It's been a week since I avoided ma'am Amethyst at sa isang linggo na yun ay laging nasa penthouse ang boyfriend nya at lagi din silang lumalabas.
Lagi din nitong pinupuntahan si ma'am sa University, hindi nya nadin ako pinagbibitbit ng mga gamit nya, dahil ang boyfriend nya na ang gumagawa noon lagi ba namang nakaabang sa labas ng classroom parang tanga, yung mga classmates naman namin ay kilig na kilig sakanila eh wala namang nakakakilig doon duh.
Simula ng araw na yun hindi ko alam pero parang mas lumala yung topak nya, lagi ba naman akong tinatawag tuwing may klase kami sakanya na akala mo ako lang ang studyante nya.
Ang hirap pa ng mga tanong nya kulang nalang sumabog utak ko eh buti nalang advance ako palagi magreview kaya kahit papaano nakakasagot ako at hindi napapahiya.
Hindi ko alam kung anong problema nya.
Dapat nga magsaya sya dahil iniiwasan ko na sya eh, ang lala ng topak nya grabe.
Pag nandoon naman kami sa penthouse nya ay lagi akong nagkukulong sa kwarto pagkatapos kong maglinis o magluto at iniiwasan kong magkaroon kami ng interaction at hindi ko alam kung napapansin ba nya ang pag-iwas ko pero parang wala naman syang pakialam at lagi naman din syang busy.
Walang imikang nagaganap hindi tulad noong nakaraan na puro kami landian, ngayon kasi ang awkward na ng athmosphere o ako lang?
Simula kasi noong madatnan ko dito si sir Simoné ay nagising na ako sa katotohanan na may nag mamay-ari na sakanya at hindi ako yun, nauntog ata ako be.
"Penny for your thoughts?" Biglang saad ni Yana sa tabi ko, kasama ko nga pala sya at nandito kami ngayon sa may cafeteria at yung dalawa naman ay papunta palang.
Tipid naman akong ngumiti sakanya "You're in deep thoughts kanina pa and you haven't eaten your food yet Isiah. Are you okay? Whatever your problem is you can always vent it out to me" She's worried I can see it in her eyes.
Magsasalita na sana ako ng biglang mag-ingay ang mga nasa cafeteria na akala mo nakakita ng artista kaya agad naman kami napalingon ni Yana sa tinitignan nila at nangasim ang mukha ko sa nakita.
She's here with her ugly boyfriend nagtatawanan na parang walang pakialam sa kanilang paligid at silang dalawa lang ang nageexist dito sa mundo.
She's really happy when she's with him yung sayang sakanya nya lang pinapakita.
Ang sakit nila sa mata puro bulongan nadin ang maririnig sa paligid.
"Oh my gosh I can't believe this, they're so bagay talaga"
"OMG girl! Sila pala? Hindi ko alam"
"McGregory and Albrecht? Wow! A power couple"
"Bagay talaga sila ang expensive nilang tignan"
"They're so good-looking parehong pinagpala nugagawhen?"
"Ang sweet naman nila nakakainggit"
"Ang swerte naman ni Mr. Simoné, ang ganda ganda ni miss Amethyst eh."
Yan ang mga bulong bulongan na maririnig dito sa loob ng cafeteria, nakakarindi. Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang.
Nang may maramdaman akong nakakapasong tingin kaya inilibot ko ang aking mga mata hanggang sa mapadapo ito sakanya.
She's intently staring at me.
Nang magtama ang aming mga mata ay bigla itong umirap sa akin saka nakipag usap na muli sa kasama nya. Problema nya? Tsk.
BINABASA MO ANG
CAPTIVATED HEARTS
Romance"I will make sure that you'll end up with me, Amethyst" - Celestine