Chapter 3

513 3 1
                                    


Daniel's POV

On the Way na ako sa Bar na pagtatambayan namin ng Barkada ko. Alas 10 na ako nakaalis sa bahay kasi nagluto pa ako ng pagkain ni Kath na iinitin para bukas ng umaga. Ikinandado ko na rin yung Condo ko ng hindi siya makaalis.

" O andito na si Lover Boy.. "

Tinanguan ko lang naman si Katsumi at nginisian. Nagfist bump din ako sa iba ko pang kaibigan.

" What took you so long?"

Salubong sakin ni Marco habang inaabutan ako ng Shot Glass.

" Baka naman umiscore pa kay Bernardo. "

Pabiro pero malaman ng sabi ni Lester. Agad ko naman siyang binato ng tissue.

" Gago Hindi! "

Nagtawanan naman sila kaya napakunot ang noo ko.

" Chill di ka lang napaiscore, mainit na ang ulo mo Brad. "

Tinapik tapik namin ni Seth ang balikat ko habang sinasabi iyon. Nagtawanan ulit sila.

" Wag nga natin pagusapan si Kathryn dito. "

Natahimik naman sila pero agad ko din namang binasag.

" Kulang tayo huh, asan si Sugui? "

Patuloy lang ako sa paglagok ng alak. Nagsindi na rin ako ng sigarilyo.

" Nagpapaka-Goodboy Brad. Pinopormahan yung ex ni Lucas e. "

" Sino si De Santos? "

" Nakuha mo.. "

Nagtawanan naman kami ng Barkada.

" Ang kaso brad, mailap si Arisse, mahal pa ata si Jon. "

Iling iling na sabi ni Jc.

" Kawawang Patrick.. "

Madrama naman na sabi ni Katsumi. Binatukan siya ni Lester kaya ayun nagtawanan na naman kami. Napatigil kami sa pagtatawanan ng tumayo si Lester at magsalita.

" Andito na pala yung pinakahihintay.. "

Napatingin naman kami sa sinasabi ni Lester. Ugh. Babae na naman.

" ChikaBabes."

Agad na sabi ni Seth sabay akbay sa isang babae. Ganun rin naman ang ginawa nung iba.

" Ikaw Dj? Ayaw mo ba? "

Umiling iling lang ako kay Jc, sabay bumuga ng usok.

" Pass ako. Magiging masaya ako kahit walang babae. "

Seryoso kong sabi. Totoo naman kasi e. Nakakasawa na.

" Himala Brad. "

Ngumiti na lang ako at tumango.
Mukhang enjoy na enjoy ang mga gago pero ganun rin naman ako. Napuno ng tawanan ang table namin sa mga kwento. Wooooh. Aabutin kami ng umaga dito.

Kath's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan akong bumangon at sumandal sa headboard. hayy, gusto ko ng umuwi kaso paano? Kamusta na kaya sina Nanay? Naku tiwala lang makakauwi na rin ako. Tumayo na ako sa pagkakaupo at dumiretso sa baba. Walang kahit anong bakas ni Daniel ang nakikita ko. Kumakalam na ang sikmura ko kaya hindi na ako nagatubili na kumuha ng pagkain. Pagkabukas ko pa lang ng Ref ay sandamakmak na pagkain na ang bumulaga sa akin. Yung baked mac at chicken fillet ay kumuha ng atensyon ko. Kinuha ko iyon at iniinit para naman makakain na ako.

"Saraaaaaap. "

Pagkatapos kong kumain ay nilinis ko ang Condo ni Daniel. Naglaba na rin ako ng mga lamog niya. Inabot ako ng 4 na oras sa paglilinis.

" Kapagod. :(( "

Napagdesisyunan ko munang umidlip ulit tutal ay 1:00 pa lang naman ng hapon.

Daniel's POV

Alas sais na ng umalis ako sa bahay nina Katsumi. Iniwan ko na ang mga ugok dahil tulog na tulog pa. Bago ako dumiretso sa Condo ay dumaan muna ako sa Mall. Ibinili ko si Kathryn ng mga gamit, bumili na rin ako ng makakain namin.

Pagdating ko ay agad na nahagip ng mata ko ang mahimbing na natutulog na si Kathryn. Madaming butil ng pawis sa kanyang noo. Ibinaba ko muna sa table ang mga pinamili ko at pinunasan ko ang pawis niya. Unti unti naman siyang gumalaw at mumulat.

" Hmmm. "

Umatras ako ng bahagya.

" Uy Daniel ikaw pala."

Malat ang boses niya at singkit ang mga mata niya.

" Bakit hindi ka sa kwarto natulog? "

Pinilit kong maging malamig ang boses ko. Ngumiti lang siya g nahihiya habang kinukusot ang mata niya.

" Tinamad na akong pumunta dun e. "

" Ah. Nagugutom ka na ba? "

Pagiiba ko ng usapan. Marahan naman siyang umiling.

" Busog pa ako. Uhm pwede ba akong makahiram ng damit? Ang lagkit ko na kasi gusto ko ng maligo. "

Halatang nahihiya ang boses niya kaya ginulo ko ang buhok niya. Iniabot ko sa kanya yung 8 paper bag. Nanlaki pa an mata niya pero tinanguan ko na lang siya.

" Sayo yan, maligo ka para pagkatapos mo ay kakain na tayo. "

Ngumiti siya ng malapad at sinunggaban ako ng yakap. Nanlaki naman ang mata ko at bigla akong napaigtad.

" Hala Sorry. Nabigla lang ako. "

Tumayo ako at dumiretso sa kwarto. Iniwan ko siyang tulala doon.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon