Growing up in the province made me think that being in the metro is a luxury. For me, it is a privilege. So to be given a chance to study here for college is like a dream come true.2 years ago, I graduated with a degree in Mass Communication. I now work as a Public Relations officer in a company here in Makati.
Pero hindi naman talaga pag-aaral o pagtratrabaho ang pinunta ko rito sa Maynila noon. Umalis ako dahil labis akong nasaktan.
Looking at it now, as an adult, it sounds so petty and weird. Aalis at magpapakalayo? Dahil nasaktan noong high school? Katawa tawa nga talagang isipin.
Kaya hindi ko rin gaano kinekwento sa mga kaibigan ko rito sa Manila ang tungkol doon. Kung tatanungin nila ako kung taga saan ako, sasabihin ko taga San Sebastian. Saan 'yon? Probinsya malapit sa Naga. Bakit ako nasa Manila? Kasi gusto ko ng magandang kinabukasan.
Ganyan lang lagi ang sinasagot ko sa tuwing may nagtatanong. Sino ba kasing maniniwala na umalis ako ng probinsya at nakipagsapalaran sa Manila dahil lang umiiwas sa isang lalaki?
Katawa tawa man isipin ngunit para sa'kin, isa iyon sa pinaka masakit na nangyari sa buhay ko. Naniniwala ako na wala naman sa edad kung kailan tayo nagseseryoso magmahal. May mga iba nga riyan na matatanda na pero hindi pa rin seryoso sa pag-ibig. Kaya para sa'kin, hindi dapat binabalewala ang sakit na nararamdaman ng isang tao, ano man ang edad niya.
"Hoy ano na namang ginagawa mo riyan at tulala ka na naman. Baka mahipan ka ng hangin at matuluyan ka!" Pagbibiro ni Jessie.
"Walang hangin sa loob ng building, gaga!" Umirap ako sa kaniya at naglakad na pabalik sa cubicle ko. Kanina pa ako nakatingin sa glass window na tanaw ang syudad ng Makati.
"Paano pala tayo nakakahinga kung walang hangin?"
"Ikaw James Anderson ha, tigil tigilan mo ko!" Umirap ulit ako at nagpipigil ng ngisi. Umupo ako sa swivel chair ko at nag-ayos ng gamit.
"Yuck! Ang sagwa ng James Anderson!" Umakto siya na parang nasusuka. He likes to be called Jessie.
"6pm na kasi at bakit hindi ka pa umuuwi? Wala namang iniwang trabaho sa'yo kaya imposibleng OT ka? Saka tulala ka nga lang d'on kanina!"
"May kikitain ako," simpleng sabi ko habang nilalagay ang ilang gamit sa bag.
"May date ka na?! Sino?! Totoo ba? Hindi ka nag-iilusyon? Nagka himala ang langit? Magpapaparty ako!" Pumalakpak pa.
"Gaga! Kikitain ko si Beatrice. Iyong bestfriend ko noong high school. Ang sabi niya kasi nandito siya sa Manila ngayon,"
Tanging si Jessie lang ang nakakaalam tungkol sa nakaraan ko. Sa kanya ko lang naikwento ang high school life ko. Hindi ko pa sinasadya 'yon. Nalasing kasi kami noong 2nd year college tapos bigla kong naikwento sa kanya ang buhay ko. Kinaumagahan, pagka gising ko, sinabi niya agad sa'kin na ituloy ko ang kwento ko dahil interesting daw. Saka ko lang na realize kung ano ang ibig niyang sabihin.
Mapapagkatiwalaan naman siya at ang iba naming mga kaibigan. Sadyang ayoko lang talaga na napag-uusapan ang buhay ko. Pero noong naikwento ko na sa kanya, parang gumaan ang loob ko. I guess, telling your story to someone will ease the pain, huh?
"Aalis na ako, bye!" Paalam ko sa kanya. Umalis na agad ako sa office. Sa MOA lang naman kami magkikita ni Bea kaya nag Jeep lang ako.
"OMG!" Malakas na tili ni Bea nang makita ako. Sa isang coffee shop dito sa seaside kami nagkita. Agad niya akong iyakap nang lumapit na ako sa kanya.
"I missed you!"
"Miss na rin kita!" Sabi ko habang nakangiti. Ngayon lang kami ulit nagkita pagkatapos ng pitong taon. Ang trabaho niya kasi ay based sa Naga, may pinagawa lang sa kanya rito sa Manila kaya raw nandito siya ng tatlong araw at hindi pwedeng hindi raw kami magkita.

BINABASA MO ANG
The Reunion
General FictionMalia Rose Aguila has spent over seven years residing in Manila, distancing herself from her hometown. However, an unexpected high school reunion prompts her to return. In an effort to escape the lingering pain from years ago, she had severed ties w...