"Jusko bata ka! Bakit naman hindi ka nagsasabi na uuwi ka!" Agad ako sinalubong ni Mama nang makita niya akong bumaba sa tricycle sa harap ng bahay. Nagwawalis siya ng mga dahon nang makita ako.
"Surprise, Ma!" Niyakap ko siya nang napakahigpit. Medyo naluluha pa ako dahil hindi kami nagkita noong nakaraang taon.
"Leonor! Halika rito! Nandito si Mai!" Sigaw ni Mama.
"Hello po, Tiyang," Bati ko sa Tita ko nang makita siyang lumabas ng bahay.
"Jusko, ang laki mo na, hija. Noong grumaduate ka ng Senior High ang huli kong pagkikita sa iyo," Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Agad naman akong nagmano sa kanya.
Namatay na ang asawa ni Tiyang Leonor noong first year college ako kaya simula noon, dito na siya sa bahay namin tumira. Ako rin ang nag suggest noon kay Mama para naman may kasama siya rito sa bahay dahil wala na ako.
Pumasok kami sa bahay. Halos wala ring nagbago sa loob nito. I immediately checked my old room. It's a bit dusty, but the interior did not change too. Except for some boxes on the floor.
"Kumain ka na muna rito, lilinisin ko muna 'yang kwarto mo. May mga ilang gamit akong nilagay riyan, aalisin ko pa," si Mama habang naglalapag ng plano sa hapagkainan.
"Ilabas niyo na lang po ang mga gamit niyo, ako na po ang maglilinis,"
"SIgurado ka ba? Hindi ka ba pagod sa byahe, anak?"
"Hindi naman po, nakatulog naman po ako sa byahe," I said, assuring her.
Kumain ako ng luto ni Mama. Menudo ang ulam. Ngayon ko lang ulit ito natikman. At saka, halos hindi talaga ako kumakain ng lutong bahay sa Manila. I just buy my take-outs because it's easier.
"Ang sarap pa rin! Walang pinagbago!" I commented.
"Syempre, ako pa ba," Umupo si Mama sa harap ko. She did not eat. I figured out that they were already done with lunch since it's already past 2pm.
"Buti at naisipan mong umuwi," si Tita.
"Ah, nakapag file po kasi ako ng leave, may ipon na rin naman po. Saka, may class reunion daw po kami." I said as I drank my water, already finished eating.
"Bukas po, pwede tayong pumunta sa Naga, bibilhan ko po kayo ng kung anong gusko niyo, pati kayo rin, Tiyang," For the past 2 years, nag ipon ako para sa sarili ko, at may porsyento rin ng sweldo ko ang nilalan ko para kay Mama.
"Nako, huwag na. Ipapagawa ko na lang 'yong kusina natin. Kasi medyo may sira na ang bubong at lababo," Napalingon ako sa kusina. Medyo may kalumaan na nga iyon.
"Sige po, sabihan niyo lang po ako kung magkano ang gagastusin,"
"Alam ba ng mga kaibigan mo na uuwi ka ngayon?" Tanong ni Mama.
"Si Bea po alam niyang uuwi ako pero hindi ko po nasabi na ngayong araw iyon."
Pagkatapos namin sa hapag, pumasok na ako sa kwarto dahil maglilinis pa ako. Inuna ko ang paglilinis ng cabinet ko. Saka ko naman binuksan ang maleta ko para ilagay ang mga damit sa Maleta at makapagpalit na rin ng pambahay.
After changing clothes, I started cleaning my room. I changed my bedsheets, arranged my bookshelf, and mopped the floor. Aayusin ko na rin sana ang study table ko nang may napansin akong picture frame roon. Unti unti ko iyong kinuha at tinitigan.
It was a picture of me and Zach. Nasa Grassland kami, nakaupo sa damuhan, nag-aabang ng sunset. The memory of that day remained vivid within me, for it was during this very moment that we bared our souls, letting our emotions flow freely like a cascading river.
BINABASA MO ANG
The Reunion
General FictionMalia Rose Aguila has spent over seven years residing in Manila, distancing herself from her hometown. However, an unexpected high school reunion prompts her to return. In an effort to escape the lingering pain from years ago, she had severed ties w...