Chapter 25

39 3 0
                                    

Seyn's POV

Tapos na kami kumain kaya nasa labas na kami nung restaurant. Tumingin naman ako sa dalawang kasama ko hihihi siyempre pogi parin ang baby ko huy! HAHAHAHAH JOKE! harot.

Tas siyempre yung isa naman naming kasama. Kung makikita niyo lang kung gaano siya kahirap sa paglalakad sa sobrang bigat ng tiyan niya.

Like yung parang mga tambay na malalaki tiyan sa kanto? ay! ganon na ganon ang itchura niya! jusko! aba dito kay James.

Kung kumain siya kanina parang isang taon hindi siya kumain.

“hoy James! may dala ka bang sasakyan?” tanong ko at humarap sakaniya.

Ay nyeta kadiri pag harap ko nahimas pa siya sa tiyan niya na parang jontis.

“hoy ano?! jontis kana ba? HAHAHAHA yan kain pa natatawa kong pang aasar” HAHAHAHA

“Wala naglakad nga ako pa punta dito diba?”  inis niyang sabi sabay himas ulit sa tiyan niya.

“kanina ka pa himas ng himas sa tiyan mo ah? ano manganak kana ba?” pang aasar ko sakaniya.

“seyn ang sakit ng tiyan ko!” sigaw niya.

Kaya medyo nataranta na rin ako.

Napa tingin naman ako kay xeon na naka ngiti.

“a-anong gagawin ko”nalilito kong tanong.

“ahh hindi ko na kaya sobrang sakit na ng tiyan ko tulong!” nag-mamakaawang sabi niya.

Naka hawak siya sa tiyan niya parang hindi na siya maka lakad dahil sa sobrang busog niya. Sa tingin ko hindi na rin siya makaka takbo.

Nagulat naman ako ng bigla siyang napa higa sa sahig habang naka hawak sa tiyan niya.

“James!!!” sigaw ko at nilapitan siya.

“ahhhh! ang sakit sakit ng tiyan ko!”  sigaw niya ulit.

Lumapit naman na saamin si xeon at tinulungan siyang tumayo. At isinakay na siya sa sasakyan.

“Xeon saan natin siya dadalhin?” nag aalala kong tanong.

Nasa likod kaming dalawa ni James. Patuloy pa rin siya sa pag hawak sa tiyan niya.

“Hospital” sabi niya at mas binilisan ang pag da drive.

“ang sakit huhuhu”

“teka lang james! malapit na! mag tiis ka muna! ikaw naman kasi eh huhu ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tapos sobrang takaw mo pa iyan tuloy!” naiiyak kong sabi sakaniya. huhuhu nag-aalala na rin ako sakaniya.

“seyn! hindi ko na kaya!” naiiyak niyang sabi at umiiling iling na.

huhuhu

“mamamatay kana ba?! huhuhu wag muna!”  Sabi ko at umiiyak na.

Bwiset na bakla to. Napa tingin ako kay xeon na seryosong nag da drive. At ayon! malapit na! ospital na yon!

“ayan na! andito na tayo!” pag sigaw ko.

Nabuhayan ako ng pag asa nung pag stop ng sasakyan ni xeon ay may sumalo na agad na maga nurse saamin. Kaya kinuha na agad nila si James.

Lumapit naman agad saakin si Xeon at niyakap ako. Kaya niyakap ko rin siya pabalik.

“shh stop crying.. he'll be fine” at mas hinigpitan ang pagka yakap saakin.

***
Habang nag aabang kami kanina bumili muna kami ni xeon ng mga pagkain prutas ganon. Siyempre mga healthy. Puro letchon kasi tinira niya kanina baka yon ang dahilan kaya sumakit ang tiyan niya.

Loving Mr. President Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon