I want to start my day with peace of mind, kaso Imposibli.
"So, you are the owner?" I'm talking to this old woman again. Naiinis ako, paano niya nahanap itong restaurant ko at dito siya kumain. Hindi pa siya na-satisfied sa order niya kaya pinag-initan niya ang serbidora ko. Siya lang ang una naming Customer na binastos ang pangalan ng pinangangalagaan kong restaurant.
"Hindi ko maintindihan kung bakit sarap na sarap ang ibang customer sa serve niyong walang lasa."
Huminga ako ng malalim. "Mrs.Severa, ibabalik namin ang bayad niyo kung hindi kayo na-kuntento sa inihanda namin. Just please, tigilan niyo na ang pambabastos niyo."
"Bastos?" Tumawa siya. "The customer is always right."
"I know that policy." nagtitimpi na ako.
Dumating si Loyd at lumapit sakin. "fey."
"Oh! Siya ang asawa mo?" Tumingin si Loyd sa kausap kong matanda.
"Good day madam." bati ng asawa ko. "Loyd, pweding sa kusina ka mona maghintay sakin?"
"Bakit Feya? Ayaw mo bang makilala ko ang bago mong lalaki?" Napatingin ako sa matandang pinagtitimpian ko ng galit.Bagong lalaki? Wrong term."Asawa ko Mrs.Severa. Asawa." Diniin ko ang huli kong sinabi mukang na-sense ni Loyd ang init ng eksena.
"Anong problema po Madam?"
"Hindi ko gusto ang serving ng asawa mo."
"Yung sabi niyong 'Bagong lalaki'."
This is not good.
"Loyd wala yun. Galit siya dahil sa pagkain kaya kung ano-ano mga pinagsasabi. I can handle this." Tinutulak ko si loyd ng mahina.
tumawa ng tipid si Mrs.Severa.
"Umaasta kang malinis na babae pero-"
"Shut up old woman!" Punong-puno na talaga ako sa matandang to.
Galit siyang tumayo at binagsak sa sahig ang basong may laman ng Juice. Basag na basag ito."Kanina pa kita pinapakiusapan Mrs.Severa ngunit masyado mong inaabuso ang pagiging Customer mo. Ibabalik ko naman talaga ang bayad niyo eh, pero gumagawa pa kayo ng eskandalo dito."
Hinawakan ni Loyd ang balikat ko para pakalmahin ako.
"Wala ka talagang pinag-aralan babae ka!"
"Stop insulting my wife."
"Your wife is a slut!"
"Bawiin mo yun." natulak ko si Mrs.Severa dahil sa galit, kaya natumba siya mismo sa may basag na baso. oh! God.
"Diyos ko! Diyos ko." nataranta siya. Dumugo ang kanang balikat niya.
Agad siyang nilapitan ni Loyd at tinulungan. I didn't mean to hurt her. I swear, I didn't.Sa Hospital.
"Hindi ko sinasadya."
"Alam ko Fey." thank god at nauunawaan ako ni Loyd.
Dumating si Rence at Alexa.
I can smell trouble.
"Mr.Severa." bati ng asawa ko.
"Who hurt my mom?" Halatang galit ang tono ng pananalita niya.
huminga ng malalim si Loyd. "hindi sinasadya ni Fey yun."
"At pinatulan pa niya?"
Ang taas ng boses niya.
"Hindi sabi sinasadya ni fey diba? Severa, sana main-"
"Hindi ko alam na ganyan pala ang ugali ng asawa mo. Nananakit ng iba."
Sabay titig sakin.
"Binastos ng mama mo si Fey sa mismong Restaurant ng asawa ko."
"Kaya sinaktan niya ang mama ko?" Hinawakan ni Loyd ang collar ni Rence. Hindi ako makagalaw, parang nalagyan ng super glue ang inuupuan ko. Wag sana silang magkasakitan.
"Ayaw ko ng mahabang paliwanag Severa."
"Pwedi ba hospital to."
Awat sakanila ni Alexa. Tinulak ni Loyd si Rence. "wag kang mag-alala Severa. Kami ang mag-babayad sa magagastos niyo dito."
"May pera ako Aldez. Wag mong ipa-mukha sakin ang yaman mo sa pera."
Nagpalitan sila ng tingin.Nilingon naman ako ni Alexa. "Bat nakaupo ka lang dyan? Awatin mo rin kaya asawa mo!"
Napatayo ako at hinila si Loyd. "tara na Loyd." Paalis na kami. Hindi ko napigilan ang sarili kong lumingon sa likuran. kitang kita ko ang mga galit niyang titig sakin. Tinapunan ko lang siya ng ngiting nang-iinsulto. At least, makita niyang hindi ako takot sakanya.Nakalipas ang dalawang araw simula nang magka-initan si Loyd at Rence. Nagpadala kami ng pera sa hospital para sa mga nagastos sa ginawang gamotan kay Mrs.Severa pero binalik rin ito samin. Hindi naman daw malala ang sugat niya. Na-cut lang ang balat niya ng kunti sa balikat.
"5 days lang akong mawawala."
Tinutulungan ko si Loyd sa pag-iimpaki ng mga dadalhin niyang damit.
"Kasama mo bang aalis ng bansa si papa?
"Hindi, ako lang."
inaayos niya ang sapatos niya
"Its time. Kailangan ko nang umalis.Fey, umiwas ka sa gulo dahil alam kong hindi mo naman talaga kayang mag-handle ng problema."
"I will."
"Alagaan mo ng mabuti si Sam."
"Oo."
"Bye." Lumabas na siya ng kwarto. Niligpit ko ang room namin bago mag-bihis at pumuntang Restaurant.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Promise
Short Story"Believe me, minamahal talaga kita. Ikaw ang gusto kong makasama at pakasalan. Hihintayin kita Florence Severa." Yan ang pangakong narinig ni Rence kay Feya bago ito umalis patungong Saint Louise University para ipagpatuloy ang pag-aaral niya ng Law...