Simula

21 4 0
                                    


6:00 am. Nagulat ako nang makita ang oras. Late na ako! 7am ang start ng klase namin. Nakakahiya dahil ako pa naman ang president tapos lagi akong late?!

Nag madali akong maligo at mag bihis, hindi na ako nakakain at lumabas na ako ng bahay at nag hanap ng masasakyan.

"Manong pasakay po!" Sigaw ko sa dumaan na trycicle.

Agad itong huminto at dali dali na akong sumakay.

"Mag hihintay pa ba tayo ng kasama o babayaran mo na lahat?" Masungit na tanong ng driver.

"Magkano po ba?" Tanong ko naman

"150" Sigaw ng driver sa'kin

Bakit ba 'to sumisigaw. At syaka wow 120 lang dapat yon bakit ang kurakot nito. Wala naman akong magagawa, sa susunod na ako makipag away. Tumango na lang ako dahil late na din ako.

Pinaandar na ni manong ang sasakyan at ang bagal niya pa mag drive, parang nananadya.

Pag dating ko sa school agad na ako nag bayad at patakbo akong pumasok sa school.

Pag tapak ko sa school narinig kong nagbulungan ang mga studyante.

Kumunot ang noo ko dahil nakatingin sila saakin. Anong problema nila? Kinuha ko cellphone ko at cheneck ang mukha ko kung may dumi wala naman, ganda ko nga. Binilisan ko na lang ang paglalakad dahil late na ako sa unang subject.

Pagdating ko sa classroom nagtuturo na si ma'am kristine. Dahil busy siya sa pag didiscuss hindi niya ako napansin na pumasok.

Pag kaupo ko agad akong siniko ni maria.

"Problema mo?" Bulong ko.

"Bakit ka late?" Nagtatakang tanong niya.

"Naglaro ako ml kagabi e, hindi ko namalayan oras." Tumango naman siya.

Pagkalipas ng ilang oras, recess na namin kaya tumayo na kami ni maria at pumunta sa canteen.

"Bakit ko pa kasi siya vinote." Rinig kong bulungan nila leizel.

Tumaas ang kilay ko at napatingin sa kanila. Nakatingin sila saakin habang naka taas ang kilay saakin.

Problema nila? Mukha silang angry birds. Hinayaan ko nalang at hinatak si maria.

Pagdating namin sa canteen nakita ko ang grupo nila marjhune ang jowa ni ley na kaibigan ni liezel. Napailing ako dahil may binubully na naman sila.

"Ano lalaban ka?." Sabi ni marjhune sa lalaking nakayuko.

"Wala ka pala e." At nagtawanan sila ng kaibigan niya.

"Hayts binubully na naman si Bernard." Sabi saakin ni maria habang nakatingin sa lalaking tinutukoy niya.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko ito pero napansin ko na naka glasses siya.

"Oh grace, ikaw na sunod." Ani maria kaya agad ako bumili.

Pagtapos ko bumili ng kakainin ko umupo na kami ni maria sa upuan sa tabi ng puno malapit sa kung saan binubully nila si bernard.

"Lampa" sabi ni marjhune habang sinisipa ang bag ni bernard.

Nakayuko lamang ito na parang takot at hindi kayang lumaban.

Hindi ko na kaya na manood na lang. Kaya napatayo na ako. Hinihila pa ni maria yung kamay ko, kaya napalingon ako sa kanya, hindi na ako nagulat na mukha siyang white lady sa kapal ng foundation niya. Araw araw ko ba naman kasama.

Pinipigilan niya akong makealam pero hindi ko kaya na manood na lang.

"Hindi pwedeng manood lang ako, kailangan may gawin ako kasi president ako" sagot ko sa kanya.

Nang makalapit na ako kay bernard tinatry ko siyang tulungan maitayo pero sinangga niya lang kamay ko. Wow ang tigas naman ng mukha mo, tinutulungan ka na nga o, hindi ka ba nagagandahan sakin hihi.

"Wag ka nang makisali kung ayaw mong madamay BWAKAKAKAKAK" sigaw sa'kin ni leigh, ang gf ni marlo.

"President ka lang dito wag kang mayabang" sabi ni marlo.

"Yeah, I'm the president of this school, kaya itigil niyo na 'to kung ayaw niyong ipatawag ko kayo sa principal's office" pagalit na sabi ko.

Kita ang tako sa mukha ni leigh habang si marlo ay masama ang tingin.

"Tara na babe ayaw kong mapatawag sa principal's office baka malaman ni daddy at pagalitan ako" takot na sabi ni ley.

Walang nagawa si marlo at tinawag na ang mga kasama niya habang hawak ang kamay ni leigh at umalis na sila.

Napabuntong hininga na lang ako. Para akong nabunutan ng tinik. Bwiset na marlo ang tigas ng mukha. Mukha namang hindi naliligo.

Tinulungan ko na lang si bernard na mag pulot at ibalik yung mga gamit niya sa bag na kinalat nila kanina.

"Sa susunod dapat iwasan mo na sila" mahinahong sabi ko.

"Why do you care? Hinayaan mo na lang sana ako" sabi ni bernard.

"Wow ha? Thank you kasi tinulungan kita" sarcastikong sagot ko.

"Sa susunod, wag ka na lang mangealam" supladong sagot niya.

Pag tapos ayusin ni bernard ang mga gamit niya umalis na siya.

Pinanood nang pa galit ni grace si bernard ng umalis ito. Hindi man lang nag pasalamat sa hero niya.

"Nerd!" Galit na sigaw ko dahil sa inis ko.

Nagulat ako nang biglang napalingon si bernard nang marinig ang sigaw ko. Nag lakad siya pabalik at lumapit sa'kin.

"What did you just say?" Nag babantang tanong ni bernard.

"Bingi ka ba?" Pabulong na sabi ko dahil ang lapit ng mukha niya sa'kin. Amoy ko pa ang hininga niya na amoy sandwich. Ngunit hindi ko maipag kakaila na sa likod ng mga salamin niya ay isang napaka gwapong mukha.

"Oh yeah? Nerd? Tapos ikaw clout chaser na president?" Tanong niya sa'kin.

He smirked when he noticed how affected i am sa sinabi niyang 'yon.

"Tangina mo" bulong ko. Alam kong narinig niya 'yon. Pero dire diretso na siyang umalis at hindi na lumingon pa.

Nakakainis late na nga ako kanina tapos sinira pa ng isang 'yon ang araw ko. Naiinis akong bumalik sa upuan namin ni maria at inaya na siyang bumalik sa room.

"Ayan pabibo ka kasi" naka ngising sabi ni maria sa'kin. Mukha siyang white lady na naka ngiti.

Hello There, Nerdy (NRM Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon