Fall 7 – Research
APRIL IMPERIAL
Nung nasa loob ako ng classroom dumaan si Zyrus sa gilid ng classroom.
Dahil nasa bintana ako ay nakita ko ang pagkaway ni Zyrus sa may first floor.
Nung kumanta siya sa isang event sa school ay sinave ko sa phone ko kahit naglelecture si Ma'am.
Nakahawak ang kanyang kamay sa microphone.
Nakaupo siya at nagigitara. Kumanta siya ng kanta ni Taylor Swift, Back To December.
Nagkaroon kami ng mini research sa school.
Saktong ka grupo ko si Jared Arellano.
Sayang kung kabatch ko lang sana si Zyrus Arellano kaysa sa kanyang kapatid.
Pumunta ako sa bahay ng mga Arellano sa tapat ng bahay para gumawa ng research kasama si Jared.
Kaso nga lang, may sakit kasi yung isa pa naming kagroup since group of 3 lang iyon.
"Oy anong dinundungaw mo dyan?"
Tanong ni Zyrus sa taas, sa second flood veranda.
"Si Jared ba andyan?"
Bumaba ata kasi nawala. Nakita ko siyang nasa baba.
Pumunta sa gate para pagbuksan ako ng bahay nila.
"Pasok ka."
Sabi niya sa'kin. Pumasok at sobrang tahimik.
Maliwanag yung loob at ang ganda ng bahay nila.
Mukhang may kaya talaga sila.
"Hintayin ko na lang si Jared dito."
Sabi ko sa kanya tapos umupo sa sofa nila.
"Oh sige, tawagin ko muna."
Sabi niya pag-akyat niya sa hagdan nila.
Nagtype ako ng introduction kasi nga may topic na kami.
Tungkol sa internet ang research namin.
Nagta-type ako sa laptop ko ng may umupo sa gilid ko.
Sobrang lapit ni Zyrus sa'kin.
Dinudungaw niya ang tinatype ko.
"Ano yan?"
"Gagawa kami ng research ni Jared."
"Nakakadistract ba ko sa'yo?"
Tanong niya nung umiwas ako ng tingin at sa laptop tumingin.
"Oo, medyo. Layo ka ng konti."
Sagot ko.
"Mabuti naman. Kasi iniisip din kita lately. Parang distraction. Weird."
Sabi niya tapos kinuha ang dala niyang chips.
"Nasaan si Jared?"
Tanong ko sa kanya habang nagta-type.
Hindi tuloy ako makapagfocus sa sinabi niyang iniisip niya ko lately.
"Wala si Jared. Tinawag ko sa kwarto niya pero walang sumagot baka nasa tropa niya."
Napakamot siya sa batok niya.
"Bakit pinapasok mo pa ko? Oh sige aalis na ko."
Sabi ko sa kanya, nagliligpit ng gamit pati laptop.
Tatayo sana ako pero hinila niya ko paupo.
"Ako na lang gagawa nung part ng kapatid ko sa research niyo, I will help you instead."
Ngumiti siya sa'kin.
Kita ang mapuputi niyang ngipin.
Tumayo siya para buksan ang tv.
Nakaplay doon ay mga anime shows.
"Tulungan kita kapag tapos mo na yung introduction para alam ko kung tungkol saan."
Sabi niya sa'kin.
Kumuha siya ng chips ulit at pitchel ng tubig pati baso sa lamesa ng sala nila.
Habang nag-aantay siya sa'kin na matapos yung introduction ay nagpiano siya sa gilid.
May piano kasi sila doon.
Nagplay siya ng If We Fall In Love by Yeng Constantino.
Habang nagpe-play siya, naalala ko ang mga happiest years ko nung elementary.
Paglalaro ng mga larong pambata.
Ang mga piko, ten-twenty, tagu-taguan.
Ngayon kasi parang tagu-taguan na lang ng feelings ang nilalaro ko.
Talon-talon lang dati pinoproblema ko.
Ngayong highschool na ko para nag-iba na.
Ilang araw na rin akong pumupunta sa kanila.
Para matapos yung research kaso hindi ko talaga madatnan ang kapatid niyang si Jared.
"Salamat talaga, makukumpleto na natin."
Tuwang-tuwang sabi ko sa kanya. Nasa sala ulit kami.
"Wag ka munang magpasalamat. Yung questions to be prepared pa. Para handa ka kung ano mang itanong nung panel niyo."
Payo niya sa'kin. Nakakatuwa.
Naaamoy ko ang kanyang pabango. Ang bango niya!
Oh diba, gwapo na, matalino pa.
Masipag at matulingan pa. Saan ka pa?
Kay Zyrus Arellano ko lang talaga 'to naexperience.
Ang galing ko din talagang maghanap ng crush.
Nag-bibigay siya ng mga questions ay napatulala ako sa kanya.
Kitang-kita ang adam's apple niya na gumagalaw.
Yung pagbuka ng bibig.
Ang pag-kurap ng kanyang mga mata, mahaba ang pilik mata.
Natameme ako.
Oh man, he's gorgeous.
Napasabi na lang ako sa utak ko.
I never knew I will get to know this guy much better than yesterday.
He's a good catch.
He got it all.
Kung pokemon siya, nacatch na lahat niya ang good qualities.
Nung nasa harap ako ng panelist ay kinabahan ako.
Naalala ko ang mga sinabi niya.
"Wag kang kabahan. Isipin mo lang na teacher mo sila na nagchecheck lang ng tamang sagot. Kapag nagtatanong. Inhale. Exhale."
Sabi niya sabay hawak sa balikat ko.
Tumawa pa nga nung napapikit ako.
"Okay, you did great, Ms. Imperial. Your whole group did well."
Sabi ng panelist.
Nagulat ako ng may alam na din pala si Jared sa research na sinend ko sa Google Mail niya.
April Imperial: Thank you, kulit! Kulit na tawag ko sa kanya.
Zyrus Arellano: Walang anuman, kulot. Kulot na lang itawag ko sa'yo since wavy ang buhok mo. Waahahaha!
Kinilig ako sa reply niya kaya nilagay ko ang mukha ko sa unan ko.
Nasa may kwarto ako at tuwang-tuwa sa grade na natanggap ko.
**
BINABASA MO ANG
If We Fall In Love ✔
RomanceApril Imperial and her journey of her love life. If we fall in love, are we in a steady relationship already? Love may not want any relationships or may cause heartbreaks. April's the one to prove that love ain't easy but she will be victorious in t...