Fall 5 – Signals
APRIL IMPERIAL
Zyrus Arellano: Send to all yang prank na sinasabi mo! Hahaha!
Reply niya sa message ko kahapon.
Ngayon lang nakareply dahil new year.
Natapos ang new year celebration.
Ito na bagong taon.Different year, Same person pa rin ang crush.
Vinu-view ni Zyrus ang aking Facebook myday.
May picture kami nila Drei, Zyrus at ako sa myday ko. Naka-HAHA siya sa myday ko.
April Imperial: Bakit ka naka-haha?
Zyrus Arellano: Wacky pa!
Comment niya sa mukha ko kasi nakapikit at nakadila para cute.
April Imperial: Cute nga eh!
Nung mga nakaraang araw ay naglalakad kami sa hallway at kapag nagkasalubong ay naghi kami o nag-good morning kami sa isa't isa.
Level na talaga kaming dalawa.
Wala nga lang siyang feelings para sa'kin.
May tinapon na flowers sa labas ng bahay.
Nakailang araw na nga eh, hindi ko alam kung sino.
Huhulihin ko nga. Kaya maaga akong nagising.
Natatawa ako ng malaman kung sino ang naghahagis ng flowers.
Si Zyrus Arellano.
Pagpasok ko ay kinompronta ko si Zyrus Arellano sa building ng grade 10.
"Para saan ang mga bulaklak."
Panimula ko.
Medyo galit.
Kasi baka trip-trip niya lang ito.
Kasi mga pitas iyon na mga bulaklak.
"Kalma ka lang, natalo si Zyrus sa bet kaya kailangan niyang gawin yan."
Sabi ni Lander sa tabi ni Zyrus.
Bet lang pala.
Ano ba yan!
Umasa pa man din ako.
"Wag mo ng gawin, pinaapasa mo ko."
Galit na sabi ko at balak ng umalis palayo.
Hinatak niya ang aking kamay.
"Anong pinapaasa? May gusto ka ba sa'kin?"
Seryoso ang mukha niya.
"Hindi, wala."
Sabi ko na lang kahit hindi totoo.
Pero feeling ko crush din niya. O kaya gusto niya ko.
Ako lang ba o naiisip ko lang ito.
Wala kasi kaming napag-usapan kaya hanggang aasa na lang ako sa kanya.
Nagretweet ako ng picture ng mga pusa sa Twitter account ko dahil natutuwa ako.
Parang gusto kong mag-alaga kaso wala akong baby na pusang mahahanap.
Mahirap daw kasi kapag malaki na ang nakuha mo.
Ang dami ko rin nilagay na mga pinapakinggan kong mga kanta.
Liked by ifiguredout ang mga posts ko.
May naiwan na box na merong mga pusa sa tapat ng bahay.
Kulang orange ito.
BINABASA MO ANG
If We Fall In Love ✔
RomanceApril Imperial and her journey of her love life. If we fall in love, are we in a steady relationship already? Love may not want any relationships or may cause heartbreaks. April's the one to prove that love ain't easy but she will be victorious in t...