Chapter 20

44 4 0
                                    

Seyn's POV

Good morning everyone!!! haaaaaays!!! sobrang sarap ng tulog ko ngayon! Ewan ko ba! nanaginip kasi ako, kasama ko na daw ulit si xeon. hihi tas kiniss niya ako loh.

Kaya pagka gising ko ay naligo na agad ako at nagbihis siyempre! new day new life dapat!

Pag baba ko ng hagdan good morning mother!!! Sigaw ko hays ganda ganda talaga ng gising ko.

“himala masigla ka ngayon?” Sabi ni papa at nilapag yung sinangag sa lamesa.

Wow naman ang mag asawang high blood. Nagluluto together naol.

Pagka baba ko ay umupo agad ako sa mesa.

“siyempre naman pa! dapat happy lang!” masayang sabi ko with matching beautiful eyes para dama.

“oh? asaan na ang kuya mo?” singit naman ni mama at inilapag na rin niya yung hatdog, bacon, egg sa lamesa.

Oo nga no? madalas nauuna saakin yon eh. Madalas galit pa nga siya pag huli ako lagi.

“baka pagod” sabi ko at akmang lalantakan na yung isang hatdog pero nagulat ako nung biglang may kumurot sa pisngi ko.

At hindi ako nagkakamali! Yung kuya kong mokong! punyeta talaga. Isusumbo ko na sana kinuha niya pa eh kainis.

“mama! si kuya!” sigaw ko with matching irap. Kairita ganda ganda ng gising ko tas gaganituhin niya ako. Asaan ang hustisiya?

Tumawa naman si papa kaya yon nakitawa na rin si mama.

ihhh kairita.

“Ano ka ba Ethan, wag mong ginaganiyan yan at sinumpong maagang nagising ngayon maganda ata ang tulog” natatawang sabi ni papa.

“oh? kaya pala maaga ka ngayon panget ah” natatawang sabi ng kuya Kong mokong. Kairita. Ayokona magka kuya.

“Hoy! Kayong dalawa talaga pinag kakaisahan niyo nanaman ang dalaga ko!” sabi ni mama habang natatawa at kinurot silang dalawa. Hahahaha buti nga kaya napa tawa narin ako.

“lab u ma!” sabi ko sabay subo ng ulam. Tinignan ko naman ng bitch look si kuya na parang I win you loose ganon.

Tumawa naman si papa sa ginawa ko.
Si kuya naman nanahimik na uli sa isang tabi at kumain. Ay wow? Bilis ng mood swings ah kanina masaya tas ngayon back to nonchalant era ulit?

Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako na mauuna na ako na pumasok sa school.

Madalas talaga ganito hindi na ako sumasabay kay kuya. Kahit may sasakyan siya.

Pagka baba ko ng bus ay dali dali akong tumakbo papuntang cafeteria.
Bibili ako ng yakult, hehe fav ko yon eh.

Sosyal talaga ng mga pagkain nila dito. May steak and chicken meron ring milk tea ganon sasarap ng mga pagkain pero nakaka lula rin ang presyo.

Pero mas gusto ko parin talaga ang luto ni mama. Kasi feel ko pag kumakain ako ng luto niya parang feel ko nasa pilipinas parin ako.

Pagka kuha ko ng yakult ay kumuha na rin ako ng pwedeng ngatngatin. Hay na miss ko tuloy boy bawang.

Pagka labas ko ng cafeteria bumungad saakin yung malaking banner doon sa gym “Welcome Mr. President!” sino kaya yang president na yan? grabe talaga pag-tataka ko kung sino siya. Hindi kasi talaga ako nag I expect na siya si xeon baka kapangalan lang? hays.

Naglalakad ako papuntang classroom ko ng tumunog ang speaker na naka kabit kung saan saan. Meron ding speaker bawat classroom para sa announcement.

“Attention everyone today is a good day and it's the best day because our Mr. President is already back! so may I request to all students to go here in Oxford gym. Thank you for your cooperation”

Loving Mr. President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon