Hindi ko talaga kayang gawin ang gusto niya.
"Tumayo ka dyan."
Para akong tangang nakatingin sakanya.
"TUMAYO KA!"
Napatayo ako sa gulat dahil sa lakas ng tono ng pagkasabi niya.
"Ang tigas talaga ng ulo mong babae ka."
Speechless pa rin ako, wala akong maisagot.
Tumalikod siya sakin saka nagsalita.
"Fine, hindi na kita pipilitin. Wag ka rin mag-alala dahil hindi ko sinaktan ang anak mo. Pinasyal ko lang siya."
Thank god.
Napanatag ako.
"Kaya sa susunod, wag kang gagawa ng bagay na pweding madamay ang mga tao sa paligid mo."
Humarap siya sakin.
Sa kagagahan ko, mabilis akong lumapit sakanya and before I knew it, I kiss him. I closed my eyes and hugged him. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin sa likod ko.
It is gentle kiss. Pinutol ko agad ang katangahang ito bago pa mag-simula ang apoy.
"Happy?" Tinulak ko siya. Tumawa lang sabay punas sa labi niya.
"Tss. A very good kisser." Komento niya. Na-insulto ako dun.Nadatnan kong mahimbing na natutulog ang anak ko sa isang guest room.
"Sam, anak?"
"Mami?" Inaantok niyang sabi. Nakakawala ng pagod sa tuwing kasama ko ang anak ko.
"Ayos ka lang ba?"
"Yes." umupo siya sa kama.
"Pinasyal niya po ako." sabay turo kay Rence na nakatayo sa may pinto.
"Mami. Friend niyo daw po siya."
"Ah.. oo. uwi na tayo." I wonder kung ano-ano pa kaya ang mga pinagsasabi niya sa anak ko?
"Okay mami."
Lumabas na kami ng kwarto na yun.
"You will do everything I want right?" Nagpaparinig siya sakin. Tumingin lang ako sakanya. Naiinis ako sa pagkatalo ko.
"See you again, love."
Shit! How dare you.
Ayaw ko na siyang patulan pa.
"Tara na Sam."
Humanda ka Rence! May araw ka rin.Pagdating namin ng bahay, sinalubong kami ni Manang at niyakap si Sam. Mahal rin talaga niya ang alaga niya. kung ano-ano mga pinagtatong sakin ni Manang pero wala akong naintindihan ni-isa. Pagod na pagod ako sa araw na ito, ang daming nangyari.
Nahihilo ako, naging madilim ang paningin ko. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa sahig.
"'Mami!"
Yun lang ang narinig ko at nawalan na ako ng malay."Rence!"
He's kissing me.
Hinawakan ko ang pisngi niya.
"Mahal kita Rence, mahal mo din ako diba?"
Tinulak niya ako.
"Hindi! Gusto lang kitang pabagsakin! Wala kang kwenta."
"Pero diba-" Tinutukan niya ako ng baril.
"Papatayin kita Feya."
Pumikit ako at sinabing.
"Mahal kita!"Minulat ko ang akong mga mata. Panaginip lang pala yun.
"Feya"
"Mama."
"Tinawagan ako ng kasambahay niyo at sinabing nawalan ka ng malay."
Umupo ako mula sa pagkakahiga.
"Napagod lang ako kahapon."
"Alam ko, masyadu kang nagpapaka-trabaho. Nasaan ba si Loyd."
"May business trip po siya."
"Gusto mo bang sa bahay ka nalang mo na habang wala pa ang asawa mo?"
"Wag na, kaya ko pa naman. Si Sam?"
"Nasa school, kay Alfrex ko pinahatid. Anong gusto mong kainin ngayon?"
"Kahit ano."
"Sige, ipagluluto lang kita."
Sinandal ko ang ulo ko sa board frame ng bed. Nakakapagod ang mga nagdaang araw.
Kinapa ko ang phone ko to check the time.
May 10 missed call ako at 2 messages.From:090********
Good morning Good kisser. Samahan mo ako mag-Dinner tonight sa Eastwood.
Good kisser? Ang kapal ng lalaking ito. Sinira niya ang araw ko.
From:090*******
Aasahan kita, wag mo akong galitin. Alam mo ang kaya kong gawin sayo. :)
Death threat ba ito? Napabuntong-hininga ako sabay suklay sa buhok ko. Ano ba tong napasok kong gulo?..
"Manang, hindi ako dito kakain. Paki-asikaso si Sam."
"Opo."
6:00 pm pa pero nakatanggap na ako ng text
Sa demonyo na yun. Gutom na ata."Akala ko ba sa eastwood tayo kakain? Bakit mo pa ako pinapunta dito sa apartment mo? Para sunduin ka?" Reklamo ko sa lalaking nakaupo.
"Good evening too."
Pilyo talaga.
"Aalis pa ba tayo?" Iritado kong tanong.
"Hindi. Dito na tayo kakain sa bahay."
"Ano? Tss.wala kang isang salita."
"Eh ikaw? May isang salita ka ba?"
Natahimik ako. Mukhang magbabanggit siya ng nakaraan.
"Ang sabi mo kasi noon, hihin-"
"Okay, dito na tayo okay lang sakin." ayaw kong maituloy ang sasabihin niya kahit ano pa yun!
He chuckle.
"Anong makakain dito?"
"Hindi nagluto ang cooker ko. Pinauwi ko lahat ng guard at maid. Ayokong ma-isturbo tayo ngayong gabi."
May binabalak ba siya?
Napaatras ako.
Kakain lang kami ng sabay, yun lang diba? Alam ko yun lang.
"Ipagluto mo ako ng Adobo."
Pinakita ko sakanya ang reaction kong naiinis.
"Namili na ako ng sangkap, magluluto ka na lang."
"Hindi mo ako katulong Severa!"
Tumawa ang gago.
"Darati-rati ikaw ang nagluluto ng mga-"
"Okay gagawin ko na tumahimik ka na!"
Napapasigaw na ako. Dumiretso ako sa kusina para simulan ang pagluluto.
"Sarapan mo ha! Lagyan mo ng masarap mong pagmamahal." sigaw ng demonyong yun mula sa living room. Lagyan ko kaya ito ng lason?After 32 minutes akong natapos. May alam ako sa pagluluto ng kahit anong putahe dahil namana ko yun kay mama. Nahanda ko na rin ang table. Ready to eat na.
Habang tinitimplahan ko ang Juice, naramdan kong may yumakap sa likod ko.
"Naalala ko ang amoy ng nakaraan natin dahil sa luto mo."
Siniko ko siya.
"Aray!"
"Kumain ka na!"
Nag-simula na kaming kumain.
"This is perfectly delicious Feya."
Of course, I already know that!
" You're a Good kisser and a good cooker. Wow!"
Pang-aasar niya.
Tumigil ako sa pagsubo ng pagkain at tinitigan siya
"Respetohin mo ang pagkain." inis kong sabi.
As usual, tumawa lang saka nagpatuloy sa pagkain. Halos naubos na niya ang luto ko. Parang ilang taon siyang hindi nakakain.Bwesit talaga! Ako pa ang pinagligpit ng kinainan. Habang siya ay nagpapahinga sa sofa. tss.
"Uuwi na ako." sabay hablot sa bag ko.
"Wala akong sinabing pwedi ka nang umuwi."
"Gabi na. Kailangan ako ni Sam."
"Kailangan din kita."
Ito na naman ang pagkatahimik ko. Bumilis ang heartbeat ko.
"Wag na tayong maglukohan."
Nagsimula na akong maglakad patungong pintuan.
"Pag lumabas ka sa pintuang yan. Itatawag ko sa asawa mong magkasama tayo ngayon." napatingin ako sakanya. Here we go again.
"Nakuha mo na ang gusto mo ngayong gabi. The Stupid dinner with me."
Tumayo siya at lumapit sakin.
"Wag mo na akong galitin Feya. Masyadu kang pa-hard to get eh"
"Anong sabi mo?"
Hinablot niya ang phone mula sa bulsa niya.
"May number ako kay Loyd."
I don't believe it.
nag-simula siyang mag-pindot sa phone.
"Hello, Mr. Loyd?"
"Speaking." naka-loud speaker mood ang phone. Boses nga yun ng asawa ko.
"Mag-"
Agad kong inagaw ang phone sa kamay niya at pinatay ang tawag.
"Baliw! Ipapahamak mo ako sakanya? Sisirain mo kami?"
Hindi niya ako sinagot, sa halip ay dahan-dahan niya akong niyakap.
"Please, sleep with me tonight"
Nagulat ako. Gusto ba niya yun gawin sakin?
Tinulak ko siya.
"How dare you. Hindi ako bayarang babae."
Tumawa siya.
"I mean, let's sleep together."
Ang gulo niya.
"Kung ano-anong pinagsasabi mo. Umaabuso ka na ha! Ayoko kitang makatabi nandidiri ako sayo!"
"Inaantok na ako Feya." binuhat niya ako like a bridal style.
"Ibaba mo ako!"
Habang nagpupumiglas ako, di ko namalayang nandito na pala kami sa room niya. Binagsak niya ako sa malambot na kama. Ayokong mag-isip ng masama pero di ko maiwasan.
"Bastos!" Bumagsak siya sa tabi ko.
"Good night." babangon sana ako pero niyakap niya ako ng mahigpit.
"Ngayong gabi lang Feya. ngayon lang." halata sa boses niyang inaantok na siya.
"Paano ako makakatulog nang hindi nag-hihilamos?"
"Sweet dream." Nakapikit na siya.
Hindi na ako nagsalita pa. Tama, hihintayin ko siyang makatulog saka ako aalis.
10 minutes kong tiniis ang ganitong ayos. Namamanhid na ako at nasasakal.
Mukhang tulog na siya. Dahan-dahan kong inaalis ang mga kamay niya sakin pero mas niyakap pa niya ako.
"Tatakas ka huh?"
"Ayokong matulog kasama ka!"
Minulat niya ang mga mata niya.
"Alam ko. Pero hindi kita pweding hayaan na umalis. Gabi na at wala ka pang sasakyan."
"Taxi."
"Wag kang makulit." Bumangon siya at umupo naman ako.
"Sa kabilang kwarto ako matutulog. Wag ka nang magmatigas umuwi Feya. Wag kang mag-alala, wala akong gagawin sayo." saka siya lumabas ng kwarto. Sige, dito na lang mona ako magpapalipas ng gabi. Tama siya, gabi na. Hindi pa naman ako sanay na magbiyahe mag-isa.
Nag-hilamos ako saka mahimbing na nakatulog.Pag-mulat ko ng mga mata ko, nakaramdam ako ng parang tubig sa pantalon ko. Basang basa ang higaan ko. What happen? Agad akong bumangon at..
"What?"
Umiihi ako sa kama?
Shit. I'm already 28 years old pero nagawa ko pang umiihi sa kama? Nakakahiya!
Tumakbo ako sa CR at hinunad ang basa kong pantalon at sinuot ang Bathrobe. Anong gagawin ko? Paano ako makakauwi nito? Pati ata damit ko nabasa na rin. Paano yung bedsheet? Baka malaman ni Rence ang nangyari. Nakakahiya!!
Narinig kong may kumatok. Hindi siya pweding pumasok, basang basa ang higaan niya.
Tinakbo ko ang door.
"Bakit?"
"Mag-almusal na tayo."
"Sige. Mauna ka sa baba, susunod ako."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The Promise
Historia Corta"Believe me, minamahal talaga kita. Ikaw ang gusto kong makasama at pakasalan. Hihintayin kita Florence Severa." Yan ang pangakong narinig ni Rence kay Feya bago ito umalis patungong Saint Louise University para ipagpatuloy ang pag-aaral niya ng Law...