Chapter 3
THREE MONTHS LATER.
Naging maayos ang lahat after ng drama namin ng bruha sa condo. Tinulungan niya ako bayaran ang kalahati ng payment sa hospital para sa surgery ni Papa. Successful naman ang operation pero sa ngayon nakaratay pa si papa at wala pa ring malay. Inilipat na siya ng hospital dito sa Manila para mas maalagan ng maayos.
Hindi rin kase ganon kadali ang operation since spines and inayos sa kanya. We're expecting seven to ten months before he could finally recover.
Sumama din pala ang bunsong kapatid ni papa na si Tita Alaiza, siya ngayon bantay sa ospital. Yung si Auntie Joan, pinsan siya ni Papa wala siyang anak kaya madami ang oras niya.
Three months had passed. Graduate na si Caramel sa kurso niyang Human Resources Management at ako naman naregular na ako sa trabaho. I can now do both serve and deliver. Pinili ko talaga iyon.
I'm starting to love my job. Rose and i became more close to each other. Everything is going smoothly.
Sa Samar naman, Si Auntie Joan muna ang nagvolunteer na maging babysitter ng kambal kong kapatid. They're in second grade now. Binibigyan ko nalang si Auntie Joan kada buwan ng pang budget kasama na ang lahat ng mga gastusin sa bahay.
Wala din si Caramel sa bahay dahil narito siya sa Manila. May interview daw kase siya sa apat na kompanya na inapplyan niya. Sana palarin para hindi na ako solo grind sa buhay.
Natutuwa ako dahil nakikita kong nagpupursige si Caramel na makahanap ng trabaho kahit kakagraduate lang niya nung isang buwan. Proud ako sa kanya. Nakikita niya sigurong hirap na hirap na ako.
Napasinghap ako nang biglang humangin. Sakto pa talaga sa mood ko ha. In fairness alam din ng hangin makiramdam.
"Mila, o eto sayo na." biglang sumulpot si Melrose na may bitbit na platic bag. Inabot niya sa'kin ang laman ng isa. Kape iyon.
Free time namin ngayon since maaga pa at kakabukas lang ng restaurant at dito kami dumederetso ni Melrose sa rooftop para lumanghap ng preskong hangin sa umaga. Paborito naming spot na tambayan kapag wala pang gaanong trabaho.
"Thanks bruha."
"Anong gusto mong ulam maya? Luto ako." kumunot ang noo ko. Since kelan pa siya natutong magluto? Bakit parang lumalakas yata ang loob niyang humarap sa stove e takot nga yan sa apoy.
"Ows? Bakit marunong ka ba?"
"Syempre 'no!"
"Talaga? naalala ko tuloy yung sinaing natin nung isang gabi, walang sabaw."
Pinandilatan niya ako ng mata. Natawa naman ako dahil asar na siya.
"Ikaw apakasama mo! Pagbigyan mo nalang ako. Gusto ko matuto dahil may lalampasuhin akong tao sa cooking skills ko." ngunguso nguso pa ang bruha parang bata.
"Turuan nalang kita. Luto tayo bulalo."
Malapad siyang ngumiti. "Sige deal."
Bumalik na kami sa kani-kaniyang trabaho katapos magchikahan sa taas. Kapag umaga dito ako sa counter naassign, kapag tanghali naman nalipat ako doon sa original kong posisyon. Ah, nakalimutan ko, nagseserve na din pala ako. In short, all around crew na ako. Atleast regular employee na at mas mataas ang sweldo.
YOU ARE READING
TS1: His Indomitable Distraction
RomanceWARNING: EXPLICIT MATURE CONTENT (SPG) | R-18 HIS INDOMITABLE DISTRACTION (Tycoon Series 1) Ongoing.. Note: This story is written in taglish (tagalog-english) Journeys collided by unexpected fate brought together by unforeseen love. Here's the story...