Chapter 30

630 22 19
                                    

Kyle's POV

Nang rumirihistro ang tama ng alak sa aking sikmura at pagiisip ay siya ring pagbigay ng lakas sa aking sarili para harapin siya.

"I am being grateful that you like me." Panimula ko sa aking sasabihin.

"Kasi, sino ba naman ako para magustuhan ng isang katulad mo. Mayaman, gwapo, lapitin ng tao, at higit sa lahat ay maimpluwensya. Kaya, nakakagulat na bakit ako nagutuhan mo." Inilagay ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng kaniyang kamay at pinagkrus ito.

"Bakit mo gusto magsettle sa akin? Marami pa diyan oh. Mga taong mas kapantay mo. Huwag na ako, humanap ka na babagay sa'yo." Saad ko na nagpabago ng timbre ng kaniyang mukha. 

Napaatras siya sa kaniyang narinig at tinitigan ako ng hindi makapaniwala. Mga titig na animo'y may masama akong sinabi.

Napailing-iling pa siya at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang napaupo siya sa malapit na bangin.

Sa ilalim ng sinag ng buwan, makikitang humihithit siya ngayon ng sigarilyo.

Sinundan ko siya at tumabi sa kaniyang kinauupuan. Malayo ang kaniyang tingin sa malawak na syudad.

"How could you say that? Hindi ba nga ikaw ang gusto ko? I don't give a damn about hierarchy!" Madiing saad niya sa akin.

"Tell me, is it because of our past? Is it because I treated you that way kaya hindi mo ako kayang pagbigyan?" Paghithit niya pa ng kaniyang sigarilyo.

Sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay puno ng lungkot at pagsisisi.

"If I knew it will leave you huge scar, sana hindi ko na ginawa. Napakagag0 ko talaga." May tawa niya pang saad. Ngunit iba ang ipinalabas ng kaniyang tono.

"Kung kaya ko lang mabalik ang oras, sana kinabiganan na lang kita. Sana pinalapit ko na lang loob ko sa'yo. I'm so fvcked up." Dagdag niya pa.

Hinila ko nang marahan ang kaniyang ulo at sinandal sa aking balikat. Yumakap naman siya sa akin at dinama ang comfort na binibigay ko.

Nabigla naman ako nang walang ano-ano'y, nasa likod ko na siya habang yakap niya ako sa likod. Sinandal niya ang katawan ko sa kaniyang harapan at para na akong nakahiga sa pwesto namin ngayon.

Mas ako ata nabigyan ng comfort. Napakagaan ng kaniyang katawan ngayon. Walang tensiyong mararamdaman at sadyang relax lang siya sa aking likod.

"No, you're not. Hindi dahil roon." Bulong ko sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang brasong nakakrus sa harapan ko.

"So, bakit nga?" Tanong niya pabalik.

"Simply because I'm too afraid. Natatakot ako sa maaring kakalabasan ng tyansa na hinahangad mo." Bulong ko sa kaniya habang malayo ang tingin sa masiglang kapatagan.

"Natatakot ako sa maaring resulta ng mga desisyon natin. Inaalala ko lang ang sarili ko at maging ikaw." Hindi ko maiwasang isiksik pa sa kaniyang yakap ang sarili ko nang tumama sa amin ang malamig na simoy ng hangin.

"Natatakot akong masaktan. Emotionally, mentally at lalong lalo na physically. Kilala ang mga fans mo bilang biyolente kagaya mo. Talagang may pinagmanahan sila." Natatawang wika ko sa huling salitang nailabas ko.

"I changed. I'm not that guy anymore." Pagalit na sumbat niya sa akin.

"Opo, nagbibiro lang."

"Ayun nga, takot rin ako sa maaring mangyari sa'yo. Malaking pangalan ang nakalagay sa pagkatao mo. Pagpyepyestahan ka kung matutuloy ito." Sabi ko at tinangala siya upang makita ang reaksiyon niya sana pero malayo lang ito nakatingin kagaya ko kanina.

Sex Agreement (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon