U.D [1]

372 7 9
                                    

[No prologue]

Whooo!!!

Umakyat nanaman ako sa PADER!! over the bakod nga kung tawagin nila.. Pano ba naman late nanaman ako. Ayaw akong papasukin nung guard ng pagkalaki laki ng tyan!! Nakakainis diba?! Kala mo naman sya may ari nitong school na to.. Kaya Mortal enemy ko yun ehh!!!

Tumakbo na ko papuntang room ko.. syempre linga linga na din ako dahil baka makita nanaman ako ng buntis naming manong epal guard

"Yeah pano ba yan mga tol?! panalo ko?! haha. Akin na mga taya nyo.. Bwahahah"

Papasok pa lang ako yan na ang maririnig ko.. Ang mga kaklase kong nagbabraha sa loob ng aming paaralan.. ano pa nga bang mapapala nyo pag nasa LAST SECTION ka.. 

Tama nasa last SECTION ako. 

Eh ano naman ngayon kung ang tingin ng mga higher section sa amin ay mga..

BOBO

TANGA

Bulakbol

Masasama ang ugali

Walang Kwentang mga tao

Walang patutunguhan ang buhay 

at iba pang mga negative words na pwedeng sabihin sa amin..

Wala kaming PAKIALAM.. ang mahalaga sa amin.. Nagtutulungan kami, may pagkakaisa, masaya,malaya, totoo't walang plastikan, nagmamahalan .. hindi tulad ng mga nasa higher section.. Matatalino nga sila.. makakasarili naman. Malaya ba silang magkopyahan tulad namin? hindi diba? Oo nagkokopyahan man siguro sila pero masakit sa loob nila yun.. Kasi sila SARILI lang nila ang iniisip nila.. gusto nila lamangan.. gusto nila mas mataas sila kesa sa iba.. Kaibigan nila ang isang tao pag may kailangan pero pag wala naman.. "WHO YOU" ka sa kanila? TAMA diba?

Wala kaming pakialam sa mga sinasabi nila.. Pwera nalang kung guguluhin na nila kami at Sobrang sakit na ng mga salitang sinasabi nila sa amin.. Anung akala nila? na porke't nasa last section kami eh pwede na nila kaming apak apakan? Pwede na nila kaming saktan at lait laitan.. 

Hindi naman kami BOBO eh.. siguro tamad lang o dikaya'y mahina ang utak..

"hoy Julia! bat late ka?" sigaw sa akin ni Karen. 

"Wala lang! oo nga pala!! May good news ako sa inyo!! Birthday ng kapatid ko Bukas .. imbitado kayong lahat!!!"-masayang sabi ko sa mga kaklase ko.

"talaga?!! WHOOOOOOO!!! anong susuutin namin?" tanong ni Josh habang binabalasa ang braha.

Ngumiti ako.

"kahit ano.. basta komportable kayo!!!" sigaw ko.

Nagklase lang kami. Wala din namang masyadong teachers ang nagtuturo sa amin ehh.. Laging nagwawalkout.. Pero pumapasa naman kami.. pera pera lang yan!!!

Alas otso na nung napagpasyahan naming umuwing magkakaklase.. Nagpunta kasi kami sa bahay ni Josh.. Nagpakain sya.. nanalo daw kasi sya kahapon sa 'SABONG'.

Naglakad ako papasok ng aming 'Mansion'.. oo mansion.. Mayaman ang mga magulang ko ehh, ng biglang may nagsalita.

"Ganyan ba ang tamang uwi ng isang dalaga?!"

Narinig ko ang isang galit na boses.

"Anong oras na Julia?! ganto ka ba talaga umuwi pag wala kami?!!" dagdag pa nito.

Tumingin ako sa orasan ko.

"8:30 na po. May orasan naman po dito ah? bat tinatanong nyo pa po sa akin?" 

"Wala ka talagang galang na bata ka!!!" sigaw nya.

"wala pong galang? nag PO naman po ako sa inyo ah? yun ba ang walang galang?!"-naiinis kong sabi..

"WOW. ugaling basura ka talaga.. kararating pa lang namin galing Paris ganyan na agad ang maririnig namin mula sayo?" dagdag pa ni daddy.

Napatingin ako kay Mommy. tahimik lang sya habang nakahawak sa likod ni Daddy.

"WOW dad!! anu bang gusto nyong marinig mula sa akin? ganto.. WOW DAD and MOM!!! andito pala kayo?! WELCOME HOME!!! Namis ko Kayo sobra!!! Kamusta na po kayo? ganyan ba DAD? ganyan ba? HAHA. pwes nagpapatawa kayo!!"-sabi ko.

Sasampalin sana ako ni dad pero pinigilan sya ni Mommy.

"tama na Athur!! hayaan mo na syang magpahinga."-malumanay na sabi ni mommy.

"Hayaan? itong anak mong to ay ibang iba kumpara kay Jane at  Kit."galit na sigaw ni Dad.

"ugaling basura. akala mo naman may ipagmamalaki!! Wala na ngang utak wala pang galang!!!" dagdag pa nya.

Tumingin ako sa mga mata ni Dad.

"Tapos na po ba kayo? Pwede na po ba akong umakyat at magpahinga?!"

Hindi ko na hinintay ang sagot nila.. Tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko.. Naluluha ako.. Nakasalubong ko sa may hagdan si Jane.

"a-ate okay ka lang?" nag aalalang tanong nya.

Ngumiti lang ako sa kanya at dirediretso sa aking kwarto..

Inilock ko ang aking pinto at humiga na sa kama ko.. kasabay nun ay ang pagtulo ng luha ko.. Ang sakit kasi..

'nakakainis!! nakakainis!!!'

Niyakap ko si Miming..si miming ang aso kong chihuahua. Miming ang iinangalan ko sa kanya dahil trip ko lang.. 

Si miming ang lagi kong kasama pag malungkot ako. Si miming ang nakakaalam ng lahat ng hinanakit ko sa puso ko.. Kaya sobrang mahal ko to ehh..

Nakakainis kasi si Bestfriend. Iniwan nya ko. Teka bat ko ba inaalala yun? eh napakawalng kwentang tao naman nun ehh.. Selfish yun ehh!!! HAYSSSSS

Nahiga na lang ako at natulog na.

----------------------

HELLO po. Bago ko pong story to.. Sana po magustuhan nyo.. Super iDol ko po kasi si MARA HAUTEA SCHINITTKA o kilala noon Bilang MARA MONTES at ngayon nama'y JULIA MONTES. Basahin po natin to at i-spread ang Julia Vibes. hihi..

Maiiksi lang po ang magiging U.D ko dito dahil sa cp lang ako gagawa..

Ang next U.D ay kundi mamaya eh bukas o kaya nama'y sa isang araw..

D I A M O N D STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon