"San ka na naman pupunta Shana?!" sigaw ni lola pag ka bukas ko ng pinto. Kumaripas agad ako ng takbo. Makikipag laro lang naman ako ng volleyball sa mga kaibigan ko habang weekend pa at wala pang deadlines.
Nakita kong nasa gilid ng street ang mga kaibigan ko na naghihintay sa akin kaya tumakbo ako papunta sa kanila. "San tayo?" tanong ko agad sa mga kaibigan ko pagka hinto ko sa harap nila at nag hahabol ng hininga.
"Oh tubig muna" iniabot ni Clark ang tumbler nyang nagtutubig sa lamig. Nagpasalamat ako ng abutin ko iyon. Siya lang ang nakapansin sa akin pagkadating ko dahil sa nag cecellphone ang iba,ang pinsan ko naman ay may kausap sa phone.
Tinanong ko si Clark kung saan kamj mag lalaro matapos kong uminom sa tumbler nya. Narinig yata ni Feye ang tanong ko kaya binaba nya saglit ang phone "Sa may bakanteng lote tayo guys" nag 'bye' sya sa kausap nya at binaba na tuluyan nya ang cellphone tinago na rin nya sa bag yon.
Tumayo kaagad ang mga nakaupo sa street at kinuha ang kanya kanyang tumbler bago pa nagsimulang mag lakad.
"Serve mo na Sha!" Sigaw ni Feye nang mapansing nakatulala lang ako sa bola. Nagluluha ako sa antok. Hindi kase ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa daming palakang maingay dahil sa umulan maghapon at huminto lang ang ulan noong pagkagabi na.
Palubog na ang araw ng umuwi na kami dahil hahanapin na naman kami ng mga magulang namin. Hindi rin kami nag papagabi sa labas dahil karamihan sa amin ay babae.
"Hatid ko na kayo" si Clark tumatakbo papalapit sa amin kasunod ang pinsan na si Gaia. Iba ang direksyon nila papunta sa bahay nila pero hindi naman ganoon kalayo sa amin yon kaya nakagawian na rin nilang magpinsan na ihatid kami ng pinsan ko sa tapat ng bahay namin kahit mas matanda si Feye sa'min at mas kaya nya kaming protektahan.
Di naman ganoon kalayo ang edad ni Feye sa'min nila Gaia at Clark. Pero ganoon kasi ang tingin ko sa mas nakakatanda sa'kin. Mas ma poprotektahan nila ko dahil mas matanda sila sa akin.
"Shana ang papa mo nasa call" kumakatok si Lola sa pinto ng kwarto ko pero hindi ko iyon binuksan. Alam nya namang hindi ako nag lolock ng pinto pero hindi nya binuksan iyon para pilitin pa ko.
"San kayo mag aaral?" Tanong ni Gaia habang kumakain ng turon naka abang pa ang isang kamay nito sa baba ng bibig nya para saluhin ang mahuhulog na wrapper para di s'ya mag kalat.
Nag luto kase si Lola ng turon at sinabihan akong dito pag meryendahin ang mga kaibigan ko. Dahil makakapal naman ang mukha nila ay hindi na sila tumanggi pa.
"Sa PCU ako!" taas kamay na sumigaw si Cristine. Dahil nga sinabi nya kung saan sya ay doon nalang din kami nag enroll nina Gaia kasama si Clark. Ganito ang gawi namin kapag papasok sa bagong school. Kung saan papasok ang isa doon ang lahat. Si Feye lang ang hindi na pwede sumabay sa amin dahil Graduate na sya sa Senior High.
Tulad nga ng nasabi. Sabay sabay kaming nag enroll at magkakaiba ng strand.
"Gusto ko sana sa Strand mo Shana kasi madali lang, kaso walang masyadong math dun eh" Pampalubag loob ni Clark sa akin dahil halatadong nagmamaktol ako sa kanila dahil ni isa ay walang sumama sa strand ko. HUMSS.
Si Cristine TVL ang pinili at cookery doon. Si Gaia naman ABM dahil para matutong i handle ang business ng pamilya nila. Kalaunan ay nakita ko nalang na katabi ko si Cristine sa loob ng room namin. Lumipat sya ng Strand ng mapag-usapan ng pamilya nila ang pagluluto.
Madali lang daw mag luto at mag plating sabi ng parents nya at madali lang pag aralan iyon. Pero ang nasa ibang strand ay hindi madali. Kaya pinilit syang isama ng Mama nya sa Strand ko. Bagay rin naman sa kanya dahil makapal at mabunganga siya.
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU TILL AFTERLIFE COMES
Roman pour AdolescentsThere was a couple na pinaglayo ng tadhana dahil sa isang aksidente at tila bang naglaho bigla sya matapos nito.. Im Clarien Rei Davincula named after my dead sister 25.Varsity player at student days at isang certified tambay nalang ngayon. And im...