WB 9

5.9K 111 23
                                    

Wb 9

Amber's POV

Habang subo subo ko ang lollipop ko, nakadapa naman ako sa kama ko at nags sroll scroll lang ng mga interesting posts sa facebook.

Agad naman akong napalingon when somebody entered my room without even trying to knock first!

Maiinis sana ako kasi Bigla bigla syang papasok sa kwarto ko, paano na lang kung may ginagawa ako?

Pero buti na lang si Uly iyon.

I sighed, "Alam kong ilang beses ka ng nakapasok at nakatulog dito sa kwarto ko, but could you please knock first?"

Napairap na lang sya sa akin.

Nginitian ko naman agad sya kasi namiss ko sya. Hindi kami nakapagkita buong umaga, kasi nga, yung kay Grecko.

"Anong ginawa mo kaninang hapon? Pumunta ako ng condo mo, wala ka doon." tanong ko sa kanya.

"Nagkita kami ni Grecko," he answered blankly.

Napasimangot naman agad ako. I sighed and tried to remove Grecko from my head, "Buti naman at nadalaw mo pa ko. Akala ko you're going to spend the remainder of your night with him."

"Sana. Kung hindi lang nya sinabi sa akin na nagkita kayong dalawa."

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Wait?

"Wait....what...he told you?" pero akala ko ba we'll keep this from him? Siya pa nga mismong nagsabi na wag na wag namin ipapaaalam toh kay Uly or else, malalagot ako.

"Oo. Sinabi nya sa akin ni nakipagkita ka raw sa kanya. Not just once, but twice!"

Napatayo naman ako dahil parang nagagalit na sya.

"Uly, I can explain." Kalmado kong hinawakan ang braso nya pero umiwas sya at nagcrossarms na lamang.

"Sige. Magpaliwanag ka."

I sighed, "Totoo naman yung mga sinabi nya. Nakipagkita ako sa kanya dahil may gusto akong klaruhin sa kanya. I told him my 'conditions and terms' and yun na yon!"

"At?"

"At yung kanina," I paused. Kailangan ko bang sabihin din na sinubukang makipag flirt sa akin ng jowa nya? Paano kung iba ang reaction nya at mas lalo lang syang magalit?

"Ano?"

"Yung kanina, tinanong ko lang kung talaga bang seryoso sya sayo," I lied.

Bumuntong hininga sya, "Hanggang ngayon parin ba hindi mo naiintindihan na seryoso sya sa akin? Mahal nya ako, Amber at mahal ko rin sya. Tsaka kaka-on lang namin, gagawa ka na agad ng problema."

Napayuko ako.

"I'm sorry," i whispered.

"Wala ka ng ibang aaminin?"

Napatingin ako sa kanya, at umiling.

Kahit na nagsorry na ako sa kanya pakiramdam ko ay galit parin talaga sya. Kaya naman ay lumapit ako sa kanya and calmly placed my hands on his side.

"Uly....I'm sorry...please, ayoko ng nag aaway tayo," nilambing ko sya.

Nakatingin lamang sya sa akin. Kinuha ko ang mga kamay nya and I thought he's going to stop me but he didn't. Instead, he even let me hug him on his waist.

"Uly, dont look at me like that na parang galit ka sa akin..."

"Galit ako sa yo."

Ngumiti ako sa kanya, "Babawi ako. I'll do everything..." I tiptoed and gave him butterfly kisses on his lips. "Para hindi ka na magalit sa akin.."

w/ Benefits (KathNiel) [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon