WB7
"Omygosh talaga! Sobrang bait talaga ni Grecko!" pigil na pigil na tili ni Uly sa akin.
"Alam ko, alam ko," tango ko na lang.
"Tapos baby alam mo ba, ang hilig din nya magjoke!" Napakapit pa talaga sya sa braso ko at bigla syang tumawa.
"Ano namang klaseng joke sinasabi nya sayo?"
"Uhm wait, ano ba yung jinoke nya sa akin?" nagisip sya. "Ay ito. Anong insekto ang daw ang walang gums."
"Eh ano?"
"Lang-gum, LANGGAM. gets mo baby? Ohmygosh nakakatawa nakastuck talaga sa kasuloksulukan ng brain ko yung mga jokes nya pero yun talaga yung naalala ko!" kilig pain nya.
Kunyari na lang akong tumawa, "Ha ha ha, mukha namang plastik ang tawa ko diba kasi hindi nakakatawa."
Sumimangor sya sa akin, "baby naman! Napaka killjoy mo! Ang gwapo kaya ni Grecko!"
"Para sayo, oo. Kasi bading ka."
"Alam mo, tama ka dyan. Mas mabuti ng hindi ka nagagwapuhan sa kanya kasi baka agawin mo pa sya sa akin," ngisi nya,
"Luh sayo na yon!" sagot ko. "Pero sa kin ka!"
"Sa kanya ako, i'm sorry. Dahil sa isang araw, magkikita ulet kami," ngingiti ngiti nyan sagot.
Napairap ako, "Baka naman puro kayo na lang ang lumabas at wala na tayong oras lumabas?"
"Wag kang mag alala, baby. Mags-save parin ako ng day para sa ating dalawa," ngiti nya.
"Ayoko umaga. Gusto ko gabi," ngiti ko sa kanya.
Nagulat sya sa sinabi ko at bigla nya akong kinurot sa tagiliran, "Dapat pala naiinis ako sayo ngayon dahil sa mga tine text mo sa akin kanina ha!"
"Why? Anong masama sa mga tine text ko sayo,"
"Iniistorbo mo kami kanina ni Grecko dahil tunog ng tunog yung cellphone ko dahil sayo," umirap sya sa kin.
"Kasalanan mo rin kasi di mo ko pinapansin," ngumuso ako.
"Bhe naman, natural lang yun kasi may date ako." explain naman nya.
Napatingin sya sa akin ng matagal habang nakanguso parin ako sa kanya and not to mention, nakayakap pa ako sa mapayat nyang baywang.
"Pero hoy," aniya.
"Ano yun baby?"
"Totoo ba lahat ng mga tinext mo sa akin? Tungkol sa flower mo?"
Bigla akong napangisi, "I think so. Gusto mo i check?"
Bigla nya akong pintik sa noo kaya napabitaw ako sa baywang nya, "Gaga ka. Akala mo madadala mo ko sa ma ganyan mo."
"Ang mean mean mo kahit kailan!" ngumuso ulet ako habang nakahawak sa noo ko. "Ang sakit.."
"Teka, sobrang sakit ba?" nag aalala nyang tanong.
"Oo kaya," nguso ko parin.
"Patingin nga!" tinanggal nya yung kamay ko sa noo ko at tininan nya yung noo ko.
Habang nakalean sya sa akin nakatingin lang ako sa labi nya.
Hinipan nya yung noo ko at hinalikan, "Ayan. Masakit pa ba?" ngiti nya.
Ngumiti naman ako at umiling, "Hindi na. Pero masakit yung lips ko."
Tinaasan nya ako ng kilay, "Masakit?"