#1

20 1 3
                                    

pag-asa
by: xyztine

kahit ilang beses ko ginawa
humingi ng mga palatandaan sa langit
hanggang kailan kita panatilihin,

kung dapat ba
mahal kita at ipaglaban ka,
mananatili o aalis ng tuluyan?

pero ikaw mismo
na nagbigay ng sagot dahil mas
maliwanag pa sa liwanag ng buwan.

bakit kita pakakawalan ng tuluyan?
kasi kahit hindi mo pa ako kinikibo, ako ang pinili mo
na pakawalan.

kahit anong gawin mo sa akin,
bakit pinili mong hindi ako mahalin?

Ano ang maaari kong gawin upang ayusin ang lahat?
Hindi ko kakayanin kung hindi mo ako mamahalin gaya
ng pagmamahal ko sayo.

Kung ano man ang nagawa ko,
posible bang mapatawad mo ako? kung hindi,
sabihin mo agad, wag mo nang ipilit pa.

kung hahayaan mo lang akong umasa sayo, bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi mahal mo ako mahal? bakit mo ako tinuring na mundo mo? Maraming mga tanong na hindi masasagot sa pamamagitan ng pagsang-ayon.

yung mga luhang sinayang ko akala niloloko mo lang ako, sabi mo hindi pero totoo. pinaakyat mo ako sa kagustuhan mo. ano ang ginawa ko para makuha ang parusang ito?

Umaasa pa rin ako na posibleng maibalik ang lahat sa dati. sa simula, bakit hindi ka naging tapat? nung nainlove ako sayo dahil lang sinabi mo lahat. bakit?

ang daming tanong na nasa isip ko. hindi na muli maitatanong sa iyo.
minahal ka naman nang buong puso pero baket ganon? umalis ka na lamang parang ihip ng hangin.

ang hangin na iyon ay naging bagyo.
parang bagyong Yolanda dahil sa lakas ng tama nito sa puso ko.
ang puso ko ay nawasak. parang yung mga tahanan na nasira nung bagyong Yolanda. ang bagyo na ito sa buhay ko ay nakapagwasak ng lahat.
sa puso ko hangang sa pagpapahalaga sa sarili.

mas nakapagwasak ang makita kang masaya kagad pagkatapos mo ako
pag-tripan. kahit pasensya, hindi mo masabi?
sa totoo lang, mas gugustohin ko pang wag na mag mahal muli, kesa sa magmahal muli ng isang tao na pag lalaroan lamang ang aking puso at pipilitin akong baguhin ang sarili para sakanya.

poems.Where stories live. Discover now