QUEEN/GODDESS LUNA POV:
Natigil ang lahat ng biglang naging pula ang ang kalangitan at buwan
At yumanig bigla ang lupa na kina bitak nito
"Hindi maaari"sambit ko
Agad naman akong nag pakawala ng mga bolang enerhiya at sinalubong nito ang mga dambohalang mga nilalang at agad na sumabog ito kasabay nun ang pagkalahu ng mga nilalang
"Ina..."isang tinig na kinagulat ko at agad akong kinabahan alam kung bosses iyon ng Anak ko
Bago paman ako makaharap sa aking likuran ng biglang sinugod ako ng tatlong naglalakihang mga Dragon na nag mula sa Underworld Kaya tumilapon ako ng sa di kalayuan
"Tita!!"sigaw naman ni Blaze at agad na inalalayan ako sa pagtayu
"Ayos lang po ba kayo?"nag aalalang tanong nito sakin kaya tumango naman ako at ngumiti
"Blaze!"mahinang sambit ko sa pangalan nito agad naman itong lumingon sakin
"Kailangan ako ng Anak ko pwede bang kayo muna ang bahala rito pupuntahan ko lang siya"saad ko rito na kina kunot ng noo niya
"Tita sasama ako!"biglang saad nito na kinagulat ko
"Bawal!! Hindi maaari! Dito ka lang mas makakabuti kung dito ka lang tulungan mo ang mga kasamahan mo mas kailangan ka rito"saad ko rito
Alam kung hindi pa gaano ka lakas ang Kapangyarihan nito bilang Prinsepe ng Fire Kingdom alam kong hindi ito pwedeng mapahamak lalu na't siya ang napiling maging tagapagmana ng Bathala ng Apoy
"Dito ka lang!"muling sambit ko at agad na nag lahu
Agad naman akong tumungo sa aking anak at ng madatnan ko ito ay kita kung nahihirapan na ito at labis akong nagulat at napa atras ng makita ko ang isang dambohalang na ito
"Vlamúr?"yun lang ang lumabas sa aking bibig at kita ko namang napatigil ito kakasugod sa anak ko
"Andito ka pala Goddess Luna ang magiting na Bathala ng Elemento"nakangising sambit nito at napaatras nalang ako dahil sa nakakatakot na bosses at awra nito lalu itong naging makapangyarihan at napakalakas nito"Alexies!" Sigaw ko sa pangalan ng anak ko at agad itong nilapitan at kita kung nanghihina ito
"Anong ginawa mo sa Anak ko"gigil na sigaw ko rito at dahan² ko namang sinandal muna sa puno si Alexies at agarang sinugod Vlamúr
"Elemental Dragon!"sambit ko at agad na nagpakawala ng Apat na Dragon at sinugod nito si Vlamúr
"Walang hiya ka!!"sigaw ko rito at ako naman ay sumugod narin at nag labas ng napakalakas na Enerhiya at pinakawala rito
Nagkaroon ng malakas na pagasabog at binalutan ito ng mga usok at nang mawala ang usok ay kita kung walang epekto ang ginawa kong atake sa kanya kaya nagulat naman ako at napaatras ng bahagya dahil sa diko inaasahang napakalakas pala nito sa inaasahan ko
"Humanda ka"ngising sambit nito namay nakakatakot na bosses kaya agad akong kinabahan
"Demon Axe!"sambit nito at agad naman lumiwanag ang mga kamay nito at lumitaw ang isang napakalaking Palakol at agad na binato ito sa gawi ko
Napatalon nalang ako ngwala sa oras ng muntik na akong mahagip nito ngunit bigla itong bumalik sa gawi ko
"Tornado's Barrier"bigkas ko naman at pinalibotan naman ako ng mga napakalakas na mga hangin at sinangga nito pabalik ang atake ni Vlamúr ngunit diko inaasahang malakas pala ang atake nito kaya tumilapon ako sa di kalayuan
Dahan² naman akong bumangon dahil sa pagka bagsak ko at iniinda ko ang sakit ng aking pagka tilapon kahit na hindi naman ako masyadong napuruhan cguro sa lahat ng Demon Axe nito ganito ang nararamdaman ko, Nang hihina
YOU ARE READING
The Lost Elemental Prince
FantasyPrince Alexies ang nag iisang tagapag mana ng Elemental Empire na kung saan Biniyayaan ng Kapangyarihan Bilang isang Distruction and Creation Goddess ngunit sa kasamaang palad ay nag-kawalay ito sa kanyang magulang nung sangol pa lamang kasama ang i...