya sa akin habang hinihimas iyon, tinatansiya kung masasaktan ba ako. Kung aaray ako, agad niyang titigilan at magpapaumanhin. Ngumingiti na lang ako sa kaniya pagkatapos.

Mabilis rin niyang naayos ang paa kong natapilok at umalis rin siya no'n. Inimbita pa ni mama na kumain roon ng tanghalian ngunit nagkataon raw ang pagpunta ng mga pinsan niya sa kanilang bahay kaya kailangan niyang mag-ayos. Kung pwede sanang kanselahin iyon, ay gagawin niya.

Lubos naman ako nagpasalamat sa mga tulong na ginawa niya. Hindi ko alam kung paano ako makakauwi ng mag-isa kung hindi dahil sa kaniya.

Kahit nahihiya man, humingi ako ng paumanhin sa kaniya. Lalo na sa ginawa kong pagtutok ng kutsilyo. Nahihiya rin siyang napakamot ng ulo matapos marinig iyon. 

Nabigla ako nang humingi siya ng tawad sa akin. Pinagsisisihan niya raw ang mga kaganapan na nagbigay sa akin ng truma. Hindi niya rin sinasadyang takutin ako dahil maging siya ay takot.

Takot raw siyang mawala ako sa kaniya na nagpapula pa lalo ng aking pisngi. Oo nga pala, may gusto siya sa akin. Na may nararamdaman siya para sa akin.

Pinaliwanag naman niya na hindi naman siya nananakit ng basta-basta, sadyang napuno lang raw siya kay Blake kaya niya nasuntok.

Idagdag pang teritoryal daw siya kaya mahirap sa kaniyang sariling makita ako na may kausap ng ibang tao. Sisikapin niya raw na mabago ang ganoong ugali.

Binigay niya rin ang puting sobre sa akin. Sinabi niyang sweldo ko iyon sa dalawang araw kong pagtratrabaho sa kaniya.

Gusto niya raw sana ibigay iyon noong huling araw ko sa bahay nila ngunit hindi niya inaakalang aalis ako.

Bago siya umalis ay pinaalalahanan niya ako sa mga bagay na iwasan ko para daw mabilis gumaling.

Isang nakaw na halik sa aking noo ang ginawad niya na nagbigay sa akin ng libo-libong boltaheng kuryente sa buong kalamnan ko.

Gulat na gulat ko siyang tiningala at walang mata niya lang ako tinawanan. Ginulo niya pa ang aking buhok pagkatapos niyang tumayo sa aking tabi.

Nagpaalam na siya sa aking ina na noon ay busy sa kusina. Pinasalamatan ko na umalis siya ka-agad noon.

Hinawakan ko ang mabilis na pintig ng aking puso sa ginawa niya. Dahil lang siguro ito sa pagkabila. Oo, sa pagkabila lang. Huwag ko na lang iisipin.

Iyon ang mga kaganapan at pinagusapan namin bago siya lumisan sa aming bahay. Mabuti na lang kaming tatlo lang ni mama ang naroroon sa bahay nang pumunta siya. At saktong nagsisimula na magluto ng miryenda si mama kaya tiyak akong hindi niya narinig iyon.

Huminga pa ako ng malalim no'n upang patahanin ang puso kong mabilis pa rin tibok. Na para bang tumakbo ako paakyat sa isang bundok at para bang masaya sa pakiramdam ang nadadama ko.

Sex Agreement (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon