One-Shot(Start to the END)

24 1 0
                                    


xx Nga Shu xx

Once upon a time,there lived a not-so Princess....


ISA ako sa mga nobody na hopeless sa love life. Capital HOPELESS. Parati akong mag-isa na naglalakad sa corridor,samantalang yung mga nasa paligid ko, kulang nalang paliguan ng magic sugar dahil sa sobrang SWEET. Lagi akong nasa sulok ng canteen dahil kulang nalang pati ako makipagsubuan sa pader. Parati akong nagtatago sa library upang makaiwas sa mga scenery na nakakapagpasikip sa hart hart ko. Pero, miski yung matandang librarian dun, nakikijowa na din. Tinry ko na sa rooftop,pero nakarinig lang ako ng mga ungol. Kinilabutan ako kaya nagtatakbo ako pababa---este,gumulong gulong ako pababa. Kaya nadala ako umakyat muli sa lugar na iyon. Sinubukan ko sa field kung saan nababasa ko sa mga libro na dito DAW ay tahimik,mahangin DAW,at mapayapa DAW... Pero umaalog yung mga sanga. I wonder why? Natakot ako kasi akala ko lumilindol. Sinubukan ko na din sa Garden. Kasi madami daw bulaklak at makakapagisip ka ng maayos. Ngunit, nadatnan ko lang naman dun ang mga kabataang nagliligawan na patuloy na namimitas ng mga bulaklak kahit kulang nalang isampal mo sa mga mukha nila yung NAPAKALAKING KARATULA NA NAGSASABING, "DO NOT TOUCH."

Okay. Hiningal ako. So,anong pinaglalaban ko? Sinasabi ko lang na hindi tayo dapat makiuso sa mga bagay na may label ng,'WITH TOUCH OF NATURE.'


Hindi naman ako BITTER.

NAIINGGIT LANG. T_____T

Dahil sa loob ng 20 years ng buhay ko, ni hindi ko man lang naranasan ang magkaroon ng boyfriend.

Ginawa ko naman lahat-lahat. Nagpatawas ako sa mga albularyo, nanghingi ng love potion sa isang mangkukulam(Na by the way eh,ikinaparalize ng crush ko na pinagbigyan ko.Kasi venom pala nung ahas yung nakalagay dun. Haaaixt. Mabuti at hindi nila alam na ako ang nagbigay. Though,nakokonsensya ako.),Nakipagflames sa tatlong big notebook gamit ang pangalan ko at pangalan ni crush #403,(nang walang sinasayang na papel kahit isa. Pero parating ENEMY ang kinalalabasan. Kinabukasan, nabangga ko siya kaya nagalit siya at sinimulan akong bullyhin for the rest of my high school life.),Tinry ko na ding manghiram kay Cupid ng arrow,(Para naman yun kay crush #526. Sinundan ko siya pauwi after nung graduation namin,kaso kamalas-malasan nga naman ang napana ko eh yung gangster na humihithit ng shabu behind the bush. At iyon ang naging sanhi ng paglipat ko ng dorm agad-agaran)


Lahat na yata ng klase ng ,"How to make my crush fall for me 101" eh ginawa ko na. Masasabi na nga akong expert mula sa paghagilap ng mga pogi 1 kilometer away from you,using your ultimate handsome radar hanggang sa pagpapansin eh. Kaso wala pa din. I always end up being broken hearted.


When I entered college, dun na ko nagsimulang magmature. Inayos ko ang kilos ko. Naging prim and proper ako. Pati sa sarili ko, nagayos din ako. Naging pansinin ako sa loob at labas ng campus namin. Pero nadala na ako. Inuna ko ang STUDY FIRST POLICY. Kahit masakit sa hart, isinantabi ko ang mithiing magkaroon ng lovelife....for the meantime.

NGA TA CO---> Ang ultimate hearthrob ng campus. Isa siyang basketball player at team captain ng nasabing sport's varsity. Noong una,hindi ko pinansin yung mga kwento about sa kanya. Parati akong busy sa pagaaral eh. Pero kahit ganun, bawat sulok ng school, laging siya ang binabanggit, laging siya ang binubulong,laging siya ang maririnig. Naburyo ako for months. Kasi hindi pa naman nagkikita ang landas namin. Hindi ko pa siya nakikita. At hindi ko siya kilala. Kaya bakit ko siya pagtutuunan ng pansin???MADAMI PANG LALAKI SA MUNDO MGA TEH!!!

Pero sabi nga nila, DO NOT JUDGE THE BOOK BY IT'S COVER.

Ilang linggo pagkatapos ng pagsasawalang bahala ko sa sikat niyang pangalan, nagkabungguan kami sa canteen. (Actually ganito yun eh: Minsan lang ako pumunta sa canteen. Madalas kasi sa labas na ko kumakain, pero naiwan ko ang wallet ko sa bahay. Buti nalang may nakita akong isang daan sa ilalim ng bag ko. Nuks. Nagtatae ng pera si Jansport. Pagpunta ko dun,bumungad agad sakin ang isang hawt na hawt na lalaki. Pawisan siya at kasalukuyang tumatawa ng maabutan ko. Alam niyo yung pakiramdam na nagslowmotion lahat at siya na lang ang nakikita ko?? Ayun. Yun yung naramdaman ko nung mga sandalin yun. Ambilis bilis ng tibok ng puso ko. Lalo na nung iniangat niya yung sando niya... shet mga pre! Tumulo yata laway ko nun. Tengene 8 pack abs! 8!!! EIGHT! Tapos shinake shake niya pa yung buhok niya at kinagat ang labi niya!!! Shemaaaaay!!!

ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon