Chapter 2

507 8 1
                                    

Kath's POV

Nagising ako na nasa malambot ako na kama. Tanging polo lamang ang nakatakip sa aking hubad na katawan. Totoo nga lahat. Akala ko isa lamang panaginip. Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha ko.

" Gising ka na pala. "

Dali-dali kong pinunas ang luha ko at itinuon ang pansin ko sa kanya.

" A-asan ako? "

Natatakot pa rin ako sa kanya.

"Andito ka sa Condo ko. "

Unti unti siyang lumapit at inilapag ang tray na may laman na pagkain.

" Kumain ka. "

Yun lamang ang sinabi niya bago siya tumalikod. Pero bago pa man siya tuluyang makalabas ng silid ay nagsalita ako.

" Gusto ko ng umuwi.. "

Mahina lamang ang pagkakasabi ko pero alam ko na sapat na para marinig niya iyon.

" Hindi ka uuwi. "

Malamig ang boses ng pagkakasabi niya. Bakas ang awtoridad. Hindi na lang ako nanlaban dahil baka saktan na naman niya ako. Tiningnan ko muna yung hinanda niya bao ko simulang kainin. Soup, Chicken, Rice at Brownies. Mukhang masarap. Hindi na ako nagpatumpiktumpik pa, gutom na rin naman ako e.

" tapos ka na ba? "

Agad naman akong napatalon sa gulat. Katatapos ko lang kumain at napagdesisyunan ko ng ayusin muna yung kama.

" Ahh oo, salamat sa pagkain. "

Tumango lang siya bago kunin yung tray sa table.

" Kung gusto mong maligo na, doon yung Cr. "

Tinuro niya ang direksyon ng Cr. Nagnod na lang naman ako.

" Isusunod ko na lang yun damit sayo, huhugasan ko lang ito. May sabon na rin doon at iba pang gamit panligo. "

Tumango tango ako bago magbow.

" Thank you. "

Hindi na naman siya sumagot. Tuluyan na siyang lumabas kaya dumiretso na ako sa Cr para maligo.

" Hmmm. Mmm. "

Makalipas ang 30 min. Ay tapos na akong maligo. Sinuot ko yung bath robe at nilagay sa buhok ko yung towel. Pagkalabas ko ay nakita ko ang sando at short sa ibabaw ng kama. Buti at may kasama na itong underwear. Kinuha ko ito at pumasok ulit sa Cr.

" Grabe naman itong short na ito, 2,000? Gastusin na namin iyon sa isang buwan e. "

Sinulyapan ko muna ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng Cr. Naabutan ko na nakahiga si Daniel sa Kama habang nanonood ng NBA.

" oh tapos ka na pala, halika dito. "

Tinap niya yung tabi niya. Agad naman akong sumunod, Sa takot ko ba naman na baka saktan niya na naman ako paghindi ako sumunod. Lumapit siya sa akin at inamoy amoy ako.

" Bango. "

Ngumiti na lang ako ng tipid. Kung ano ano na naman pumapasok sa isip ko. Buti naman at tumigil siya sa pagamoy.

" Gusto mo bang manood ng Movie? "

" Huh? Ikaw ang bahala. "

Ginulo niya ang buhok ko at piningot ang ilong ko. Tumayo siya at inabot sakin ang basket na puno ng DVD /CD.

" Mamili ka ng gusto mo, bababa lang ako para kumuha ng snacks. "

Tumango na lang ako at ngumiti. Grabe andami naman nito...
Ay itoo! narinig ko sa kaklase namin na maganda daw, San Andreas. Inihiwalay ko iyon. Agad namang nakabalik si Daniel dala ang tray na naglalaman ng 1 malaking mangkok popcorn, 1 malaking mangkok ng cookies at juice.

" Yan ba ang gusto mo? "

" Okay lang ba? Narinig ko kasi kay Francis na maganda yan e. "

" Sige tingnan natin.. "

Isinalang na niya. Tahimik lang kaming nanonood. Hanggang sa di namin namalayan na gabi na pala at nakakarami na kami ng Movie.

" O may gusto ka pa ba na panoorin? "

Umilin lang ako at naghikab.

" Dito ba ako matutulog? "

" Oo.. "

" Sige magpapahinga na ako. "

Pipikit na sana ako pero narinig ko siyang magsalita.

" sandali, walang ganoong laman ang tiyan mo. Wag ka munang matulog may kukunin lang ako sa baba. "

Nagmulat ako at sumandal sa headboard ng kama. Hindi naman nagtagal ay bumalik na siya dala ang isang baso ng gatas.

" Inumin mo lang yan tapos pwede ka ng matulog. "

" thank you Daniel. "

" Walang anuman. Iiwan muna kita dito. May lakad kami ng Barkada ko. Wag na wag mo akong tatakasan. "

Balik na naman sa pagiging maawtoridad ang boses niya.

" Oo hindi ako aalis. Magingat ka. "

Yun na lamang ang nasabi ko bago ako tuluyang pumikit.

Daniel's POV

Halatang pagod na pagod siya. Inayos ko ang kanyang higa at itinaas ang kumot.

" Sorry.. "

Hinalikan ko ang noo niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon