CHAPTER 29

152 8 0
                                    

Pagkalipas nang ilang mga minuto ay umayos na ang lahat

Ilang saglit lang ay dumating na ang mga kawal ng Fire Kingdom at kasama nila ang Haring si Jacob

"Asawa ko!!..."sigaw ni Queen Isabella nang makita nito ang asawa

"Mahal kung Asawa nagagalak akong muli kang makita Mahal ko"saad nang Hari na parang naluluha sa tuwa nang makita nito ang kanyang Asawa

"Napakaraming salamat Mahal na Prinsepe"pag pasalamat sakin nang Hari

"Walang anoman po at nagagalak akong nagbalik muli kayu at natutuwa akong kompleto na ang Pamilya nang Mahal ko"saad ko at agad na lumapit sakin si Blaze at hinawakan ako bewang

"Anong meron na hindi ko alam"saad nang Reyna na Ina ni Blaze

"Ina! Siya po si Prince Alexies ang nag iisang anak at tagapag mana nang Elemental Empire at isang Diyos ng Tagapagsira at Tagapagwasak…"saad nito na kinagulat nang kanyang ina

"At akin pong kasintahan"saad nito at kinagulat lalu nang kanyang Ina

"May apo naba?"biglang tanong nito samin na nakangiti na kinagulat naman naming dalawa at napayuko nalang ako

"Ma naman!"saad naman ni Blaze na agad naman siyang tinawanan ng ina nito

"Napaka hina mo naman anak!"saad nang ama nito na natatawa

"Anong apo ang narinig ko! Meron naba!?"biglang sambit naman ni Ina na kinagulat ko at kinatahimik nang lahat

"Ina?!"mahinang sambit ko na nagtataka

"Oh bakit wala paba?"tanong nito na natatawa pati narin si Ama at ang mga magulang ni Blaze Ay nakisabay narin

"Ma! Tita… pinag paplanohan palang po namin"sambit ni Blaze

"Alam kung marami pang suliranin sating kaharian kaya binabalak namin na…"

"Na ano?! Na bago pa mahuli ang lahat paano kung dina namin masilayan mga apo namin!"saad naman ni Ina na parang atat

"Ina naman! Wag kangang masyadong mag madali!"suway ko naman dito

"Tama ngarin naman kasi si Tita"saad naman ni Blaze sakin

"Tumigil ka nga rin!"sambit ko dito

At agad na tumalikod at umalis sa kanilang harapan dahil subrang naiinis nako

"Sundan muna!"dinig kung sigaw ni Ina kay Blaze at kumindat naman si Tito Jacob kay Blaze na diko alam kung anong ibig sabihin nito.

"Tumigil kanga! Wag moko sundan!"sigaw ko kay Blaze na kanina pa ako sinusundan

"Hali kanga dito!"saad nito at agad akong hinila nito

Kaya napaharap ako bigla sa kanya at nawalan ako bigla nang balanse kaya napa yaka ako sa kanya nang wala oras

Kita ko namang ngumiti ito na parang ngiting tagumpay

"Anong nginingiti mojan?!"inis kung sambit

"Wala! Natutuwa lang ako dahil kanina kapa nakayakap sakin"sambit nito na kinagulat ko kaya tinulak ko naman siya bigla

"Napaka initin mo naman! Paano tayu magka baby niyan"sambit nito na nagpapa cute

"Tumigil ka naiinis ako sa ganyang ngiti mo!"bigkas ko

"Bakit?! Na aaakit kaba?"saad nito at  nilapit sakin mukha nito at kinindatan ako

Na kina gulat ko naman at napa atras ako dahil sa gulat

"Baka di kana makagalaw niyan sa subrang pigil nang kilig!"sambit nito na nakangiti sakin

"Tumigil ka! Tama na…"suway ko dito at agad naman itong tumigil

"May tanong ako mahal ko"saad nito at dahan dahang yumakap saking likuran

Agad naman akong tumango bilang sagot

"Paano mo nalaman at saan mo ito nakuha"tanong nito sakin

"Ang walang hiya mong madrasta at taksil mong kapatid"saad ko na kinataka naman niya kung paano ko nalaman ang tungkol dito

"Si Sylvia ay ang ina ni Francis! Tama?"saad ko at agad naman itong tumango

"Hindi lumayas ang iyong ina nung dumating ang bruhang Sylvia kundi kinulong niya ito sa sariling katawan nang alagang dragon nang iyong ina at pinasok sa loob nang makapangyarihang libro"sambit ko na kinagulat niya

"Walang hiya tlagang babae nayun!"galit na sambit nito

"May dapat kapang malaman"saad ko dito na kinataka niya

"Hindi mo tunay na kapatid si Francis nilinlang lang nila ang iyong Ama"saad ko sakanya

"Anong nila?! May kasabwat pa pala ang babae yun!"sambit nito

"Ang tunay na ama ni Francis ay si Drako ang tunay na pangalan ni Francis ay Dark"saad ko na kinagulat niya at biglang napabitaw sakin nang yakap

"Siya!? Kaya pala palagi siyang wala at ngayun alam kuna na siya pala ang tinatagong Prinsepe nang Dark Empire"asik nito

"Siya nga"saad ko naman

DARK POV:

Nagulat ako nang biglang hangus na hangus ang mga kawal patungo sakin

"Anong nangyare?!"sigaw ko sa mga ito

"Sinugod po tayo mahal na Prinsepe"saad nito

"Nasaan ang Inang Reyna!"sigaw ko dito

"Bigla po siyang nawalan nang malay nang sinugod siya nang nakakatakot na nilalang nasa silid pagamutan po siya dahil nawasak ang kanyang silid"mahabang saad nito at agad nakong nag lahu patungo sa silid nang aking ina

Nadatnan ko naman ang kanyang silid na sira sira at wasak at lubhang malakas nga ang nilalang na sinasanibi nila

At agad naman ulit na nag lahu patungo sa silid kung saad ginagamot siya nang mga manggagamot

"Ayus naba si Ina?!"tanong ko agad sa mga manggagamot pagdating ko doon

"Anak ko!"tawag sakin ni Ina at agad naman akong lumapit papunta sa kanya

"Kinuha nang babaeng yun ang aking Enchant Book"sambit nito na kinagulat ko

VLAMÚR POV:

"Hindi dapat Ito mangyre!"sigaw ko at nag pakawala nang malalakas na Enerhiya

"Panginoon!"tawag sakin nang mga magigiting kung kawal

"Kailangan niyo nang mag madali nakuha na niya ang tunay na Form ng Destruction Goddess"saad ko naman

"Kailangan niyong dakpin ang pinaka mamahal niya ang Prinsepe nang Fire Kingdom na kanyang kasintahan kailangan niyong dalhin dito nang buhay"sambit ko at agad naman silang yumuko at umalis

"Humanda ka saking bata ka mapapasakin din ang iyong Kapangyarihan"sambit ko at nag lahu patungo sa pinaka malalim na Dimension na kung saan na ninirahan ang mga nakakatakot na mga halimaw

"Malapit na ang inyong paglaya aking mga kapatid!"sambit ko pagdating ko doon at nagsihiyawan naman sila at nag si Ungol nang nakakatakot

At ngumiti naman ako dahil lalo na silang lumalakas

The Lost Elemental Prince Where stories live. Discover now