Chapter 2

22 3 0
                                    

Hero.

Lagot siya sa akin bukas, pag nakita ko siya babangasan ko siya. Ang kapal ng mukha niyang ipahiya ako sa maraming tao, ano na lang sasabihin nila sa'kin na crush ko raw si bernard? Bwesit!

"Anak, kanina pa masama tingin mo sa ulam natin. Ayaw mo ba?." Malungkot na sabi ni mommy.

"H-Hindi po mommy, ang sarap nga po e." Pag sisinungaling ko pero ang totoo niyan hindi talaga masarap kasi nanood lang siya ng tutorial sa yt.

Nagliwanag naman ang mukha niya. "Really? Oh ayan kain ka pa anak." At pinag sandokan pa ako ng ulam.

Bumuntong hininga na lang ako at kumain na para di sumama ang loob ni mommy. Pero pangit talaga ng lasa. Sana wag ako mag tae mamaya.

"Where's daddy po pala mommy?." Mahinang sambit ko.

Umirap siya. "Aba ewan ko ba dun, hindi pa umuuwi simula kagabi."

Napayuko ako, ganito routine namin ni mommy araw araw. Wala lagi si daddy sa bahay kaya dalawa lang kami lagi ni mommy.

Sumimsim si mommy sa wine at nag angat ng tingin saakin. "So how's your school anak?."

"Ayos lang naman, mommy. Lagi po ako nakakakuha ng mataas na score pag quiz namin."

"Ang galing naman ng anak ko, wag ka mag alala pag nag sweldo si mommy mag shoshopping tayo." Ani mommy.

Napangiti naman ako at excited, dahil makakabili na naman ako ng mga bagong damit. Puro luma na kasi itong damit ko.

Pagkatapos namin kumain, umakyat na ako sa kwarto ko at binagsak ko ang sarili ko sa kama.

Maya maya biglang tumawag si maria at sinagot ko 'to.

"HOY BABAITA BUKSAN MO YUNG FB MO BILIS." Sigaw niya at nilayo ko ang cellphone sa tenga ko.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano ba yan maria, wag ka ngang sumigaw ansakit sa tenga. Anlake naman ng bunganga mo" Inis kong sabi at pinatayan siya ng tawag.

Binuksan ko ang fb ko at nanlake ang mga mata ko.

NRM National Highschool
Pagtatapat.

To: bernard
-Lods rosas ka ba? Kasi sa spaceship isasakay kita.
From: Ashley Grace Vasquez

Umakyat ang dugo ko sa inis. Tangina. Gustong gusto niya talaga akong napapahiya.

Pumunta ako sa fb page ng school at chinat ko ito para ipadelete at malaman kung sino ba yung nag-papatapat nito. Pag nalaman ko talagang si bernard 'to humanda siya sa'kin bukas.

Grace Ashley Vasquez: Hi admin! Pwede bang pa delete ng post na ito?

Sinend ko ang screenshot ng post.

NRM National Highschool
Pagtatapat: Done.

Grace Ashley Vasquez: Thank you. Pwede ko din ba malaman kung sino yung nag pa-papost nito?

NRM National Highschool
Pagtatapat: Sorry but I can't say kung sino ang mga nag papatapat. It's for students privacy.

Inis kong naihagis ang phone ko sa galit.

"Bwiset!" Inis na sigaw ko. Pero agad akong kinabahan at pinulot ulit phone ko na naihagis ko, buti na lang sa sofa ko ito tumama huhu.

Agad kong tinawagan si maria.

"Maria, diba may kilala ka sa admin ng pag tatapat?" Tanong ko.

"Meron hehe, si erlindo. Tropa ko" Mahinang sambit niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hello There, Nerdy (NRM Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon