Chapter 1

1.2K 85 22
                                    

Another day, another struggle and another hard work. Every day ito ang motto ko sa buhay. After ko kasi makagraduate ng Veterinary Medicine sa University of the Philippines ay nagtrabaho na agad ako bilang Veterinarian sa malaking animal clinic dito sa Probinsya namin sa Batangas.

Why veterinary?

I love animals, big or small, venomous or not. They are all part of our ecosystem. Being a veterinarian is as rewarding as being a doctor — you relieve the suffering of animals that have experienced traumatic injuries or chronic illnesses and at the same time you see the happiness and appreciation of their owners..

My love for them is endless — I mean, they are innocent creation of God. They are voiceless and no one can help them but us —me and you.

I think isang factor narin si Zoe kung bakit ko pinili na mag vet. Zoe is my 11 years old cat, 60 years old in human age. Imagine that. Zoe isn't just a cat for me but a friend and companion.

Ilang problema na ba ang sinabi ko sakanya na hindi alam ng pamilya ko? Especially those times na bumabalik lahat ng trauma ko sa pambubully ng mga tao sakin.

— I actually don't want to remember it. 

"Ma!" Pagtawag ko kay Mama habang nagsusuot ako ng sapatos. "Please pakiliguan si Zoe, yung food nya paki oven po ha — then her maintenance medicine."

"Sige Mari." Sagot nya from the kitchen. "Hindi ka na ba kakain ng agahan?"

"Hindi na po, sa office nalang."

Sumilip sya sa pintuan ng kusina. "Gusto mo padalhan kita ng lunch sa Papa mo?"

I smile at her. "Wag na po Ma." Grateful ako sa pag-aalaga nila sakin but i need to maintain the weight i have now. I just... Ayaw ko nang bumalik sa dating ako.

"Baka masobrahan ka naman sa pagdidiet Mariska ha." Paaalala ni Mama.

Tumayo ako para tignana ang sarili ko sa salamin. "Ma, hindi po ako ngdidiet." Paliwanag ko. "Maintenance po."

"Maintenance eh itlog nga lang kinakain mo." My mother retorted. "Puro ka itlog.x

Natawa ako at lumapit kay Mama para yakapin sya. "Birthday kasi ni Sir Glen ngayon at magpapakain sa clinic ng lunch."

"Sus." Kunwari ay tampo sya. "Ayaw mo lang ng luto ko e."

"Sige po, bukas magpapaluto ako ng isang kalderong tinola."

"Wag mo kong hahamunin Mariska." Pagmamalaki ni Mama. "Baka makakain ka ng isang kalderong tinola na wala sa oras."

Natawa ako lalo. "Symepre kakainin nàmin sa clinic Ma."

"Oh sya pumasok ka na."

Hinalikan ko muna ang pinakamamahal kong Mama sa balat ng lupa. "I love you."

"I love you too Mariska." At tinapik nya ang likod ko. "Mag-iingat sa pagmaneho ha"

Maybe you are wondering why I'm still living with my family — because why not? Wala pa naman akong asawa, wala ngang boyfriend. Though may sarili na akong bahay for myself pero mas gusto ko na kasama ko sila.

Pumasok si Papà galing sa pagdidilig ng mga halaman sa labas. "Aalis ka na Anak?"

"Opo." Ngumiti ako. Humalik ako kay Papa at kinuha ang susi ng motor ko sa may lamesa — kung saan nakapatong mga picture frame nong bata pa ako. Ang sakit talaga sa mata kapag nakikita ko ang mga picture ko nong elementary ako. Kaya tinaob ko nalang.

"Bakit mo na naman tinaob." Pagsaway ni Papa sakin. "Pasaway na bata ito."

"I hate it." Sagot ko bago lumabas ng bahay.

The Eve Where stories live. Discover now