PROLOGUE

165 2 2
                                    

Prologue




SALVERIA AIR PACIFIC.




Nasa loob ang isang matikas at may nakakabahalang tindig na lalaki, nangangalisngaw ang ma-awtoridad nitong awra sa loob ng masikip at malamig na opisina ng conference room. Maingay at wari mo'y may riot sa sobrang ingay ng mga naroon. Nasa loob ang mga board members ng Salveria Airline.


Lahat mainit ang ulo at may kanya-kanyang bato ng kung anong reklamo, may iilan namang hindi makatingin ng deretso sa mukha ng lalaking nakaupo sa gitnang swivel chair. Malamig ang bawat bitaw ng titig nito. Kung sino man ang madapuan ay tiyak na maninigas na lang sa pwesto.



Dapat lang. Hindi puro perwisyo ang babati sa'kin palagi sa kompanyang ito dahil sa kapabayaan ng iba!




"How are we supposed to tamper this to the media? Most of the witness are the passengers who were on that plane when the incident happened."

"This is very irresponsible! The maintenance department should be responsible for all of this. Hindi nila nagagawa ng maayos ang trabaho nila."

"I'm afraid, I have to contradict to that"

"At bakit aber? Sino ang dapat sisihin sa nangyari?"

" Hindi pwedeng isisi lang lahat sa Maintenance department. Partly at fault din ang OD, especially the instructor pilot on duty. Did he even conduct proper inspection and ground handling before the flight?"


"Now, because of this mess we lost almost half billion of our revenue in just a blink of an eye. We're in full crisis, Mr. President. Are you aware of that?"


Lahat napatingin sa gawi ko. All eyes dropped on me, waiting for my response. I was barely holding myself not to burst out since the beginning of this meeting.


"Ano masasabi niyo dito, Mr. President?"



Great. Now i am triggered.


Nagkakagulo ang mga shareholders dahil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng isa sa mga Airline branch ng Salveria Air Pacific sa Malaysia. Kaninang madaling araw, nakatanggap ang kompanya ng immediate complain tungkol sa isa sa eroplanong pagmamay-ari ng Salveria Airline ang biglang sumabog.


It caused massive damage, partially inconvenient to everyone. Buti nalang walang pasahero ang napuruhan. Though may mga ibang tao ang nagkaroon ng minor injuries pero lahat nagawan ko na ng paraan. But the global rating na nabawas sa kompanya dahil isa-isang nagsibitaw ng mga negative feedback ang mga pasaherong naroon sa flight.

Nabawasan ang ratings ng Salveria Airlines ng dalawampung pursyento sa Universal tally ng Airlines na may pinakamagandang serbisyo sa buong mundo.

The reason is because we lack of safety and security at hindi daw gaanong ka-skilled and professional ang mga taong nagtatrabaho sa kompanya ko.

Just one fucking mistake and people judged us horribly.

Therefore, i was thankful that no casualties were harmed severely. didn't mind how much cost i paid or how bad people would comment on us for all the damages but what boiled my anger is that the people involved behind this incident remains unknown.

Hindi ko matanggap na ang taong nasa likod ng pagsabog ay malaya pa ring nakakahinga hanggang ngayon.

Now, Salveria Airlines is currently under investigation and ran some temporary on-hold of flights, cancellation and refunds of the clients.

TS1: His Indomitable Distraction Where stories live. Discover now