twenty seven
Naalimpungatan ako nang maramdaman may kung ano sa tiyan ko. Pakiramdam kong may bumaliktad ang sikmura ko. Parang umiikot iyon.
Sa hindi pamilyar na naramdaman, agad akong bumangon at pumasok sa banyo. Humarap ako sa sink at sinuka ko ang dapat na ang isuka. Suka ako ng suka pero walang lumalabas na kahit anong pagkain. Laway lang ang lumalabas. Dura lang ako ng dura.
Hinugasan ko ang aking bibig pagkatapos kung dumura. Paglabas ko nakita kong wala na si Travis sa kama. Siguro umalis na 'yun madaling araw pa lang.
Napagpasyahan ko na munang maligo bago bumaba para kumain ng breakfast. Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako para salubungin sila mommy't daddy.
"Food is ready!" pakantang salubong ni mommy.
Kumain na kami ng breakfast. At kagaya kagabi, ang takaw ko na naman kumain. Nirequest ko pa kay manang na magpagawa ng mango shake dahil takam na takam ako doon. Naiiyak ako kapag 'di ako makakainom n'un.
"Oh, ba't naluluha ka?" nagtatakang tanong ni daddy.
"Mango shake," mahinang sagot ko sa kanila. Pinahid ko ang kaunting luha sa mga mata ko.
Tila nagulat naman sila mommy sa kinilos ko. "Manang, gawan mo nalang siya ng mango shake. Isang baso lang for her," utos ni mommy kay manang.
"Limang baso gusto ko," hirit ko pa.
"Lima?" gulat na tanong ni daddy. "Are you sure kaya mong maubos lahat? Ang rami mo pa ngang pagkain sa plato mo," suway niya pa.
"Gusto ko lima. Gustong-gusto ko," may gusto namang luha na tumulo galing sa mga mata ko.
"Manang, ramihan mo nalang ng mango shake," utos muli ni mama.
"Opo, ma'am," sang-ayon naman nito at umalis na.
May malaking ngiti na lumabas sa aking mukha at nagpatuloy sa pag-kain. Kumuha pa ako ulit ng maraming ulam at kanin. Pang-anim na kanin ko na iyon. Nirarami ko pa ang pagkuha sa mga iba't ibang klase ng ulam sa lamesa para 'di ako maubusan ni daddy't mommy.
"Hindi ka ba pinapakain ni Travis?"
"Ho? Pinapakain naman ako. Saganang-sagana nga po eh," sagot ko kahit puno ng pagkain ang bibig ko.
Dahil ubos na ang laman ng baso ng tubig ko, nilagyan ulit ni daddy iyon ng panibagong tubig.
"Tubig, baka mabulunan ka,"
Tiningnan ako ni mommy ng nakakaibang tingin. "Anak, ang rami mong kinakain ah. Are you feeling well?"
"Opo. Bakit po?" tanong ko sabay subo ulit ng ulam.
"Kasi ngayon lang kita nakitang sobrang lakas kumain eh,"
"Po? Masarap po kumain eh,"
"Baka buntis ka, anak?"
Nabulunan ako sa sinabi ni mommy. Mabilis na kinuha ko ang baso ng tubig sa gilid ng plato ko at diretsong ininom iyon. Nang mahimasmasan ako ay tumingin ako kay mommy na may gulat at hindi makapaniwalang ekspresyon.
"What!" gulat na sigaw ni dad.
"Po?!"
"If you're really pregnant, samahan nalang kitang magpacheck-up," suggestion pa niya.
Bakit hindi ko naisip iyon? Posibleng mabuntis ako dahil hindi na ako gumagamit ng birth control pills at hinding-hindi rin gumagamit si Travis ng proteksiyon kapag ginagawa namin iyon. Nakaramdam ako ng saya at gulat sa nalaman. Pero mas umaangat ang pagkasaya ko kung malaman ko mang buntis ako. Sasabihin ko ito kay Travis! Pero syempre, ikompirma ko muna.
BINABASA MO ANG
Lust Has No Mercy [COMPLETED]
Aktuelle LiteraturHe can't get her that easy so he has no choice but to use force...