Damen-
What I like about the day is it ended so fast. I like how things and time go fast wala akong reklamo doon. Perhaps it's the anticipation of what lies ahead, the promise of new experience and opportunities. The faster the days flies the quicker my heart's leap. The more it excites me even though there's no certainties.
Ganito talaga siguro kapag may hinihintay ka gusto mong madaliin ang araw.
And just like that natapos narin ang klase at ang hinihintay kong araw ay dumating na nga, nasa baba na sila Tita kararating lang sabi ni nanay Lety iyong kasambahay namin. Hindi naman sa excited ako ano, pero nag madali lang ako sa pagligo para salubungin din sila hindi na ako nag abala pang maghanap ng magandang damit nag suot nalang ako ng lumang T-shirt at pakupas nang walking shorts pagkatapos bumaba na rin. Never mind the way I look.
Bumati muna ako kila Tita Nys at Tito Alfred alam kong hindi rin si Tito mag tatagal dito kasi may trabaho rin niyakap din ako ni Zy as usual naka yellow na naman ito.
"miss you" she mouthed
"I miss you din" sabi ko pabalik
mas matanda pa ako dito pero matured pa sakin kung manamit. Habang yakap niya ako malaya kong napagmasdan saglit ang kuya niya si Damen, nakahilig ito sa sofa at busy kakatipa sa cellphone niya. His hair is swept back may naka sabit na headphone sa leeg he's not that skinny Damen from previous year. Napansin kong may nag bago sa katawan niya I badly want to say "Hi" pero wala kasi siyang pakialam sa paligid niya. Zy let go of me and I can't keep my eyes off him, siguro napansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya nag angat siya ng tingin pero umiwas din agad. I always get that cold stare but that quick stare is enough to put my heart on beat.
"Mom pahinga lang ako sa taas" paalam ni Damen
"Sige Nak" sabi ni Tita at bumalik ulit sa pakikipag usap kila Don at Donya.
pumanhik na siya sa taas at sinundan ko nalang siya ng tingin. Napagod siguro sa biyahe sabi ko nalang sa isip.
He's always like that he couldn't stand me being around and specially I'm about three steps away from him.
"Anyway Tam meet my cousin Ardhyl "
pakilala ni Zy sa naka salaming lalaki
na naglalakad palapit sa amin. Na hindi ko napansin kanina ng pumasok. Sa picture ko lang ito nakikita dati kasi hindi naman ako sumasama kapag pumunta sila ng states."Hi, I'm Tamia"
"Nice to finally meet you and by the way I like your wavy hair" he expressed and flashed a sweet smile.
Bigla tuloy akong na conscious sa suot ko.
"Thank you anyway nice pair of shoes"
"Nice eyes" sabi nito sabay kindat
"Marunong yan mag tagalog" Zy shared
Wala namang akong ibang gagawin kaya naman sinamahan ko si Ardhyl na mag libot sa buong bahay. We walked side by side and talk some things about his life in San Antonio,Texas. Andoon ang parents niya at naisipan niyang mag bakasyon dito at hindi din naman sila madalas mag bakasyon dito kasi busy palagi ang parents niya, minsan sila Tita naman ang dumadalaw sa kanila. Minsan din sila Don at Donya. Hindi na ako sumasama kasi sandali lang naman sila doon. Ngayon ko lang din na meet itong si Ardhyl and I couldn't deny the fact that may maipag mamalaki talaga sila sa genes palang.
Azcuena family have a Spanish blood that explains the beauty they posses and the design of their two storey house, cylindrical turret, arched windows and rounded balcony.
Bigla kong naalala ang unang punta rito at ang dahilan kaya ako nandito ngayon.
My parents died at car accident and I am the one who made it alive, eight years old lang ako noong panahong iyon. All the love and things I need binigay nila sa akin which is I'm thankful for. Nag iisang anak lang si Mommy at nasa ibang bansa na din ang mga pinsan niya which is hindi ko naman talaga masyadong close except kay Tita Arisa, yun ngalang may sarili din itong problema kaya ayoko nang dumagdag pa. Kay Papa side naman kinakamusta din ako minsan, nahihiya lang ako dahil sila yung nag bayad ng iba naming utang at hindi si papa in good terms sa dalawa niyang kapatid. I will work hard to pay them back.
Mag kaibigan si Mommy at Tita Nys kaya siya ang nag alaga sakin dahil gusto niya ng babaeng anak at ng nag kaanak si Tita which is si Zy pinili ko nalang na dito tumira kila Don Ignacio at Donya Florena Tita Nys parents.
And Tita brought up this arrange marriage thing. Naging pabor naman saakin. Gusto niya na kilala niya ang magiging asawa ng anak niya.
Gusto ko si Damen kaya pumayag ako, alam kong hindi niya ako gusto pero umaasa ako na balang araw magustuhan niya rin ako. Maging sapat sana ang aking hiling at dalangin.
Madami ang na e kwento ni Ardhyl kaya naman nasisiyahan akong kausap siya.
I have never met anyone quite like him.
He exudes an energy that is simply infectious and makes you feel at ease in his presence with a smile always on his face, he never fails to lighten the mood kaya naman ang gaan niyang kasama, unlike Damen na walang paki at hindi ka talaga kakausapin may problema sa attitude pero sa tingin ko sa akin lang naman ganoon ang ugali niya kahit na ganoon gusto ko parin siya.
Damen is fiercely independent and isn't interested in conforming to society's expectations.
He's a free spirit who refuses to be tied down by anyone or anything kaya nga ayaw niya saakin eh but he's just living life on his own terms, isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ang hirap niyang makuha that is why I am determined to do better. I know it's not that easy but I will try my best.
Despite his attitude towards me, Damen is the type of guy you want in your corner. But I dont want it to be just like that, for me I want more I want him to be the love of my life, my rest, and my forever.
Medyo natagalan kami sa kwentuhan ni Ardhyl kaya naman hindi na namin na pansin ang oras hanggang sa tinawag nalang kami ng kasambahay.
Were having our dinner right now at hindi ko mapigilang hindi ma pasulyap kay Damen, without even trying just his mere presence is enough for me to go crazy and I can't help myself but to daydream, me and him being sweet to each other...
nahinto ang kung ano man ang nasa isip ko ng tanungin ako ni Tita.
"Ano nga pala ang plano mo Tamia? Gusto mo bang mag aral sa Manila sa university na pinapasukan ni Damen?" Tita said mindfully
Come to think of it hindi manlang pumasok sa isip ko na mag aral doon, but I dont want to disappoint her na pwedi din naman ako mag aral sa Manila so...
" Siguro pag college nalang po Tita" I said politely
Sa totoo lang wala pa rin naman akong lakas na loob na lumayo rito at masaya naman ako na kasama ang mga kaibigan ko.
" Okay, regarding of school matters don't hesitate to ask me " paalala niya.
"Sige po"
Hindi kopa nakikinita ang mangyayari kung sakali mang doon ako mag aaral sa Manila. I'm enjoying my life here. I know it's a great opportunity to study in Prestigious university, but isa lang ang masasabi ko hindi pa ako handa at malaking adjustment ang gagawin ko doon isa pa graduate na nun si Damen.
Tumingin ako sa gawi niya at sakto namang nakatingin siya sa akin my lips stretched for a smile but he just lifted his eyebrows and let out a low ''tss'' and continued eating.

BINABASA MO ANG
Maybe we could be a thing
RomanceTamia knows that it's love when he meet Damen. The thing is he feels nothing. Always wanting to do opposite. After how many times of trying, she was ready to give up but he starts to reconsider.