twenty six

23.9K 397 9
                                    


twenty six

"Daddy, nasaan si Travis?"

Nawala kasi si Travis. Kahit saan-saan ko na hinanap pero wala! Hindi ko alam kung pinalayas ba siya ni daddy o ano.

"Pinauwi ko muna. Sinabi kong bukas na babalik," kaswal na sagot ni daddy habang kumakain.

"Payag ka na po sa kanya?" tanong ko na umaasang sang-ayon na siya sa amin ni Travis.

Matagal bago siya sumagot. Nilunok niya muna ang pagkain sa bibig bago sumagot.

"Yes. Nakikita ko kung gaano ka niya kamahal. Pakiramdam ko nga ako ang sinasabihan niya. Pati ako natamaan sa puso dahil talagang dinadamdam niya ang pagmamahal sa'yo," umiiling na sagot niya.

Lumiwanag ang mga mata ko. "Talaga, daddy? Payag ka ng magpakasal kami?"

"Ako, ayoko muna. Pero kung 'yun ang nagpapasaya sa iyo then go. Be happy." malambing na sabi niya at marahang ti-nap ang ulo ko. "Eat more. Magagalit siya kapag hindi ka kumakain,"

Sa sobrang saya ko, tumayo ako at yumakap sa kanya. "Thank you so much, daddy!"

"For our only daughter. I can't believe you're gonna get married, Alex. Baby ka parin sa paningin namin," medyo paos ang boses niya. Naiiyak siguro.

"Daddy naman! Lahat kayo bine-baby ako, pati si Travis!" I pouted.

"You changed a lot, Alex," sabi ni Dad while looking through my eyes.

"Like I said, daddy, people don't change. We just grow up."

"But you're still our baby na kailangan bantayan at mahalin ng sobra. O nga pala, kelan ang kasal?"

"Hindi pa po namin napag-usapan ni Travis, daddy eh. Kayo po kasi ang inuna namin."

"O siya, planuhin niyo na 'yan dahil hindi na ako makakapag-antay." sabi ni mommy at tumawa.

Kumalas na ako sa yakap at umupo muli sa upuan. Sinimulan ko na ang pagkain. Grabe, nagugutom ata ako ngayon! Ang rami kong kinain. Ngayon lang ata ako nasobrahan sa pagkain. Kasi hindi naman ako ganito katakaw kumain eh! Masarap lang talaga ang mga luto.

"Dahan-dahan, Alex. Hindi ka mauubusan," suway ni mommy.

"Ang sarap ng pagkain, mommy eh! Si manang nagluto noh? Ang galing niya talagang magluto!" sabay dila sa labi kong may kanin.

Umiling lang silang dalawa. Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto para magbanlaw ng katawan. Tapos ay nagbihis na rin ako.

Umupo ako sa kama. I decided to call Travis. Kukumustahin ko lang.

"Hey, baby, I miss you," bungad agad ni Travis sa kabilang linya.

"I miss you, too," simpleng sagot ko. "Pinauwi ka raw ni daddy?"

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Yes, but they already agreed on our marriage,"

Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang sinabi ni daddy. "Oo, I'm so happy, Travis."

"Me too, my wife. Ako lang ang papakasalan mo, right? You love me, right?"

Umiiling ako sa sinabi niya. Para siyang bata! "Eh ikaw naman ang mahal ko, malamang sa'yo lang ako magpapakasal,"

"Thank you, Lily. Thank you. You make me so happy," malambing niyang sabi. Sa tinig ng boses niya, nararamdaman ko ang pagmamahal.

Hindi ako sumagot. Hindi rin siya nagsalita. Pinapakinggan ko lang ang mga hininga namin. "Damn, baby, I can't stand this." iritableng sabi niya.

Lust Has No Mercy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon