Chapter 02

0 0 0
                                        

"Ang sakit talaga! Ang sakit sakit!" Patuloy ang iyak ko habang ang mga kaibigan ko ay bumibili at kumakain ng Barbecue, habang ako ay nakaupo sa side walk.

"Malia! Tumayo ka na, please! Nakatingin ang mga tao! Baka makarating to sa Mama mo!" Si Bea na tinatahan ako kahit may sinusubong Barbecue.

"Bakit ako mahihiya?! Siya dapat ang mahiya! Manloloko siya!" Lumakas pa ang iyak ko nang maalala na naman kung ano ang ginawa no'ng gago kong boyfriend! Ex pala!

"Uy, nandito na pala si Zachary e," Boses iyon ni Lester. Pero wala akong pake. Nakaupo pa rin ako sa sidewalk, yakap yakap ang mga tuhod habang nakayuko, umiiyak.

"Dapat si Zach ipakausap mo diyan e. Pareho silang broken!" natatawang sabi ni Ethan.

"Ano bang nangyari riyan?" Boses iyon ni de Vega.

"Nahuli niyang nagloloko si Richard!" Si Bea ang sumagot.

"Sino 'yon?" Tanong ni de Vega.

"Mas matanda sa atin 'yon ng isang taon. Senior High na ngayon,"

Zachary de Vega is also a classmate of ours but he was never part of our circle. Tanging si Lester lang ang ka close niya na nabibilang sa circle namin. He was always with Julius and the other boys. Like now, nandito lang naman siya kasi nandito si Lester.

Naramdaman kong may nakatayo sa harap ko ngunit wala namang nagsasalita. Unti unti akong tumango at nakitang si Zach iyon. May kinuha siya sa bulsa niya. Panyo niya. Inabot niya iyon sa akin.

"Punasan mo luha mo, hindi bagay sa'yo ang umiyak."

"O, sa catering, ako na ang bahala," Natauhan ako nang marinig si Kristine magsalita, na siyang nasa tabi ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong tulala.

"Sa makalawa ah, site visit tayo," Bea said.

They still kept on planning. Wala na akong naitulong dahil ayoko magsalita. Kinakabahan ako na ewan. Tumatango na lang ako paminsan minsan kahit hindi ko naman narinig o naintindihan ang pinag-uusapan nila.

I looked at the others. The girls appeared to be unaware of the subtle tension and awkwardness in the air. On the otherhand, the boys seemed to notice it. They kept on looking at me and Zach. Hindi nga lang nila iyon pinapahalata masyado.

Buti na alang at tinapos na rin nila ang meeting nang mapansing lumubog na ang araw. They were fixing some things while I was just looking at my phone even though I'm not doing anything with it.

Nang matapos sila, sabay sabay kaming umalis doon. Tumabi at sumabay ako kay Kristine maglakad habang ang iba ay nasa likod namin, nagkukulitan.

"Mag cocommute ka?" I opened up a topic.

"Ah, susunduin ako ng fiance ko. Ikaw ba?"

"Tricy lang."

"Hatid na kita," Bigla akong nagulat nang magsalita si Zach sa likod ko. I hoped that he was not referring to me. Sana, sila Lester ang kinakausap niya. But no, Kristine is looking at him, and then to me, waiting for my answer to his offer.

Kaya wala akong choice kundi lumingon.

"Hindi na. Marami namang tricy," I pointed at the tricycles lined up across the road. Tipid lang siyang ngumiti sa akin. Nginitian ko na rin.

Plastic mo Malia!

"Bye guys," paalam ko sa kanila. Aalis na sana ako pero niyakap ako ni Bea at nag offer siyang ihatid ako. Papayag na sana ako pero nakita ko si Zach na tinititigan ako kaya tumanggi ako! Pinagpilitan ko na sasakay ako ng tricycle! Kaya agad na akong umalis at ginawa iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon