Chapter 08

13 7 0
                                    

CHAPTER 08

"Oh," that was the only word that came out of my mouth.

Because apparently, I really have no idea of why he's here! Really, why is he here? Is he lost or something? Did he ring the wrong dorrbell? Or is he a delivery guy right now? I really don't know of why he's here in front of my house or more like in front of me.

"Ah, may proyekto akong gagawin dito," sagot niya kay Ean.

Nilapitan ko si mommy la na nakatayo roon sa dulo ng hagdanan at nakatanaw sa dalawang lalaki na nag-uusap. Tumaas ang kilay niya sa akin at nginuso niya si Ean. Kinabahan ako roon.

"Bumisita lang po siya, mi." ani ko sabay mano.

"Hindi kita pinayagan na magdala ng bisita dito, Constancia." malamig niyang sagot sa akin kaya napayuko ako.

"Donya," nabalik ang kislap ng mga mata ni mommy la nang tinawag siya ng kausap ni Ean kanina. "I'll visit again nalang po and I'll bring my portfolio with me." pormal niyang kausap si mommy la.

"Yes, of course hijo! I'll give you the time! You can visit here anytime, if you want."

Napa angat ang mga mata ko sa kausap niya. He pursed his lips and turned to me. Uminit agad ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin. Naalala ko yung ginawa isang gabi. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa loob mismo ng bahay namin!

"Show some respect, Tancia." mommy la's still smiling at him while whispering words at me.

I bit my lower lip, glance at the person in front of us and smiled. Pilit nga lang iyon. Gusto ko nang umalis at ibaon ang sarili ko sa lupa hanggang sa mawala na ako.

Nilagay ko ang mga takas na buhok sa likod ng aking tenga at tumingin na sa mga mata ng taong nagdala sa akin ng hiya tuwing tumitig siya sa akin tulad ngayon.

May ibig sabihin ba iyang mga titig niya o ako lang naglalagay non!? Punyeta, pinago-overthink pa ako!

Mas nagkaroon ako ng lakas na titignan siya pabalik ngayon dahil nasa tabi ko si mommy la at hinihingi niyang respetuhin ko ang taong nasa harap namin.

"Hello, po."

"Meet my granddaughter, hijo. Alita Constancia," nakangiting sambit ni mommy la.

Pumikit ako ng mariin. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin. Magpapanggap ba akong magkakakilala kami o hindi? Hindi ko na alam! Shit! I've never been this hysterical before!

Sa halip na ngumiti lang, inilhad ko ang aking palad. Kaya ko 'to.

He chuckled. "Oh, I think we've met—"

"No! I mean, no I don't know you at all Mr...?"

Alam kong mali na itong ginagawa ko. Pero kailangan dahil tatanungin lang ako ni mommy la kung bakit ko siya kilala, saan ko siya nakilala, bakit kami magkakilala. At kasunod non ay ikukwento niya yon kay auntie Janna at pag-usapan na naman iyon ng buong pamilya—

"Alejandro Camden Dela Cruz. Just call me Camden or whatever you want but not the mister miss Constancia."

Nagalit ako sa paraan ng pagtawag niya sa 'kin. I mean, he could just call me by my first name? Nakita ko ang pag angat ng gilid ng kanyang labi. Oh he's amused of calling me that way, huh?

In my peripheral vision, mommy la's eyes are looking back and forth to us two. Nanatili kaming magkatitigan ni Camden or ni mister. Nasisiyahan siya sa nangyayari pero ako hindi. Inalis ko lahat ng hiya na naramdaman kanina dahil sa pagtawag niya sa 'kin. I hate being called that way.

Tumikhim ang aking lola dahilan na tuluyang natigil ang aming titigan. Napakurap ako ng ilang beses, hindi makapaniwala na nagawa ko nga iyon. Narealize kong nakakahiya iyong ginawa ko ngayon lang!

DisgraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon