Chapter 5

801 73 15
                                    

"Oh Mariska, bakit nandito ka?" Nagtatakang tanong ni Papa ng makita nya na pumasok ako sa loob ng bahay. "Napano ka? May nangyari ba Iha?"

Nakangiti ko syang niyakap. "Wala po Pa. Namiss ko lang kayo."

Tinapik nya ang likod ko. "Namiss ka din namin Anak at nag-aalala ako na baka kung napano ka don sa rancho."

I'm an adult but still I'm their baby.

"Don't worry, safe na safe po don Pa." I assured him bago kami naupo kami sa sofa. I look for Mama everywhere pero wala sya. "Nasaan po si Mama?"

"Namalengke." Titig na titig sa mukha ko na sagot ni Papa. I know i can't lie because he knows every time na may dinaramdam ako o iniisip. Ganon ata talaga pagmagulang. "Basta kung may problema sabihin mo lang ha?"

Sobrang bless ko talaga sa parents — actually sa family, very understanding, thoughtful at loving nila. Sila talaga ang naging back bone ko sa kung ano man ako ngayon.

"I promise."

"Good." He seems satisfied naman, tumayo si Papa. "Nagluto pala ako ng kaldereta kaninang tanghalian, sabi ko sa Mama mo hatiran ka eh dahil paborito mo yon."

"Dito na po ako magdidinner at matutulog tonight." Uuwi nalang ako ng maaga bukas ng umaga.

The truth is, umiiwas ako kay Eve. I don't want to see her. Sobrang nakakalito kasi ang mga ginagawa nya — like why the hell she's asking for a kiss? The nerve.

"Mabuti." Masayang sabi ni Papa.

Nagkwentuhan muna kami ng kung ano ano. My father loves talking about car, motorcycle or bike. Pareho sila ni Kuya but i also loves them. Kaya magkasundo kami sa bahay na yan aside kay Ate Maizie.

My sister like being alone and we all respect that.

"Napapansin ko na tila may problema ang ate mo." Nag-iisip na sabi sakin ni Papa nang mamention si ate aMaizie. "Lately kasi lagi syang malungkot at tila  malalim ang iniisip." Hindi ako kumibo. "May nasabi ba sya sayo?"

Of course i know why — still, wala ako sa posisyon para ireveal ang problema ni Ate kay Papa because that's her personal issues. I mean we don't have a right to out people especially when they aren't ready.

"Wala po." I lied. "Baka pagod po sa trabaho."

"Baka nga." Pag sang-ayon naman nya sakin. "Nag-alala lang ako para sa inyo."

"Ate is okay." I assured him. "Magsasabi naman sya satin if ever may problema right?"

Hindi kumibo si Papa.

Nang biglang may commercial ng isang sikat na sasakyan sa TV.

"Ay sya nga pala, balak ko nga ibenta na ang luma ko na motor at bumili ng bago." Pag-iiba sa usapan ni Papa.

Nakahinga naman ako ng maluwag. "Sige po, ano po bang motor ang balak nyong bilhin?"

Naupo si Papa ng daretso with a thoughtful look on his face. "Yong bago — Honda PCX."

Pinagmasdan ko sya. Father looks very happy when talking about motor. "Magkano po ba yan?"

"Ang mahal nga eh, 140 thousand." Natawa si Papa. "Pero may ipon naman ako —"

"Ako na po ang magbabayad —"

"Wag na." Pagtanggi nya na may ngiti sa labi. "Ipunin mo yang pera mo para kung may gusto ka ay mabili mo."

Inakbayan ko si Papa na para kaming tropa. "May ipon po ako." My parents never obligated me to give money or support them, they always want me to save for myself and future. "At saka magbibirthday ka na Pa, next week."

The Eve Where stories live. Discover now