Kahit ilang beses ko
pang hilingin sa kalangitan
ang mga senyales
kung hanggang kailan
kita dapat bitawan,kung dapat pa ba
kitang mahalin
at ipaglaban,
mananatili ba
o lilisan ng tuluyan?pero ikaw mismo
ang nagbigay ng kasagutan
sapagkat mas
maliwanag pa sa
ilaw ng buwan.kung bakit dapat
palayain na
kita nang tuluyan
dahil kahit hindi
mo pa ako nahahawakan
pinili mo nang
ako ay bitawan.