Fall 3 - New Crush

21 2 0
                                    

Fall 3 – New Crush

APRIL IMPERIAL

Nagkaroon ng tindahan ang nanay ni Zyrus ng halo-halo.

Inutusan tuloy ako ng nanay ko na bumili sa kanila.

Si Zyrus pa naman ang nagbebenta.

Nahihiya tuloy akong bumili.

"Limang halo-halo."

Sabay abot ko ng isang daan.

"Buena mano ka, Imperial."

Sabi nito sabay ngisi. Kumuha na siya ng baso.

Si Drei naman kanina pa ko inaasar nung nasa loob ako ng bahay.

"Ayiieee, makikita niya ulit crush niya."

Sabi nito na tumatak sa isip ko.

Ang gwapo talaga niya! Banggit ko sa sarili ko.

Tinitignan ang bawat parte ng mukha niya.

Chinito ito at matangkad.

Maputi rin ang kanyang balat.

"Mainit na kasi no? Dami pa nating mga summer assignments."

Kwento ni Zyrus sa'kin, napangiti naman ako.

Syempre sino ba naman hindi kikiligin sa crush nila.

"Isang halo-halo, libre ko na."

Sabi niya, tapos sinuklian ko ng bente pesos.

Tumawa pa nga nung inabot yung sukli.

Ganda talaga ng mahina niyang tawa.

Ang pogi.

Nung umuwi ako ay sinalubong ako ni Drei at Kuya Harden ng malisyosong tingin.

Dahil kay Zyrus, hinala nila ay,

"Crush mo si Zyrus no? Nakita ko nung isang nung nandito siya. Kayo talaga! Pahiga-higa sa hita."

Asar ni Kuya Harden.

"Oo nga, ate. Bagay kayo ni Kuya Zyrus. Ang tanong crush ka ba niya?"

Natatawang sabi ni Drei.

"Tumigil na nga kayo, hindi ko siya crush."

Tanggi ko sa kanila at inilapag ang halo-halo.

Hindi ko na sinabi na may libre si Zyrus kasi baka sabihin nilang may crush sa'kin si Zyrus at baka layuan na ko.

Ewan ko ba, hanggang kailan ko kaya matatago itong namumuong pagkahumaling ko kay Zyrus.

Hindi ko na kasi maisip kung paano nagsimula.

Namatay ang electric fan at ilaw.

"Hala, brownout!"

Sigaw ni Kuya Harden.

Ganito talaga dito! Tuwing ganito ay lumalabas kami ng bahay.

Nagba-bonding kaming magkakapit bahay.

Nakita ko na naglabas ng bangko ang tatay ni Zyrus, si Michael Arellano.

Umupo kami doon ni Drei at nakatayo si Kuya Harden.

Naglabas ng gitara si Kuya Harden.

"Oh, tugtog ka muna, Zyrus."

Sabi ni Kuya Harden.

"Marunong kang maggitara diba?"

Sabi ni Kuya Harden, kaklase ni Zyrus.

Kasi nga isang taon ang tanda ni Kuya Harden kaya magkabatch na silang grade 9 na.

If We Fall In Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon