Chapter 4

452 2 2
                                    

Daniel's POV

Lunes na ngayon. Kahapon ay inihatid ko na si Kathryn sa kanila. Lunes? Ibig sabihin may pasok na naman kami.

" Par!!! "

Agad naman akong lumingon. Naglalakad na kasi ako papunta sa Room.

" O Katsumi? "

Umakbay siya sakin at bigla na lang umiling iling.

" Problema mo Katsu? "

" sumama ka sakin sa Gym. Problema mo ata ito. "

Nagpahila na lang ako kay Katsumi. Asa hallway pa lang kami papasok sa Gym ay kita na ang dami ng umpukan ng tao. At dahil kilala kami ay agad silan naghawi ng daanan.

" Bakit kaya andito si Daniel? "

Yan kaagad ang usap usapan doon. Ng makarating kami sa bandang unahan ay nanlaki ang mata ko. Nakaluhod si Dom sa harap ni.... Kathryn. Agad na napaigtig ang bagang ko sa narinig ko.

" yes Dom. "

Napatalon naman ang Gago.

" Wooooh! Girlfriend ko na si Kathryn Bernardo. "

Biglang sumama ang timpla ko. Agad akong umalis sa lugar na iyon. Naririnig kong tinatawag ako ng barkada ko pero hindi ko sila pinansin. Dire-diretso lang ako. Sinadya ko rin na sipain ang nagkalat na monoblock chair at basurahan. fuck!

Kath's POV

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Daniel na papalabas ng Gym. Hinahabol siya ng mga barkada niya. Nakaramdam na kaagad ako ng kaba.

" Okay ka lang Babe? "

Napatingala naman ako kay Dom at tumingin sa mga kamay niyang nakapulupot sa bewang ko.

" Okay lang ako. thank you. "

Tipid kong sagot sa kanya. Ngumiti rin ako ng matamis para hindi na siya magtanong pa.


FastForward

Naging maayos naman ang maghapon ko. Medyo nakakapanibago kasi laging nasa tabi ko si Dom. Buong maghapon din na wala ang grupo ni Daniel.

"Hatid na kita babe? "

" wag na, may dadaanan pa rin kasi ako. "

" Sige basta magingat ka huh. "

Hinalikan niya ang pisngi ko at pagkatapos ay naglakad na palayo.

Ting ting

May nagtext sa akin. Agad kong kinuha ang cellphone ko.

From: 0920xxxxxxx

Hi Kathryn. Si Katsumi Kabe ito. Pwede ba akong makahingi ng pabor sa iyo? Punta ka naman sa Condo ni Daniel.

Huh? Saan niya kaya nakuha ang number ko? Bakit kaya niya ako pinapapunta dun? Nakuu. Bahala na nga. Inayos ko ang sarili ko. Naglagay ako ng polbo at pabango at ipinuyod ko na rin ang buhok ko. Nagjeep na lang ako dahil malapit lang naman.

Pagdating sa tapat ng pinto niya ay nakaramdam ako ng takot. Parang gusto kong umatras, pero andito na rin naman ako. Kakatok na sana ako pero biglang bumukas ang pinto. Bumungad sakin ang miserableng Daniel. Gulo ang buhok, Bukas ang uniporme, pulang pula ang mata at amoy alak. Nasa likod niya naman ang barkada niya. Kitan kita ko rin na nagulat siya sa presensya ko.

" Daniel... "

Mahina lang iyon pero alam kong rinig niya. Tiningnan niya lang ako ng matalim ay binangga ang balikat ko kaya napaupo ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon