CHAPTER 32

155 9 0
                                    

***

"Oras na aking mga kapatid!"sigaw ni Vlamúr (Diyos ng kadiliman) Habang pinapalibutan ng mga nakakatakot na mga nilalang

Agad naman nitong kinumpas ang kanyang kamay at nag bigkas ng mga salita at biglang nagkaroon ng napakalaking lagusan tungo sa Mundo ng Elemental World

Agad naman itong nagsiliparan at pumasok sa lagusan na kinatuwa naman ng Diyos ng Kadiliman

ALEXIES POV:

"Kamahalan nag kakagulo po ang buong bayan at pati na ang buong Emperio dahil sa mga Halimaw na mababangis na Nagsikalat!" Bungad sakin ng Kawal ng aming kaharian ng pagkalabas ko saking Silid

"Ipatawag ang mga Hari't Reyna ng buong Emperio pati na sina Ama't Ina"sambit ko dito at agad naman itong Umalis

**Tug!!*Tug!**Tug²!!**Tug!**

Dinig kong tunog ng mga tambol hudyat na mayroong nag sisiklab na kaguluhan sa Buong Emperio

"Kailangan may gawin ako! Isa pa naman akong Bathala"asik ko saking isipan at agad na pumasok saking silid para mag isip ng mabuti

"Quir Kailangan ko ang tulong mo!"Tawag ko saking Souls Pet at agad naman lumiwanag ang aking mata at dibdib at agad itong lumabas saking katawan

"Ano po ang inyong kailangan Mahal na Bathala?"nakayukong tanong nito bilang paggalang

"Kailangan kita mamaya sa aming pag pupulong"saad ko rito

"Kamahalan! Andito napo ang lahat ng Hari at Reyna ng Buong Emperio"tawag sakin ng isang dama kaya agad na kaming lumabas ni Quir at agad na nag tungo sa Pribadong silid ng aming kaharian

RAFAEL POV:

"Bibisitahin ba natin ngayun si Alexies? Nag aalala na kasi ako sa kanya eh"biglang saad ni Heart Habang nag lalakad kami sa patungo sa Academy

"Ahhhhh!!!!..."sigawan ng mga kabataan na nag mumula sa Academy kaya mabilis kaming tumakbo papunta doon

"Anong nangyayare?!"pasigaw na tanong ni Volter ng maka rating kami sa Academy

Bumungad samin ang mga napakaraming Halimaw na mababangis at mukhang makapangyarihan ang mga ito"Anong gagawin natin!?"kinakabahang saad ni Dianna

"Kailangan natin silang puksain bago paman may mapahamak na mga  istudyante"saan naman ni Thunder at nag pakawala ng mga kidlat patungo sa isang Halimaw

Ngunit walang epekto ang atake nito at agad itong sumugod papunta sa gawi namin

"Kahit kailan tlaga pahamak ka Thunder!"batok naman sa kanya ni Volter

"Poison Vines: biglang bigkas ni Dianna at agad na pinuluputan ang Halimaw na susugod samin

"Ice Crystal Claw: sambit naman ni Crystal at inatake ang Halimaw at kina lahu nito

"Ang galing niyo!"puri naman ni Heaven sa dalawa

"Tama na muna ang chikahan! Kailangan muna nating maubos ang mga napakaraming Halimaw na ito!"sambit ko naman sakanila at agad na kaming nag si takbo patungo sa mga mababangis na Halimaw para puksain ang mga ito

ALEXIES POV:

"Ngayun na ang Oras para mawala sa landas natin si Drako"Saad ko sakanila habang nasa sadgradong silid ng aming kaharian

"Anong ibig mong sabihin Mahal na Prinsepe?"tanong ni Queen Titania(Reyna ng Water Kingdom)

"Ang ibig kung sabihin! Ito na ang oras na kinahihintay ng lahat! Ang paslangin si Drako pati na Ang Bathala ng Kadiliman nasi Vlamúr"sambit ko na kinagulat nila

The Lost Elemental Prince Where stories live. Discover now