Chapter 1

16 4 0
                                    

Pagtatapat.

Makalipas ang ilang araw naiinis pa rin ako sa lampang nerd na yun. Hindi man lang marunong mag pasalamat dahil tinulungan ko siya. Well hindi naman siya nag ask ng help pero kasi kailangan ko tumulong kasi president ako!

"Oh ba't ka nakasimangot." Tanong ni maria habang nag reretouch. Nagmumukha na naman siyang white lady sa puti ng mukha niya.

"Wala." Bumuntong hininga ako.

Wala pa prof namin kaya malaya kaming nag uusap ni maria habang ang iba naman nag jajamming at naghaharutan.

"Samahan mo nga ako mag cr." Sabi ni maria, halata sa mukha niya ang pag pipigil sa hindi ko malamang dahilan. Pinag papawisan din siya.

"Ayoko, mag cr ka mag isa mo, hindi ko naman hawak puke mo para samahan kita umihi" Sagot ko naman sa kanya.

"Tara na kasi." Pagpupumilit ni maria at hinila niya ako. Kaya wala na akong nagawa kaya sumama na lang ako.

Habang naglalakad kami nakasalubong namin ang grupo nila marlo. Naka ngisi ito saakin at kasama niya si leigh na masama ang tingin saakin.

Hindi ko na lang sila pinansin nang biglang hinila ni leigh ang braso.

"Hey bitch, sa susunod wag na wag kang makikialam sa amin kung ayaw mo madamay ka BWAKAKAKAKA." At nag tawanan sila. Pangit naman ng tawa nito.

"Oh tapos?" Mahinahon kong sabi sakanila.

"As if naman matatakot kami sa'yo, baka nakakalimutan mo may share ang pamilya ko dito sa school na 'to" Sabi ni leigh habang nakangisi.

"Kala mo naman may pake ako" supladang sagot ko.

"Tara na grace, hayaan mo na sila." Bulong sa'kin ni maria.

Pero hindi ako umalis.

"Balita ko leigh, ampon ka daw? o anak ka lang sa labas? San ba don yung papaniwalaan ko? Hmm" Nakangisi kong sabi habang nakahawak sa baba ko na tila ba'y may iniisip.

"What did you say?!" Galit na sigaw niya saakin. Akmang sasampalin niya sana ako nang biglang may kamay na pumigil sakanya.

"Don't you dare hurt her." Malamig na sabi ni brent.

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sakanya.

"B-Brent." Nauutal na banggit ko.

Agad namutla si marlo at hinila palayo si leigh. Tila ba takot na takot ito kay brent.

Sikat si brent sa school, pogi at matalino ito pero minsan delulu at marami din itong dummy accounts.

"Hey are you okay? Sinaktan ka ba niya?" Tanong ni brent.

"O-Okay lang ako, thank you." Utal kong sabi.

Tumango naman ito.

"Ill go ahead, next time mag iingat ka" Ani brent bago tuluyang umalis.

Dumiretso na kami sa cr pag tapos ng nangyareng 'yon. Habang umiihi si maria nakatingin lang ako sa salamin sa cr habang namumula ang mukha. Kinikilig sa tuwing naaalala kung pano niya ako pinag tanggol kanina.

"Antagal mo umihi okinam! Isang balde ba ihi mo?" Sigaw ko kay maria habang nasa loob ito ng cubicle.

"Sandali! Tumatae kasi ako hindi umiihi lang" Sigaw pabalik ni maria.

Habang hinihintay si maria nag open muna ako ng facebook. Pag open ko agad na bumungad sa'kin ang isang post ng kilalang fb page sa school namin.

NRM National Highschool Pagtatapat.

To: Bernard
- Baby baby you're my sun and moon. Hi crush kita!
From: Grace Ashley Vasquez

"Wtf?! Hindi naman ako nag patapat ng ganto!" Inis na sigaw ko.

"Ano nangyayare?" Nag tatakang tanong ni maria pag labas niya ng cubicle. Sabay punas niya gamit ang daliri sa pumapatak na pawis sa noo niya.

Dali dali kong hinila si maria palabas ng cr para hanapin ang bernard na 'yon. Habang nag mamadali ako mag lakad saktong nakita ko si bernard papasok ng library. Bago siya makapasok binitawan ko ang kamay ni maria at pagalit kong hinila ang kamay ni bernard.

"Wtf is your problem?" Pagalit na tanong ni bernard.

"Alam ko na ikaw ang nag post non! Kasi diba kumakalat na crush mo ako tapos ipapalabas mo na ako ang may gusto sa'yo?!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Assuming ampota" Rinig kong bulong ni bernard.

"Ano sabi mo?!" Sigaw ko sa kanya.

Pinag titinginan na kami ng tao, wala na akong pakealam kung napapahiya na ako dito.

"Ang kapal naman ata ng mukha mo para sisihin ako?" Mahinahon ngunit pagalit na banggit ni bernard.

Sinampal ko siya sa harap ng maraming tao.

"Then I don't care who is it. I don't care if it's your friend, but please stop using my name, please tigilan mo na ako" sigaw ko sa kanya.

Tinignan siya ng malamig ni bernard. "FYI hindi ako yung nag post, At syaka I don't even like you. Tumabi ka nga sa dinadaan ko. You are blocking my way miss." Madiin na banggit niya sa'kin.

Namula ang mukha ko sa sinabi niya "A-Ang kapal mo n-naman."

Bernard smirk, pero kita ang galit sa mukha niya "Hindi ako magkakagusto sa mayabang na katulad mo."

"Pinapahiya mo lang sarili mo president ka pa naman ng school na 'to" Dugtong niya.

"Ang ka---." Naputol ang sasabihin ko nang makita kong dumating ang dean.

"What's going on here."

Nag si-alisan ang mga tao sa paligid at nakatingin pa din ako sakanya.

Im speechless. Ang kapal ng mukha niya.

Hindi ko nasagot ang dean dahil hindi ko pa din maiproseso ang utak ko.

"Nothing ma'am, nag pa-practice lang po kami ni miss president para sa gagawin naming film" mahinahon na sagot ni bernard. Alam kong dinahilan niya lang 'to, ni hindi ko nga siya kasama sa project namin sa pag gawa ng film.

"Mauna na po ako, kailangan ko pa mag review para sa darating na exam" dugtong niya.

"Okay then, goodluck" sabi ng dean bago ito umalis.

And naiwan ako don kasama si maria, tulala pa din at hindi alam ang gagawin pag tapos ko mapahiya sa harap ng maraming tao.

"Bwiset! Natatae na naman ako" Rinig kong bulong ni maria saka siya mabilis na tumakbo pabalik ng cr.

Hello There, Nerdy (NRM Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon