"Happy 25th monthsary love." Bati sakin ng
mgandang babaeng nakatayo sa harapan ko. She was so sweet and kind.
Akalain mo, siya mismo ang sasalubong sa akin sa labas ng bahay. "Good morning loves. And happy mothsary too." Hinalikan ko siya sa pisngi. She's 3 years younger than me and very beautiful. Napaka-simpli lang niya mula ulo hanggang paa.
"Papasok ka na ba?" Matamis niyang tanong. I love the way she smile lalo pa't lumalabas ang dimple niya sa may right cheek.
"Oo."
Sabay kaming naglakad. "Nag-breakfast ka na ba?"
"Opo attorney."
Natatawa talaga every time tinatawag niya akong attorney. Inakbayan ko siya. "Mamaya, susunduin kita sa inyo at ipapasyal kita."
"Wag na." Nahihiya niyang tanggi. Ang gusto ko rin sakanya ay ang pagiging mahiyahin niya. Hindi siya materialistic girlfriend. Pag binibigyan ko pa siya ng gifts, nagdadalawang isip pa siyang tanggapin."Ayaw mo ba akong makasama ngayon?" Tanong ko.
"Gusto ko pero, alam kong busy ka sa thesis mo ngayon. Yun na lang mona ang pagtuon mo ng pansin."
Oo nga pala, graduating na ako. AB Political Science ang major ko para pag-graduate ko, proceed na ako sa Law."Are you cheating on me already? Ipapa-demanda kita!" Pagbibiro ko. "Hindi ah! Promise hindi. Promise!" Para siyang bata kong maka-react. Natawa ako sakanya. "I'm just kidding love." I kiss her forehead.
"Gusto mo bang isama kita sa school?"
"Ayoko." Nahihiyang sagot. "Baka makita ako ng mga kaklase ko. Graduating na sila pero ako. :( naiwan pa rin." Malungkot niyang sabi.3 years na kasi siyang nakapag stop ng pag aaral dahil sa financial problem ng pamilya niya.
Niyakap ko siya. "Pumasok ka na. Ma-late ka pa."
"Yes ma'am." Naghiwalay na kami ng direksyon. "Teka lang!" Pahabol niyang sabi at agad akong napahinto. Tumakbo siya palapit sakin at may kinuhang paper bag na maliit mula sa ecobag niya. "Kumain ka ng mabuti." Nakangiti akong inabot yun. Alam ko na to. Egg sandwich na may halong pagmamahal niya. "love love kita." Kinikilig niyang sabi saka tumakbo. I really really love her."Rence, nakita mo na ba yung result ng exam natin?" Tanong ng kaklase kong si Sai. "Oo. As usual. 2.50!" Sagot ko. "Kuripot talaga sir magbigay ng grade."
Lunch time na.
"Sabay na tayong mag-lunch?" Yaya niya.
"Sure"Sa canteen
"Sabi ko na nga ba eh.
Egg sandwich na naman ang baon ni Rence." Pabirong pang-aasar ng isa sa mga close friend kong babae na si Alexa. Natawa sila ng iba kong kaklase. "Baka maging itlog ka na niyan Rence!" Si sai naman ang nang-asar. Di ko sila pinansin at kumain na ako. May budget naman ako pambili ng pagkain ko pero mas prefer kong kainin ang gawa ng babaeng mahal ko.
"Hi, pweding maki-share?" Sabay kaming napatingin sa isang babaeng nagtanung. She's tall and pretty with her long wavy hair. Si Hailyn Morgan. She's HRM student. "Sure" sagot ni sai sakanya. "Thank you." Tumabi siya sakin. "Hi Rence. Thank you daw sabi ni mama doon sa pinadala ng mommy mo samin na Tea flower."
"Welcome."
Ngumiti lang siya. She's kind and generous. Magkakilala ang pamilya namin.
"Guys, try niyo to." May inalok siyang cookies samin. "Wow! Thank you." Si sai.
"Masarap." Sabi nung isa kong kaklase.
"Salamat." Masayang sabi ni Hailyn.
"Rence subokan mo!" Sabi ni alexa. "Busog na ako." Tipid kong sagot dahil busog naman talaga ako.
Ngumiti lang sakin si Hailyn. "Talagang binubusog ka ng pagmamahal ni Feya."
Inosenting sabi niya.Friends din sila ng babaeng mahal ko at gustong-gusto niya ito para sakin. "Paki-Hi nalang ako sakanya Rence, hindi na kasi kami nagkikita masyado."
"No problem."Bandang hapon na nang matapos ang klase namin. Nandito ako sa may paboritong kong tambayan sa tabi ng park, kasama ang babaeng mahal ko. Tahimik kasi dito at di matao. Nakaupo kami
sa may damuhan. Ang ganda ng kalangitan ngayong araw na to.
Gumagawa ako ng assigment ko at siya naman ay may nilalarong mga bulaklak. Para talaga siyang bata. "Bakit?" Tanong niya nang mapansin niyang nakatitig ako. Ngumiti ako sakanya. "Bakit? Mahal kasi kita." Sagot ko
Namula siya sa sinabi ko at agad umiwas ng tingin. She's so adorable. Oh! God. Thank you at sakin siya. Binitiwan ko ang hawak kong libro at dahan-dahan siyang hinila palapit sa akin. Ang ganda talaga niya in her simple way. Her long dark curly hair and those hazelnut eyes. Simpli lang siya manamit.
"Gusto mo ba akong makasama habang buhay?" Tanong ko sakanya.
"Oo."
"Hihintayin mo ba ako sa pagbalik ko?"
Medyo lumungkot ang mukha niya. Alam niya dati pa na mag-aaral ako ng Law sa Saint Louie University.
"Babalik ka naman diba?" Matamis niyang tanong. "Para sayo. Oo"
Ngumiti siya at saka hinaplos ang magkabila kong pisngi.
"Mahal mo ako diba? Kaya Hihintayin mo ako." Di ko maiwasang itanong sakanya.
Muli siyang nagpakawala ng matamis niyang ngiti.
"Believe me. Minamahal talaga kita. Ikaw ang gusto kong makasama at pakasalan. Hihintayin kita Florence Severa." Ito ang gusto kong marinig sa pagkakataong ito. Yun lang ang mga salitang pagbibigay inspirasyun sakin. Ang pangako niya.Kinagabihan. Isinama ko siya sa bahay para maisabay siyang kumain ng hapunan kasama ang pamilya ko. "Good eve ma. Kasama ko si Feya."
"Kumusta po mama!?" Bati ni feya kay mama, pero tinapunan lang siya nito ng tingin. Kailan kaya magugustuhan ni mama si Feya? "Tuloy kayo mga anak." Sabi ni papa samin. Thank god at gusto ni papa si feya. Parang anak na ang turing niya rito. Tapos nang maghanda ng pagkain si mama kaya sabay-sabay kaming kumain. Masayang nakikipag-kwentuhan si Feya kay papa at sa kapatid kong si Rie samantalang naka-simangot naman si mama habang kumakain. Halatang ayaw niya ang presence ni Feya.Nang Matapos kaming kumain nagligpit na si mama. Gusto sana naming tumulong pero si Rie nalang ang pinatulong niya kaya dumiretso kami ni feya sa kwarto ko.
"Love, sa susunod wag mo na akong isama ha! Nahihiya ako sa mama mo." Malungkot niyang pag-amin habang tinitingnan ang mga plastic robots ko na naka-display sa table ko.
"Hindi pwedi. Dahil sa susunod, dito ka na titira." As usual, namula na naman siya sa sinabi ko. Pinigil kong wag matawa sa pagtalikod niya bigla."feya, halika mona saglit." Tawag ko sakanya dahil nakaupo ako sa bed ko. "Bakit?"
"May iibigay ako sayo."
"Ano yun?"
"Halika." Pakunwari kong hinawakan ang bulsa ko. Lumapit naman siya at bigla ko siyang hinila pahiga. "Florence!"
"Yes?" Pilyo kong tanong. Nagpupumiglas siyang makawala sakin. Ang sarap niyang asarin. "Andito tayo sa bahay niyo, nakakahiya!"
"Walang nakakahiya!"
"Naiihi ako."
"Umiihi ka na."
"Florence!"
Natawa ako. "Seryoso ako, wag ka na mahiya sakin. Because in the near future, magiging asawa na kita."
Halatang kinilig siya sa sinabi ko. "Pweding pa-kiss?"
"Hindi!"
"Ayaw mo talaga?"
"Ayoko talaga."
"Pwes! Pipilitin nalang kitang halikan."
Biro ko kaya agad niyang tinakpan ang lips.
"Here I come! Don't cover your lips." Syempri inaasar ko lang siya kahit gusto ko.Isang katok ang nagpabangon samin. Biglang bumukas ang pinto "gabi na. Ihatid mo na si feya sa bahay nila." Si mama na halatang iritado. "Opo."
Tumayo na ako mula sa bed.Bago kami iwan ni mama, tiningnan mo na niya mula ulo at paa si Feya at saka may binulong.Tiningnan ko naman ang kasama kong nakaupo pa rin na gulong gulo ang buhok at medyo nakataas ang palda kaya kitang kita ang legs niya. "Hihintayin kita sa labas ng kwarto. Mag ayos ka mona ng sarili mo."
Iba ang inisip ni ma sa nangyari samin. Tsk!"Mag-iingat ka sa pag-uwi"
Bilin sakin ng babaeng mahal ko.
"Oo. Matulog ka ng maaga."
"Yes attorney!" Tawa niya.
Ang ganda niyang tumawa. "Papasok na ako." Sabi niya at saka tumalikod. "Ah teka, may iibigay pala ako sayo." Pahabol kong sabi.
"Ano yun?"
"Ito." I kissed her quickly.
"Ikaw talaga." Ng-blush na naman siya.
"Sweet dreams.""Ma, mali po talaga ang iniisip mo kay feya."
"Ayoko pa rin siya."
"Bakit? Dahil ba sa papa niya? Oh god! Ma, yung papa niya ang may kasalanan at hindi si Feya!"
Galit akong tiningnan ni mama. " alam ko."
"Yun naman pala eh."
"Pero ayoko pa rin ma-involved ang pangalan ng pamilya natin sa mga Asuncion na yun. Corrupt at killer ang papa niya."
"Please ma."
Kalmado kong sabi.
"Bankcrupt ang dahilan kaya niya nagawang mag-corrupt. at killer? Ma. Self-defense lang yun nangyari. Pinagtanggol niya ang sarili niya kaya siya ang nabuhay. Hindi niya gustong pumatay!"
"Tumahimik ka na nga Rence. Di ko talaga alam anong nakita mo sa babaeng yun. Sana si Hailyn ang nagustuhan mo, mas gusto ko pa siya."
"Wag niyo na isingit si Hailyn sa usapan please!Magkaibigan sila ni Feya."
Tinalikuran lang ako ni mama.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Promise
Historia Corta"Believe me, minamahal talaga kita. Ikaw ang gusto kong makasama at pakasalan. Hihintayin kita Florence Severa." Yan ang pangakong narinig ni Rence kay Feya bago ito umalis patungong Saint Louise University para ipagpatuloy ang pag-aaral niya ng Law...