It was clear as a fragile glass, what I told him last night—so, what the heck is he standing on our porch first thing in the morning while holding a red fucking rose?!
"Good morning." He smiled.
Napanganga ako dahil sa kalmadong paraan niyang pagbati sa 'kin. He even had the guts to smile like an angel! Just what the heck is he on? "Nababaliw ka na ba?!" Pasigaw na bulong ko sa kaniya nang mahimasmasan sa gulat.
Nawala ang kurbang nakaguhit sa kaniyang mga labi, "Yes, I am." Ang kaniyang sagot, bakas ang kaseryosohan sa kaniyang boses.
"Sinabi ko na sa iyo na hindi p'wede!" Masama ang tingin ko sa kaniya.
"So? This is a democratic country, I can do whatever I want, Rouge."
"Rouge?"
Para akong naestatwa nang marinig ko ang boses ni Mama mula sa aking likuran. Napalingon ako roon at una kong nakita ang mga mata ni Mama na nakatingin sa hindi inaasahang bisita sa umagang 'yon.
Lumiwanag ang kaniyang mukha at kumurba ang kaniyang mga labi para sa isang magandang ngit, "Good morning, Zadkiel. Bakit ka nandito?" Bakas ang pagtatakha sa boses ni Mama at tinignan ang hawak na bulaklak ni Zadkiel.
"Magpapatulong po siyang manligaw sa akin, 'Ma." Mabilis na pagbigkas ko bago pa ako maunahan ni Zadkiel at malaglag niya pa ang tinatago kong ka-rainbow-han.
Mas lalong lumawak pa ang ngiti ni Mama sa narinig.
Nakahinga ako ng maluwag.
"Talaga? Mga binata na talaga kayo."
Tumango-tango ako, "Yes na—" napatikhim ako nang naging high-pitched ang aking boses, "O-Oo naman po, 'Ma."
"Naiintindihan ko naman pero, Zadkiel, kakain pa si Rouge ng umagahan at maaga pa para manligaw ka."
Itinaas ni Zadkiel ang kaniyang kamay sa batok at parang napakamot doon. "U-Uhm... yeah."
"Ikaw? Kumain ka na ba?"
Tumango si Zadkiel sa tanong ni Mama. "Yes, Tita. I'm sorry, babalik na lang po ako mamaya." Bigla nitong inilahad sa akin ang dala niyang bulaklak na naging dahilan upang manlaki ang mga mata ko.
Pinandilatan ko ito. What the heck is he doing?
Ngumiti lamang ang gago, "Can you hold this for a while, bro?" Bakas ang sarkasmo sa boses niya nang sabihin ang huling salita.
I rolled my eyes at him before I faked a smile and accepted his flower. "Y-Yeah, sure."
"Well, then, I'll go now." Ngumiti siya.
"Sige, Zadkiel. Mag-ingat ka."
Tumango ito bago tumalikod sa amin. Nang makalabas siya sa aming tarangkahan ay sinarado ko na rin ang pinto. Dala ko ang rosas habang sinusundan ko si Mama sa dining table namin. Nakatitig ako roon at bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Naramdaman ko ang pamumula sa aking pisngi nang muling bumalik sa aking isipan ang mga sinabi ko sa kaniya kagabi.
Napailing-iling ako't inilagay sa vase na nakapatong sa counter ang rosas para hindi ito malanta.
"Sino ba ang nililigawan no'n, anak?" Tanong ni Mama nang madaluhan na namin si Papa sa hapag.
"Sinong nangliligaw?" Bakas ang kuryoso sa boses ni Papa habang nilalagyan niya ng hotdog ang plato niya. Nakasuot na rin ito ng suit dahil may trabaho pa siya. Hindi naman malayo ang pinagt-trabahuan ni Papa na law firm dito sa amin, may kotse naman siya kaya hindi rin ito nagmamadali.
"Si Zadkiel, sinasama ang anak nating manligaw." Tugon ni Mama.
"N-Nakalimutan ko po ang p-pangalan ng nililigawan niya, 'Ma." Pagsisinungaling ko. Dahil sa Zadkiel na 'yon, ito at nagsisinungaling na naman ako sa parents ko. He's such an asshole! Mamaya talaga sa'kin ang lalaking 'yon. Narinig ko ang biglaang mahinang halakhak ni Papa kaya napatingin ako sa kaniya, magkasalubong ang aking kilay. "Bakit, 'Pa?"
Umiling ito, "Naalala ko lang iyong joke ko, anak."
Seriously? Bakit ba naging lawyer itong Papa ko?
"Bilisan mo na nga lang d'yan, Rome. At baka malate ka na naman sa trabaho mo."
Ngumiti lamang si Papa at binilisan ang pagkain.
* * *
"Ano na namang kagaguhan ito, ha, Zadkiel? I made it clear last night that we can't do this!" Rinig ang pagkairita sa aking boses nang sabihin iyon sa demonyitong lalaki nang makarating kami sa maliit na parke ng barangay na walang katao-tao. Dito ko dinala si Zadkiel nang makaalis kami sa bahay upang komprontahin ito. Walang taong pumupunta rito at malayo sa mga bahay.
"Why would I stop to pursue you after I heard what you said last night?" Tanong nito sa akin. He was staring at me as if piercing through my soul to see all of me.
Naramdaman ko na naman ang pag-init ng aking pisngi, leeg at aking tainga. Umiwas ako ng tingin, "Hello? M-Madali ka namang makalimutan, 'no! Hindi naman gaanong malaki ang biceps mo at muscles. Hindi naman six pack ang abs mo kaya bakit hindi kita makakalimutan kaagad?"
Humalakhak ito at gosh! Bakit ba mas lalong sumexy ang boses niya? "Gusto mo lang yatang maramdaman itong abs ko." He smirked.
"Ang taas naman ng kumpyansa mo sa sarili. Assuming ka lang hoy." Napairap ako sa inis. "Pero matigas ba 'yan?"
Muli itong natawa at biglang sumeryoso habang nakatingin sa aking mga matang kasing kayumanggi ng mga kahoy sa paligid, "Your very much free to touch me." He lean closer.
Napaatras ako ngunit nakalimutan kong nasa dulo pala ako ng bench nakaupo. Napalunok ako habang nakatitig pa rin sa kaniya.
"You can touch me anywhere you want..." Mabilis din itong lumayo pagkatapos niyang ibulong sa akin ang mga katagang iyon at parang walang nangyari na ngumiti sa akin, hindi pa rin pinuputol ang aming pagtitigan.
Dahil sa pinaghalong inis at kilig, nahampas ko ang braso niyang sobrang tigas, sumakit ang palad ko. "Mukha ba akong manyak na gusto kang hawakan?" Tinignan ko siya ng masama.
"No, you look cute."
Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay para akong sinisilaban dahil sa sobrang init na nararamdaman ko. Ang mga bulate sa aking sikmura ay gumagalaw na rin. "Hindi ako madadaan sa mga gan'yanan mo, okay? Mukha ba akong marupok ha? No, no, never. Got it?"
"Whatever, I'm willing to wait for you until you I'm all you think about."
Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. "Para saan ba ang paghihintay mo? Hinding-hindi kita papayagang guluhin ang magulo ko ng buhay, Zadkiel."
"Give me a chance, Rouge, please?"
Muli kong tinignan ang kaniyang mga matang kakulay ng isang kape sa umaga, "Kung bibigyan kita, magiging masaya ba tayo?"
"I-I'm sure we will..."
Umiling ako, "You're lying to yourself, Zadkiel. I'm closeted, you are too. Masasaktan lang tayo." Ramdam ko ang aking mga luha na gustong kumawala. Paulit-ulit aking napalunok.
"I'm willing to be your secret, Rouge. I-I just... really like you."
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. I can see the sincerity within those light brown orbs, and I can feel it. I can feel my walls shattering. I'm being in denial when I said that I only has a little crush on him, the truth is... I might be in love with him. But I didn't follow what my heart is saying. I shook my head. "No, masasaktan ka lang, Zadkiel."
"Don't say that. Please, please think about it more. I'm willing to wait for you." Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi, inilalapit pa ang mukha sa akin. "Please?" Pagsusumamo niya.
Mabilis kong inalis ang mga kamay niya. Napabuntong-hininga ako, "F-Fine!"
Kaagad na lumiwanag ang kaniyang mukha. His eyes were glittering like stars in the night skies, like diamonds under the sun. Nakakasilaw. Shit, bakit ba ang pogi ng demonyong 'to?
"H-Hindi ako marupok, okay? Sinasabi ko lang 'to kasi nagiging kamukha mo si Kuro."
Humalakhak ito, "Then I'll be waiting for your answer."
Inirapan ko siya. Damn his charms. Sana hindi ako magsisisi sa gagawin ko.
"Can I kiss you?"
Tinignan ko siya ng masama at muling hinampas ang matigas niyang braso. "No way!"
—
YOU ARE READING
The Secret In His Closet
Romance[ BOYS LOVE : CLOSETED GAY ] Rouge only wanted freedom and peacefulness all his life, but as a closeted gay, he wasn't given a privilege to achieve those simple things. He stayed quiet to keep his secrets inside the closet he hid for years. But thin...