CHAPTER 5

42 2 0
                                    

Chapter 5








"IKAW?!!! ANONG GINAGAWA MO DITO?!"




Halos manlisik ang mga mata ko nang makaharap ang sinasabi nilang CEO/ President ng Salveria Air and Shipping Lines. Nagdoble ang panggigil ko sa kanya.



Siya yung lalaki nangahas na humalik sa'kin. Siya ba ang CEO? hindi naman siya mukhang CEO manyak pwede. E, sino yung binabad mouth namin ni Mela dun sa elevator? Siya din pala yun? Halos lumuwa ang mga mata ko kanina nang malaman ko iyon. Isa pala siyang CEO. Pero ano naman ngayon?



Kwits na kami sa pangbabad mouth ko sa kanya. Ninakawan niya nga ako ng halik di lang halik ha kundi laplap! Nilapa niya bibig ko na parang wala nang bukas. And much worst because it was my first kiss that he stole!


"Surprise!" at ngumisi pa talaga ang diablo. Di alintana ang makamandag kong titig na nakaturok sa kaluluwa niya.



Hindi ba siya natitinag sa'kin?


"Surprise mo mukha mo." inirapan ko siya saka padabog na tinalikuran. Saktong pagtalikod ko nandoon ang manager namin na si Mrs. Nieves at ang team leader ng delivery crew. Ba't nandun sila bigla? Wala naman ang mga yan kanina ah. Matalim ang titig sa'kin ng dalawa na para bang binabalaan nila ako na umakto ng ayon sa posisyon ko.

Alam kase nilang lahat dito ang sadya ng CEO na yan. Ako! Nirentahan ba naman ang buong restaurant ng buong araw. Kaya naman pala walang katao-tao. Malaki siguro sinuhol niya para lang makausap ako. Wow ha.



Huminga ako ng malalim. Nagpakalma saglit bago hinarap ang bwesita. "Anong maipaglilingkod ko, sir?" peke akong ngumiti at mas diniinan ko ang salitang 'sir'.



Hindi siya nagsalita at basta lang tumitig sa sa'kin na parang hinihimay niya ng tingin ang bawat sulok ng mukha ko. Na-conscious tuloy ako kase what if may muta pala ako. Teka, ano ba yan ba't ayaw niyang bumawi ng tingin? Ang awkward naman dahil para akong nalulusaw na sorbetes sa titig niya.




"Sit down." malamig at seryuso na ang boses niya ngayon.




Woah. Okay? Ba't ako susunod? "Asa ka naman."





Kita kong nagtagis ang bagang niya. "Sit or i'll bend you myself."



Ang yabang talaga! Argh! Pinigilan ko ang sariling singhalan siya. Para wala nang gulo sumunod na lang ako. Alam kong nakatingin lang ang boss ko at mga chismosa kong crewmates sa likod. Ayokong isipin nilang nag iinarte ako. VIP din itong kaharap ko baka paglingon ko bigla wala na akong trabaho.



"Good girl." nakangisi na siya ngayon.




The heck?




"Ano bang kailangan mo?" my voice were cold. I leveled it to his tone. "How did you know that i work here?"


He shrugged. Aba't!

"Connections." simpleng sagot niya na parang maliit lang na bagay iyon. I couldn't stop rolling my eyes.

"Okay, i get it. You're rich. The CEO whatever. Ano namang kailangan mo sa isang pipitchugin na kagaya ko?" Nag-aksaya pa talaga siya ng oras at pera just to what? Talk to me?



Nakita kong bumaba ang tingin niya sa pulsuhan ko. Something flashed through his deep graphite gray eyes but it instantly disappeared.




"Here," may iniabot siyang isang maliit na paper bag. Ointment ang laman 'non. Kaagad namang kumunot ang noo ko at napansin niya iyon kaya bumuntong hininga siya. "Just take it."



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TS1: His Indomitable Distraction Where stories live. Discover now